Monday, November 29, 2010

Dear Antok,
         Kung kailan kailangan kita, wala ka. Kapag naman ayoko sa’yo at pinagtatabuyan kita, napakaepal mo. Pinapahirapan mo ako. Alam mo bang kapag wala ka e kung anu-anong naiisip ko? Kung anu-anong tumatakbo sa utak ko. Nanghihina ako kapag wala ka. Hinahanap kita, nasaan ka? Huwag mo naman ako hayaang magdusa sa paglisan mo.
        Kailangan kita. Samahan mo ako kahit ngayong gabi lang. Maawa ka naman sa akin. Huwag mo na akong pahirapan. Alam mo at alam ko rin na babalik ka. Huwag ka nang mag-inarte. Ngayon na! Hindi kita tatanggihan. Bumalik ka na.
Naiinis sa’yo,
Hazel 

No comments:

Post a Comment