Nakikilala ka ng ibang tao dahil sa kasama mo…
Ewan ko. Para sa akin hindi naman laging totoo ito e. Bakit? Ako ba sila at sila ba ako? Hindi por que adik ang kaibigan ko e adik na rin ako. Minsan kasi kailangan nila ng kasamang hindi tulad nila, in this case adik. Kailangan nila minsan ng kausap. Yung hindi high. Kailangan nila ng kaibigan na maaaring ang “kaibigan” na yun ay nakita nila sa akin o sa ‘yo o kung kanino pa man.
Hindi por que may kaibigan akong iusang dosena na ang anak sa iba’t ibang lalaki ay magpapabuntis na rin ako kung kanino lang para makaisang dosenang anak. Hindi. Mali. Maling maling poag-isipan ang tao nang dahil sa kung anong nakapaligid lang sa kanila. P)wede naman pero huwag namang sukdulan. Ibig bang sabihin nito e ang isang batang nakatira sa lugar ng mga magnanakaw ay wala nang karapatang lumaki taliwas sa kung anong ibinibintang sa kanya? Kawawang bata. ANg sakit pa namang masabihan ng mga salitang tulad ng ” Naku, magnanakaw rin yan ‘pag laki.” “Naku, sigurading mag-aasawa yan ng maaga.” WEala kang kalaban-laban, hindi hindi ka pa nga marunong magsalita e alam na nila ang future mo. Amazing.
Marami akong kaibigan o kakilala, single parents, sex addict, pusher, user, bakala, toomboy, bi, etc. oo, ilan sa kanila ay kaibigan ko. Pero ni minsan e hindi ko pa nasubukang bumili o gumamit ng kung anumang binebenta at ginagamit nila. Ni hindi ko pa rin nasusubukang makipag…in fact, sabi ng isa kong kaibigan na “mahilig” huwag ko daw basta basta isusuko ang bataan. Nakatulala lang ako sa kanya at nagmuni-muni. Mabubuti naman silang tao. Hindi na lang din talaga makahiwalay nang biglaan sa mga bisyo nila. Nagkamali sila pero hindi ibig sabihin nun ay isasama kanila sa mga pagkakamali nila. Hindi lahat ng tao ganun!
Bigla ko lang itong naisip dahil sa mga tao dito sa shop na animo’y adik pero mababait na tao. Tapos yun, naisip ko ang mga kaibigan ko at kung paano inilalarawan ng iba kong kamag-anak ang aking pagkatao ng minsang akala nila nag-aadik ako. Naisip ko kung gaano kadali ang manghusga ng isang tao base sa kung ano lamang ang nakikita nila at wala naman talaga silang kinalaman.
No comments:
Post a Comment