Hindi ba’t marami sa atin ang gustong makabalik sa nakaraan? E paano kung ang binibigay ng pagkakataon ay sa hinaharap? Gagawin mo ba?
Kapag binigyan ka ba ng pagkakataong malamang ang mga mangyayari sa ‘yo ay igagrab mo ba ang opportunity? Malalaman mo kung sinong mapapang-asawa mo kung magkakaasawa ka man. Malalaman mo kung magiging successful ka man o hindi. Malalaman mo lahat ng gusto mong malaman, let’s say 10 years from now. Gagawin mo ba? Maaaring oo, maaaring hindi.
Ako, gusto ko. Pero ayokong makita kung sino ang mapapang-asawa ko or what. Gusto ko lang malaman kung magiging successful ba ako o hindi. Kung magkakaroon ba ako ng pamilya o hindi. Ayokong malaman yung mas maliliit pang details. Ayokong malaman kung sinu-sino ang mga nasa buhay ko sa hinaharap. Bakit? Paano kung ang asawa kong makikita sa hinaharap ay hindi pala ang boyfriend ko (kung meron man) ngayon? Paano yun? Makikipagbreak ako kahit na mahal ko siya at ng dahil lang sa alam kong hindi siya ang makakatuluyan ko? Hindi ba’t parang ipinagkait ko sa kanya ang pagmamahal at ipinagkait sa aking sarili ang pagkakataon magmahal? Paano kung malaman kong sa isang partikular na kumpanya pala ako uunlad at hindi sa kasalukuyang pinagtatrabahuhan? Titigil ba ako? Hindi ko ba gagawin ang lahat total naman ay hindi ako magtatagal sa kasalukuyang trabaho e. Hindi ba’t ipinagkait ko sa kumpanyang yung ang nararapat na kagalingang dapat ay ibigay ko? Hindi ba’t ipinagkait ko rin ang sa aking sarili ang pagkakataong sumubok?
Hindi ko alam. Maaari ngang ang pag-alam sa nakaraan ay nakakatulong sa maraming paraan. Pero ang malaman ang kahihinatnatan ng mga personal na buhay, ayoko. Buti kung lahat maayos at maganda. Paano kung hindi? Paano kung alam ko na ang lahat? Uupo na lamang ba ako para hintaying mangyari ang mga yun?
Ang nakaraan, lugar na hindi ko dapat pamuhayan. Ang hinaharap, bagay na hindi ko dapat pangunahan.
No comments:
Post a Comment