Thursday, March 31, 2011

        Masayahin kang tao. Palatawa. Nakangiti palagi. Positive ang aura mo. Kung tumawa, parang wala na atang bukas. Kung makapagbitiw ng biro daig pa ang clown. Ganyan ka kapag kasama mo ang mga kaibigan mo o ang kahit na sinong tao.
         Pag-uwi mo, kapag mag-isa ka na lang uli. Ganyan ka pa rin ba? Masaya? Hindi ba’t napakaraming tumatakbo sa isip mo? Lahat na lang naisip mo. ni sarili mo hindi mo na mapangiti. Bigla kang babalutin ng kalungkutan. Bigla mo na lang maiisip na mag-isa ka pa rin. Na napakalungkot ng buhay mo.
         Napakadaming pagmumuni-muni ang iyong ginagawa at nagbabakasakaling makapulot ng dahilan para maipaliwanang ang nararamdaman. Masakit tanggapin hindi ba? Hindi naman sa niloloko mo ang mundo sa iyong kasiyahan. Iba lang talaga ang pakiramdam kapag mag-isa.
        Bago matapos ang araw, babalutin at yayakapin ka pa rin ng realidad. Hindi ka pa rin masaya. Malungkot tanggapin na malungkot ka.

No comments:

Post a Comment