Thursday, March 31, 2011

A Vacation

        Noong nasa Mindoro ako (March4-11), nameet ko ang lola ng kapatid ko. Pinakilala ako ng Mama ko sa kanya at sinabing anak niya ako (wow, pinapakilala na niya ako as anak niya :D). Ayaw maniwala ni Lola Mila. Tinanong niya pa ako kung totoo raw at sinabi ko namang oo.
          Ininterview niya ako at ako rin naman sa kanya. Kung first time ko raw bang makilala si Haggai. Sabi ko hindi. Nanliligawa pa lang ang tatay ni Haggai sa Mama ay alam ko na. At saka isa pa, dito sa Lipa ipinanganak si Haggai at lumipat lang sa Mindoro bago siya magseven. Tinanong ko siya kung noon lang ba niya nalaman na may anak ang Mama bago pa si Haggai. Sabi niya, oo raw. Sabi ko kung galit ba siya dahil hindi pinaalam sa kanya. Hindi raw. Binola niya pa ako. Paano daw siya magagalit kung isang tulad ko naman ang anak ni Mama. At isa pa, ayon sa kanya, napakabait at smart daw ng Mama ko (pero Globe siya).
        Hindi ako makaget-over noon. Kung paano ako tratuhin ng angkan ng kapatid ko at kung paano sila humanga sa Mama ko, iba talaga. Naisip ko noon, mabuti na ngang andun sila sa Mindoro kesa dito sa Lipa. Naachieve na siguro ng Mama ko ang isa sa pangarap niya - ang mamuhay nang may naniniwala sa kanya.
        Nabanggit ko na nang bahagya noon sa Ina Series ko kung paano nagkamali ang Mama ko. Nakakatuwang isipin na ang ibang tao na hindi na rin naman kaibahan ang nagbigay muli ng tiwala sa kanya. Nakakatuwa kung paano sila naniniwala sa kabutihan at kagalingan ng Ina namin. Nakakalungkot lang na sa kanila pa ‘yon nanggaling at hindi sa immediate family namin. Nakakainis na kailangan pang ibang tao ang magbigay sa kanya ng pagkakataon para magbago at ang sariling pamilya niya ang hindi niya makkumbinsi na kaya niyang magbago.
        Pasigaw kaming nag-uusap noon ni Lola Mila. Sabi ko sa kanya, namimiss ko ang lola ko sa kanya na medyo hawig niya pa. 83 years old na siya. Sabi niya “I can be your Lola.”Sabi ko, “Napakasweet niyo po”. Ngumiti siya at sinabing “I am old enough not to be good. And you and your brother, mababait kayo kahit na ngayon lang kita nakilala.” Ako naman ang napasmile.
        Alam mo yung feeling na hindi ka naman nila kamag-anak pero pakiramdam mo e kabilang ka talaga sa pamilya? Ganoon ang pakiramdam ko. Isama mo pa ang mga pinsan ng kapatid ko na yumakap at humalik sa akin. They told me na they can feel daw that I am a sister to them. At kinabukasan e pinuntahan nila ako sa bahay para bisitahin at yumakap. Nakakataba ng puso.
        Minsan talaga may mga taong mawawala ang presensya sa mundo mo, physically pero bibigyan ka naman ni Papa God ng maraming kapalit. Kasama nun ang pag-appreciate mo sa ibang tao at paniniwala sa pag-ibig at tiwala. Hindi ito cliche. Yun ang naramdaman ko noong mga panahong iyon. Ang sarap-sarap sa pakiramdam. Isa yun sa moments na naramdaman kong may pamilya pa pa lang handang kumupkop sa akin matapos mawala ng Inay.
        Ayaw nila akong pauwiin sa Lipa pero hindi naman pwede. Andito ang buhay ko. Hindi ko talagang kayang mamuhay doon ng matagal. Pero isa lang ang sigurado ako, babalik ako doon at pupuntahan sila sa lalong  madaling panahon. :))

No comments:

Post a Comment