Thursday, March 31, 2011

Cocoon

“I was living a comfortable life but coming out of my comfort zone is like breathing in new air. I am not a different person but a better person… grounded, street smart, vigilant and focused on the PRIZE ahead.”

           This is from my cousin’s wife’s blog entry. It’s lovely, isn’t it? It is just wonderful how she finally decided to come out of her comfort zone. I envy her. A lot.

            I envy her because I also want to get out of my comfort zone but I do not have enough courage yet. I live my life today as I lived it in the past years. Different people rushing into my life, different things dancing on my hands, different places haunting my feet, many different things but one thing stays the same, I am safe.

             Am I as safe as what I think of? No. I am fully aware of that but I can not think of any place where I can be safer or maybe I do. I do know the place to be happy and at ease. The problem is, when will I get there? How will I go there? I am such a baby. I used to take risks as a teen. I used to live my life carelessly. I did think of growing up but never did I plan it at all. I just live my day as it is. If there’s an opportunity to laugh, I laugh. If time gives me a chance to cry, I cry. Now, I know that there’s a lot of opportunities knocking on my door and unfortunately, I just can’t open it. I am too afraid.

             Cautious? Is that what we call it? I don’t think so. It is not just being cautious. That’s not the problem. My problem is that I know the place I always wanted. I know the kind of things and people I always wanted to be with. I know what I wanted and still want but I can not lift my own foot to take a step. I am too afraid. Ending? I am stuck as always. I am just an old me.

           I wish I could have the same perseverance as what my Ate Ete has. I am afraid to be rejected. I am afraid to go out of my comfort zone. But come to think of it, this is not the life I wanted. I hate being involve in life issues I am not responsible of. I hate having my pillows to lean onto. I hate being excited for a trip and not being able to pursue it because I have no resources of my own. I hate my life, my comfort zone. It seems that my comfort zone isn’t really that comfortable for me.

         I maybe young to rush things but not too young. I maybe fragile but when will I ever try to expose myself to the things that would fail? Whether I do or not, some things will just fail so what am I so afraid of? When will I ever let myself be strong enough to face my endeavors?  Whether strong or not, challenges will find their ways towards me so why am I so ‘baby’ to fight?

          I know the answers to my own questions. I just can’t execute the solution. I have to be focused on the prize that I want to get but first, I have to play the game. I have to come out of this cocoon. I have to. I will.

