Suplada. Mahirap mareach. Maarte.
Mga bagay na sanay na akong marinig mula sa iba. Mga bagay na manggagaling sa mga taong hindi man lang nag-eeffort makilala ka maliban sa mga kaibigang inaasar ka.
Totoo nga naman, suplada, mahirap mareach, maarte. Hanggang doon na lang ba ang gusto mong malaman? O baka naman ayaw mo lang mapatunayan sa sarili mong mali ka? Kapag ganan ang naririnig ko sa iba e hinahayaan ko lang. Sige lang. Wala akong panahong magpaliwanag at magpakilala ng sarili sa mga taong isang tingin pa lang sa ‘yo ay nahusgahan ka na. Ichichika pa sa iba na ganito, ganoon ka. Nakakairita lang na ayaw na bukod sa nahusgahan ka na e hindi pa nakuntento at may share with friends pang nalalaman. Para bang ibinebenta ang pagkatao mo gayong hindi ka naman personally kilala.
On the other hand, nakakatuwa ang mga taong kahit na suplada at maarte ang dating mo ay naniniwalang baka sakaling mali ang first impressions nila. Hindi ba’t minsan may mga tao talagang malayo ang personalities sa itsura? At meron rin namang malayo ang personalities sa character? Nakakatuwa lang yung mga taong handang makipagmeet halfway sa yo para makilala ang isa’t isa.
Not that I was born this way but first, you don’t even know my real name.
No comments:
Post a Comment