Monday, November 29, 2010

Dear You,
          Hindi kita mahal. Oo, uunahin ko na yan. Uulitin ko pala, hindi PA kita mahal. Pero masaya ako. Ikaw lang ang nakapagpakilig sa akin ng ganito sa mundong ganito. Hindi pa tayo nagkikita ng harapan pero masaya akong natagpuan ka sa mundong “ito”.
          Nais kong malaman mo na miss na kita. Namimiss ko ang panahong pinapakilig natin ang isa’t isa. Na para bang walang alam ang mundo sa ngiting binibigay mo sa akin. Miss ko na ang panahong tayo - yung nagkakaintindihan tayo.
          Nasaan na ba yun ngayon? Bakit ka biglang nanlamig? Miss na kita. Pwede bang bumalik na lang tayo sa dati? Hindi tayo. Hindi kita mahal. hindi mo ako mahal. Pero masaya. Hindi naman tayo nagmammadali di ba? Nakahanap ka na ba ng iba? Masyado kasing maraming maganda sa mundong “ito” e. At hindi naman ako maganda. Siguro mas pinapakilig ka nila. Patawad kung hindi ko yun magawa sa iyo. hindi kasi ako naniniwala na pwedeng may mabuong pag-ibig sa mundong “ito”. Pero pinatunayan mo na posible pa lang kiligin sa ganitong sitwasyon. Salamat.
          Isa ang tanging hiling ko para sa ating dalawa. Sana bumalik na tayo sa dati. miss ko na ang mga panahong iyon. Huwag mo naman akong dedmahin ngayon. Hindi ka na rin kasi stranger sa akin - yun ang nararamdaman ko. Please, bumalik ka na. Punuuin mo uli ang aking kahon ng matatamis mong mensahe. Bumalik ka na.
Umaasang magbabalik ka,
Me

No comments:

Post a Comment