A Dreamer


Understand  that you Can achieve Success
Define what Success represents, for You
Organize your life around its Achievement
            These are just three steps from The 7 Habits of Highly Effective People written by Stephen Covey. Yes, these are good pointers to be an effective person. Never under-estimate your capability to reach goals.
             I don’t know but lately, I’m not so sure if I can really achieve that success or if I have the time to make so. I do not know how ‘success’ represents me. Consequently, I can’t organize my life, if I have one, around its achievement. I don’t know where I’m going. I don’t know how start again or even continue.
            I used to be a girl with dreams and a person who will live up to those dreams. Now, I can not find the urge to wake up and make those dreams come into reality. Again and again, I am lost. Again and again, I get stuck.
            You see, dreams are not always what they seem to be, as for me. They are not just the fantasies you paint before you go to dreamland at night. They are not as easy as they seem. Dreams can be a nightmare. If you could not find the strength to wake up, you might die.
            I am afraid to die and worse, I am frightened to be killed by my own dreams. 
            I just wish that the next time the sun shines, my eyes would see the path. The moment it rains, I would know where to get an umbrella. Tomorrow is a different day, that’s for sure but I don’t want to live tomorrow and be dead today. I have to find the air to keep on living. I have to find the understanding that I can never be far from the success I used to paint in my dreams, once again. I want to know how reaching my goals would mean to me. I want to have a life again and live it around my achievements.
           I wish upon a star, I hope upon heaven, that someday or better yet, as soon as possible, I’ll be that dreamer again who’s ready to wake up and live the reality.
Nakikilala ka ng ibang tao dahil sa kasama mo…
         Ewan ko. Para sa akin hindi naman laging totoo ito e. Bakit? Ako ba sila at sila ba ako? Hindi por que adik ang kaibigan ko e adik na rin ako. Minsan kasi kailangan nila ng kasamang hindi tulad nila, in this case adik. Kailangan nila minsan ng kausap. Yung hindi high. Kailangan nila ng kaibigan na maaaring ang “kaibigan” na yun ay nakita nila sa akin o sa ‘yo o kung kanino pa man.
          Hindi por que may kaibigan akong iusang dosena na ang anak sa iba’t ibang lalaki ay magpapabuntis na rin ako kung kanino lang para makaisang dosenang anak. Hindi. Mali. Maling maling poag-isipan ang tao nang dahil sa kung anong nakapaligid lang sa kanila. P)wede naman pero huwag namang sukdulan. Ibig bang sabihin nito e ang isang batang nakatira sa lugar ng mga magnanakaw ay wala nang karapatang lumaki taliwas sa kung anong ibinibintang sa kanya? Kawawang bata. ANg sakit pa namang masabihan ng mga salitang tulad ng ” Naku, magnanakaw rin yan ‘pag laki.” “Naku, sigurading mag-aasawa yan ng maaga.” WEala kang kalaban-laban, hindi hindi ka pa nga marunong magsalita e alam na nila ang future mo. Amazing.
         Marami akong kaibigan o kakilala, single parents, sex addict, pusher, user, bakala, toomboy, bi, etc. oo, ilan sa kanila ay kaibigan ko. Pero ni minsan e hindi ko pa nasubukang bumili o gumamit ng kung anumang binebenta at ginagamit nila. Ni hindi ko pa rin nasusubukang makipag…in fact, sabi ng isa kong kaibigan na “mahilig” huwag ko daw basta basta isusuko ang bataan. Nakatulala lang ako sa kanya at nagmuni-muni. Mabubuti naman silang tao. Hindi na lang din talaga makahiwalay nang biglaan sa mga bisyo nila. Nagkamali sila pero hindi ibig sabihin nun ay isasama kanila sa mga pagkakamali nila. Hindi lahat ng tao ganun!
          Bigla ko lang itong naisip dahil sa mga tao dito sa shop na animo’y adik pero mababait na tao. Tapos yun, naisip ko ang mga kaibigan ko at kung paano inilalarawan ng iba kong kamag-anak ang aking pagkatao ng minsang akala nila nag-aadik ako. Naisip ko kung gaano kadali ang manghusga ng isang tao base sa kung ano lamang ang nakikita nila at wala naman talaga silang kinalaman.

Promises are made to be broken

           Really? E bakit ka pa nangangako kung hindi mo rin pala tutuparin? Kapag nangako ka, dapat tuparin mo. Kaya nga pangako e.
          Madali sa karamihan ang mangako. Kalimitan naman e maliit na bagay lang ang mga pinapangako nila e. Pero bakit may nasasaktan at umiiyak? Kung pinangakuan ka ng kendi at hindi niya nabigay sa ‘yo, bakit ka malulungkot e kung kendi lang naman yun. Hmmm. Hindi naman kasi kendi lang yung ikinalungkot e. Yung pangakong hindi natupad. Yung pag-asang matutupad ang pangako pero hindi. O, e bakit umaasa? E kasi hindi ba’t kaya nangangako ay para may panghawakan? “Promise, ibibili kita ng sapatos.”So sure na na may sapatos ka in the future. 
         Medyo madali lang sanang tanggapin na yung mga materyal na bagay ang hindi naibigay. Pero kapag ang mga pangakong mabibigat ang napako, parang puso mo na rin ang namartilyo. “Hindi kita sasaktan, promise.” (Oh geez, go to hell!)
          Naabuso na ang salitang “promise” at “pangako” kaya marami na ring damdamin ang abusado. Kung naniniwala ka sa “PROMISES ARE MADE TO BE BROKEN”, huwag ka na lang mangako.

Alipin

            Alam kong delikado pero sumugod pa rin ako. May rosas na maganda at puno ng mga tinik pero kinuha ko pa rin. Alam kong sa dulo ng daan ay may bangin pero tuloy pa rin ako sa paglakad.
             Alipin ako. Sunod-sunuran sa isipang hangal at sa pusong wasak. Ganoon lang talaga siguro ang lahat. Alipin. Sumusunod sa kung anong iniisip at nararamdaman. Kapag nasaktan, iiyak. Kapag, naloko, magagalit. Kapag iniwan, maghihintay. Sinong dapat sisihin? Ewan ako. Basta ang alam ko, alipin ako ng sarili ko. Masakit mang tanggapin, desisyon ko ring lahat yun. Alipin ako ng sarili ko.

