Thursday, March 31, 2011

Promises are made to be broken

           Really? E bakit ka pa nangangako kung hindi mo rin pala tutuparin? Kapag nangako ka, dapat tuparin mo. Kaya nga pangako e.
          Madali sa karamihan ang mangako. Kalimitan naman e maliit na bagay lang ang mga pinapangako nila e. Pero bakit may nasasaktan at umiiyak? Kung pinangakuan ka ng kendi at hindi niya nabigay sa ‘yo, bakit ka malulungkot e kung kendi lang naman yun. Hmmm. Hindi naman kasi kendi lang yung ikinalungkot e. Yung pangakong hindi natupad. Yung pag-asang matutupad ang pangako pero hindi. O, e bakit umaasa? E kasi hindi ba’t kaya nangangako ay para may panghawakan? “Promise, ibibili kita ng sapatos.”So sure na na may sapatos ka in the future. 
         Medyo madali lang sanang tanggapin na yung mga materyal na bagay ang hindi naibigay. Pero kapag ang mga pangakong mabibigat ang napako, parang puso mo na rin ang namartilyo. “Hindi kita sasaktan, promise.” (Oh geez, go to hell!)
          Naabuso na ang salitang “promise” at “pangako” kaya marami na ring damdamin ang abusado. Kung naniniwala ka sa “PROMISES ARE MADE TO BE BROKEN”, huwag ka na lang mangako.

No comments:

Post a Comment