Naalala ko nung nasa Batangas Port ako at naghihintay ng barko. May Manong na kumausap sa akin. Interbyu interbyu siya. Kung saan ako nakatira, anong course, chuchu. Kung may boyfriend na daw ba ako. Sabi niya malapit na rin daw akong mag-asawa.
Ewan ko. Sino siya para sabihin yun? Tapos ang tono niya pa ay parang hindi ko raw makukuha yung mga gusto ko bilang yun ang pinag-uusapan namin. Sabi ko “Hindi po, at least 27 po ako mag-aasawa.” At with conviction niya sinabi na “Hindi ako naniniwala sa ‘yo” Naiirita ako nun. Tapos ako naman e pilit na ngumingiti lang.
“Kapag dumating na ang lalaking mamahalin mo e lahat ng pangarap mo e mawawala.” Hindi na ako sumagot. Kung anu-ano na ang inisip ko. Totoo ba yun? Ako kasi ayoko ng ganun. Gusto ko, pagdating nung taong mamahalin ko at mamahalin ako e mamahalin niya ako, ang mga taong mahal ko kasama ng mga pangarap ko. Ayoko naman ng kami lang dalawa. Hindi wagas para sa akin yun. Dahil unang una, hindi kami magpapanagpo kung hindi dahil sa iba.
Naalala ko rin, tanong ng kapatid ko “Ate, paano kung hindi gusto sa akin ng mapapang-asawa mo?” Hindi ako nahirapang sumagot ng “E di hindi siya ang mapapang-asawa ko”
Major Turn On: Yung may respeto sa kung anong meron na ako sa buhay ko bago pa tayo magkita. Lalo na kung hindi na ito maalis sa buhay ko.
No comments:
Post a Comment