Tagapagtanggol

          Noon, walang pwede gumalaw sa mga kaibigan ko dahil malilintikan sila sa akin. Naaalala ko nung 4th year high school kami, nasa UPLB kami para sa aming Science Investigatory Project nang biglang may tumawag sa akin at umiiyak raw ang isa sa aming mga kaibigan. Ang sama ng pakiramdam ko noon at pinilit naming tapusin nang maaga ang experiment para makabalik na agad sa Lipa. Galit na galit ako dahil lagi nilang ginagawa yun, ang paiyakin ang mga kaibigan ko habang wala ako. Ang hirap sa pakiramdam na ang layo mo at wala kang magawa habang ang kaibigan mo, ayun, naroon at umiiyak. Pagdating namin, itong mga “kaaway” ay nauna pang lumapit sa akin para magkwento. Siyempre, hindi ko pinansin at dumiretso ako sa kaibigang naapi. Habol pa rin ng habol ang mga echoserang palaka para magpaliwanag. Hindi ko sila pinapakinggan, wala akong pakelam, ang alam ko lang umiyak ang kaibigan ko sinabi ko sa kanila na huwag na huwag na uli nilang susubukang gawin uli iyon dahil tutuwid ang mga kulot nilang buhok sa akin.
           Hindi ko talaga gawain ang sumugod na lang. Lagi akong namamagitan at pinapakinggan ang bawat side pero kapag may nasaktan na at kaibigan ko pa, sumasama ang pakiramdam ko at nanggagalaiti ako sa galit. Na para bang may kailangan akong gawing paraan. Ayaw ko nang may naaargabyado.
          Ngayon, ganoon pa rin naman. Ako pa rin ang tagapagtanggol pero masasabi kong nagmature na ako. Nakakahiya naman kung hindi di ba? Siyempre, ayoko pa ring makitang nasasaktan ang mga kaibigan ko. Sino bang may gusto nun? Handa pa rin akong makipagbakbakan para sa kanila. Kaya lang ngayon, medyo kaya ko ng kontrolin ang galit ko. Una, siyempre, tinatanong ko kung anong nangyari sa kaibigan ko at tatanungin kung anong ginawa niyang mali. Gusto ko, manggaling mismo sa kaibigan ko ang pagkakamali niya para mas madaling ipagtanggol. At hangga’t kaya ay kukunin rin ang side ng kabila. Kung ayaw ibigay, bahala siya, e di ang alam ko lang ay nasaktan ang kaibigan ko.
         Masarap sa pakiramdam ang napapagtanggol mo ang mga mahal mo sa buhay. Kahit wala ka namang superpowers e pakiramdam mo superhero ka habang nagpapasalamat at yumayakap sila sa ‘yo. May mga nagsasabi pang hindi nila alam ang gagawin nila kung wala ka.
         Sa kabila ng lahat, may mga gabi, bago ako matulog na iniisip ko kung anong pakiramdam ng may nagtatanggol sa ‘yo? Yung pagkakataon na ikaw naman ang ipaglalaban. Ano kayang pakiramdam?
        Masayahin kang tao. Palatawa. Nakangiti palagi. Positive ang aura mo. Kung tumawa, parang wala na atang bukas. Kung makapagbitiw ng biro daig pa ang clown. Ganyan ka kapag kasama mo ang mga kaibigan mo o ang kahit na sinong tao.
         Pag-uwi mo, kapag mag-isa ka na lang uli. Ganyan ka pa rin ba? Masaya? Hindi ba’t napakaraming tumatakbo sa isip mo? Lahat na lang naisip mo. ni sarili mo hindi mo na mapangiti. Bigla kang babalutin ng kalungkutan. Bigla mo na lang maiisip na mag-isa ka pa rin. Na napakalungkot ng buhay mo.
         Napakadaming pagmumuni-muni ang iyong ginagawa at nagbabakasakaling makapulot ng dahilan para maipaliwanang ang nararamdaman. Masakit tanggapin hindi ba? Hindi naman sa niloloko mo ang mundo sa iyong kasiyahan. Iba lang talaga ang pakiramdam kapag mag-isa.
        Bago matapos ang araw, babalutin at yayakapin ka pa rin ng realidad. Hindi ka pa rin masaya. Malungkot tanggapin na malungkot ka.

Friends with Benefits

           Gusto mo bang magkaroon ng kaibigan na walang pakinabang? Hindi materyal na bagay ang tinutukoy ko. Aanhin mo ang kaibigan kung wala ka namang mapapala sa kanila? Ano ba kasing benefits yun? Yung saya sa tuwing pinagtutulungan ka na ng mundo. Yung tengang makikinig kapag bingi na ang lahat sa mga hinaing mo. Yung mga kamay na aakay sa ‘yo sa dilim kapag hindi mo alam kung saan tutungo.
            Naniniwala kasi akong hindi kayo magiging magkaibigan kung wala kang napapala. Pwede kasing gusto mo siyang maging kaibigan kasi mabait siya at kailangan mo ng isang taong may kabaitan. Pwedeng maganda siya at gusto mong maging inspirasyon. Negatibo lang talagang pakinggan ang “Friends with Benefits” sa kasalukuyan pero kung iisiping mabuti, hindi naman. Ewan ko.
           Friends with benefits lang ang tinutukoy ko. Hindi FUCKner or FuBu.

A Vacation

        Noong nasa Mindoro ako (March4-11), nameet ko ang lola ng kapatid ko. Pinakilala ako ng Mama ko sa kanya at sinabing anak niya ako (wow, pinapakilala na niya ako as anak niya :D). Ayaw maniwala ni Lola Mila. Tinanong niya pa ako kung totoo raw at sinabi ko namang oo.
          Ininterview niya ako at ako rin naman sa kanya. Kung first time ko raw bang makilala si Haggai. Sabi ko hindi. Nanliligawa pa lang ang tatay ni Haggai sa Mama ay alam ko na. At saka isa pa, dito sa Lipa ipinanganak si Haggai at lumipat lang sa Mindoro bago siya magseven. Tinanong ko siya kung noon lang ba niya nalaman na may anak ang Mama bago pa si Haggai. Sabi niya, oo raw. Sabi ko kung galit ba siya dahil hindi pinaalam sa kanya. Hindi raw. Binola niya pa ako. Paano daw siya magagalit kung isang tulad ko naman ang anak ni Mama. At isa pa, ayon sa kanya, napakabait at smart daw ng Mama ko (pero Globe siya).
        Hindi ako makaget-over noon. Kung paano ako tratuhin ng angkan ng kapatid ko at kung paano sila humanga sa Mama ko, iba talaga. Naisip ko noon, mabuti na ngang andun sila sa Mindoro kesa dito sa Lipa. Naachieve na siguro ng Mama ko ang isa sa pangarap niya - ang mamuhay nang may naniniwala sa kanya.
        Nabanggit ko na nang bahagya noon sa Ina Series ko kung paano nagkamali ang Mama ko. Nakakatuwang isipin na ang ibang tao na hindi na rin naman kaibahan ang nagbigay muli ng tiwala sa kanya. Nakakatuwa kung paano sila naniniwala sa kabutihan at kagalingan ng Ina namin. Nakakalungkot lang na sa kanila pa ‘yon nanggaling at hindi sa immediate family namin. Nakakainis na kailangan pang ibang tao ang magbigay sa kanya ng pagkakataon para magbago at ang sariling pamilya niya ang hindi niya makkumbinsi na kaya niyang magbago.
        Pasigaw kaming nag-uusap noon ni Lola Mila. Sabi ko sa kanya, namimiss ko ang lola ko sa kanya na medyo hawig niya pa. 83 years old na siya. Sabi niya “I can be your Lola.”Sabi ko, “Napakasweet niyo po”. Ngumiti siya at sinabing “I am old enough not to be good. And you and your brother, mababait kayo kahit na ngayon lang kita nakilala.” Ako naman ang napasmile.
        Alam mo yung feeling na hindi ka naman nila kamag-anak pero pakiramdam mo e kabilang ka talaga sa pamilya? Ganoon ang pakiramdam ko. Isama mo pa ang mga pinsan ng kapatid ko na yumakap at humalik sa akin. They told me na they can feel daw that I am a sister to them. At kinabukasan e pinuntahan nila ako sa bahay para bisitahin at yumakap. Nakakataba ng puso.
        Minsan talaga may mga taong mawawala ang presensya sa mundo mo, physically pero bibigyan ka naman ni Papa God ng maraming kapalit. Kasama nun ang pag-appreciate mo sa ibang tao at paniniwala sa pag-ibig at tiwala. Hindi ito cliche. Yun ang naramdaman ko noong mga panahong iyon. Ang sarap-sarap sa pakiramdam. Isa yun sa moments na naramdaman kong may pamilya pa pa lang handang kumupkop sa akin matapos mawala ng Inay.
        Ayaw nila akong pauwiin sa Lipa pero hindi naman pwede. Andito ang buhay ko. Hindi ko talagang kayang mamuhay doon ng matagal. Pero isa lang ang sigurado ako, babalik ako doon at pupuntahan sila sa lalong  madaling panahon. :))

Past

          Paano kung may kakayahan tayong bumalik sa nakaraan? Yung tipong may kakayanang baguhin ang mga ginawa natin? Anong gagawin mo?
            Ako kasi, kung makababalik ako sa nakaraan, mas pagbubutihan ko. May mga bagay ako gagawin at hindi gagawin. Ang saya siguro ‘no kung makakabalik tayo sa nakaraan? Gusto ko yun kahit na hindi mo na mababago ang mga ginawa mo basta makita mo lang ang mga tao sa nakaraan mo. Yung mga taong wala na sa kasulukuyan.
           Gusto ko ring makita ang sarili ko few years back at kung ano ba ang mga gusto ko at kung gaano ako kaeager na makamtan yun.
           Hindi sa ayaw ko sa kasalukuyan, ang sa akin lang, siguro bawat isa sa atin ay may kahit isang bagay na gustong baguhin sa buhay nila. O kaya naman ay sana ginawa nila o hindi ginawa o mas pinagbuti pa.
           Pero baka kaya hindi tayo binigyan ng pagkakataong mamuhay muli sa nakaraan kasi baka ang iba sa atin ay piliin yung masasayang araw nila. Yung tipong parang wala nang bukas. Baka hindi na nila gustuhin pang bumalik sa kasalukuyan at makulong na lamang sa nakaraan.

Future

         Hindi ba’t marami sa atin ang gustong makabalik sa nakaraan? E paano kung ang binibigay ng pagkakataon ay sa hinaharap? Gagawin mo ba?
           Kapag binigyan ka ba ng pagkakataong malamang ang mga mangyayari sa ‘yo ay igagrab mo ba ang opportunity? Malalaman mo kung sinong mapapang-asawa mo kung magkakaasawa ka man. Malalaman mo kung magiging successful ka man o hindi. Malalaman mo lahat ng gusto mong malaman, let’s say 10 years from now. Gagawin mo ba? Maaaring oo, maaaring hindi.
         Ako, gusto ko. Pero ayokong makita kung sino ang mapapang-asawa ko or what. Gusto ko lang malaman kung magiging successful ba ako o hindi. Kung magkakaroon ba ako ng pamilya o hindi. Ayokong malaman yung mas maliliit pang details. Ayokong malaman kung sinu-sino ang mga nasa buhay ko sa hinaharap. Bakit? Paano kung ang asawa kong makikita sa hinaharap ay hindi pala ang boyfriend ko (kung meron man) ngayon? Paano yun? Makikipagbreak ako kahit na mahal ko siya at ng dahil lang sa alam kong hindi siya ang makakatuluyan ko? Hindi ba’t parang ipinagkait ko sa kanya ang pagmamahal at ipinagkait sa aking sarili ang pagkakataon magmahal? Paano kung malaman kong sa isang partikular na kumpanya pala ako uunlad at hindi sa kasalukuyang pinagtatrabahuhan? Titigil ba ako? Hindi ko ba gagawin ang lahat total naman ay hindi ako magtatagal sa kasalukuyang trabaho e. Hindi ba’t ipinagkait ko sa kumpanyang yung ang nararapat na kagalingang dapat ay ibigay ko? Hindi ba’t ipinagkait ko rin ang sa aking sarili ang pagkakataong sumubok?
          Hindi ko alam. Maaari ngang ang pag-alam sa nakaraan ay nakakatulong sa maraming paraan. Pero ang malaman ang kahihinatnatan ng mga personal na buhay, ayoko. Buti kung lahat maayos at maganda. Paano kung hindi? Paano kung alam ko na ang lahat? Uupo na lamang ba ako para hintaying mangyari ang mga yun?
           Ang nakaraan, lugar na hindi ko dapat pamuhayan. Ang hinaharap, bagay na hindi ko dapat pangunahan.

Major Turn On

       Naalala ko nung nasa Batangas Port ako at naghihintay ng barko. May Manong na kumausap sa akin. Interbyu interbyu siya. Kung saan ako nakatira, anong course, chuchu. Kung may boyfriend na daw ba ako. Sabi niya malapit na rin daw akong mag-asawa. 
        Ewan ko. Sino siya para sabihin yun? Tapos ang tono niya pa ay parang hindi ko raw makukuha yung mga gusto ko bilang yun ang pinag-uusapan namin. Sabi ko “Hindi po, at least 27 po ako mag-aasawa.” At with conviction niya sinabi na “Hindi ako naniniwala sa ‘yo” Naiirita ako nun. Tapos ako naman e pilit na ngumingiti lang.
       “Kapag dumating na ang lalaking mamahalin mo e lahat ng pangarap mo e mawawala.” Hindi na ako sumagot. Kung anu-ano na ang inisip ko. Totoo ba yun? Ako kasi ayoko ng ganun. Gusto ko, pagdating nung taong mamahalin ko at mamahalin ako e mamahalin niya ako, ang mga taong mahal ko kasama ng mga pangarap ko. Ayoko naman ng kami lang dalawa. Hindi wagas para sa akin yun. Dahil unang una, hindi kami magpapanagpo kung hindi dahil sa iba.
         Naalala ko rin, tanong ng kapatid ko “Ate, paano kung hindi gusto sa akin ng mapapang-asawa mo?” Hindi ako nahirapang sumagot ng “E di hindi siya ang mapapang-asawa ko”
        Major Turn On: Yung may respeto sa kung anong meron na ako sa buhay ko bago pa tayo magkita. Lalo na kung hindi na ito maalis sa buhay ko.
        May mga taong ang galing magsalita pagdating sa pag-ibig at buhay. Huwag ganito, huwag ganyan, dapat kasi ganito, kasi ganito yan e… Yung totoo, naranasan niyo na ba lahat dito sa mundong ibabaw? Lahat ba ng maaaring katangian ng isang tao ay nasa inyo na? May mga taong, umiiyak na lang pag may problema, may mga tao namang lalaban hanggang kamatayan, so alin kayo diyan?
         Ayos lang namang magbigay ng opinyon pero ilahad sa pamamaraang naaayon. Hindi yung parang ikaw ang Diyos. Bawat isa, may kanyang opinyon sa buhay at pag-ibig. Bawat isa, may kanyang pamamaraan at paniniwala. Kaya huwag mong diktahan ang tao sa kung anong tingin mo ay tama. Alamin ang tamang paraan. Yung paraang andun pa rin ang respeto.
         If you want to be a preacher, make sure you know the Bible from front to back.

Suplada

         Suplada. Mahirap mareach. Maarte.
           Mga bagay na sanay na akong marinig mula sa iba. Mga bagay na manggagaling sa mga taong hindi man lang nag-eeffort makilala ka maliban sa mga kaibigang inaasar ka.
          Totoo nga naman, suplada, mahirap mareach, maarte. Hanggang doon na lang ba ang gusto mong malaman? O baka naman ayaw mo lang mapatunayan sa sarili mong mali ka? Kapag ganan ang naririnig ko sa iba e hinahayaan ko lang. Sige lang. Wala akong panahong magpaliwanag at magpakilala ng sarili sa mga taong isang tingin pa lang sa ‘yo ay nahusgahan ka na. Ichichika pa sa iba na ganito, ganoon ka. Nakakairita lang na ayaw na bukod sa nahusgahan ka na e hindi pa nakuntento at may share with friends pang nalalaman. Para bang ibinebenta ang pagkatao mo gayong hindi ka naman personally kilala.
         On the other hand, nakakatuwa ang mga taong kahit na suplada at maarte ang dating mo ay naniniwalang baka sakaling mali ang first impressions nila. Hindi ba’t minsan may mga tao talagang malayo ang personalities sa itsura? At meron rin namang malayo ang personalities sa character? Nakakatuwa lang yung mga taong handang makipagmeet halfway sa yo para makilala ang isa’t isa.
          Not that I was born this way but first, you don’t even know my real name.
         I’ve made a lot of unwise and impulsive decisions in my life. Now, would I take them back if ever I’ll be given a chance? Maybe yes. Maybe no. If yes, I would take back those decisions that lead to nowhere but when I come to think of those, how would I know that they’ll come out as nothing if I didn’t give them a shot? Sometimes, regrets won’t be such if you did not take the chance to commit mistakes.
            If no, those mistakes will serve as my pointers to be wiser and more careful when making a decision. There are ups and downs of everything. Fortunately or unfortunately, that’s one great excuse on being less regretful.

Buhay - Tadhana

            Nakakatuwang sa panahon ngayon ay marami pa ring naniniwala sa tadhana. Nakakaamaze isiping naniniwala sila na ang mga bagay sa buhay nila ay para talaga sa kanila - itinadhana. Nakakapangiti kung paano nila pahalagahan ang mga yun dahil para sa kanila, iyon ang ibinigay ni tadhana.
             Hindi ako panatiko ni Tadhana. Pero hindi naman ibig sabihin na hindi ako naniniwala. Naniniwala ako pero sa ibang paraan. Naniniwala akong lahat ng bagay dito sa mundo ay dahil kay tadhana pero yung para sa ‘yo?? Hindi. Paano mo ba kasi masasabing iyon na ang itinadhana sa ‘yo? Paano mo malalaman na ang isang tao o/at bagay nilikha para lang sa ‘yo at hindi para sa iba? Halimbawa, nakapag-asawa ka, masasabi mo bang siya talaga ang itinadhana sa ‘yo at hindi sa iba? Paano yung mga mahihirap, itinadhana ba sila para maging mahirap? Ganoon din sa mayayaman? Paano yung mga tumatandang mag-isa? Yung iniiwan? Itinadhana rin ba yun? Paano natin masasabi?
          Naniniwala akong ang tayo ang gumuguhit sa sarili nating mga palad. Hindi tayo pwedeng umupo na lamang at hintayin si tadhanang ibigay ang dapat ay sa atin. Paano kung dumating na pala ang itinadhana sa ‘yo? Paano kung dumaan na sa harapan mo? Pero dahil hindi ka naghanap at hindi ka lumingon, nakasalisihan mo lang. Ang bagay at tao na meron tayo at maging kung sino tayo, ay parte ng mga desisyong pinili at ginawa natin.
           Minsan, kapag hindi mo na alam kung anong nangyayari, at kapag kalimiting ang kinalabasan ay hindi natin nagustuhan, ang pasintabi natin ay tadhana. Si Tadhana ang may kasalanan. Sa palagay ko, nagbibigay lang naman si Tadhana ng iba’t ibang kalsada  para sa atin at nasa sa atin na iyon kung didiretso ba tayo o liliko.
          What could be a better excuse to choose a path than to insist it’s our destiny?

Hopes and Dreams

          When my ears come to listen to sad love songs, my heart sings melancholic lyrics. When I let my eyes come to see romantic movies, my mind thinks if they’ll ever happen to me. Hopes and dreams are being refreshed. I know I am not too young not to know that in time, it’ll happen and not too old to be hopelessly romantic. But my heart keeps walking everyday, taking an unknown journey. It passes through different roads. Roads that give pain and a few gives happiness but just for a moment. Each and every day, I long for some hugs and kisses. I want someone to be right here beside me. I want that one who will comfort me not because I need to be loved but that person who will love me because he does. Maybe I am getting my hopes too high but I just really want those hopes and dreams to come into reality. And when my dreams finally come to life, then will I know that they are not too high at all.

Ako

           Maaga akong nabilad sa mga bagay na hindi dapat pinag-iisipan muna ng isang bata. Musmos ako. Dapat ay naglalaro, humihingi ng piso para pambili ng kendi, nanonood ng cartoons, at kung anu-ano pa pero hindi e. Kasabay ng kamusmusan ko ang maagang pagugunam-gunam sa mga bagay. Alam kong hindi ako anak ng aking Inay. Sabi nila, ampon ako. Bata ako, anong gagawin ko? E di umiyak. Pero bakit may binibisita kami ng Inay? Si Ate Helen. Si Ate na anak ng Inay. Kamukha ko, at sa tuwing makikita niya ako e bakit ang higpit ng mga yakap?
           Naglaro ang maraming bagay sa aking isipan kasabay ng paglalaro ko holen at lastiko kasama ng mga kabataang lalaki sa nayon.Hindi nga ako anak ng Inay. Pero hindi rin naman daw ako ampon. E sino ang aking Ina? Hindi ko alam kung kailan, saan at paano nangyari pero nalaman ko na lang na ang aking kkapatid na si Ate Helen ang aking ina. Basta nalaman ko na lang, naramdaman. Hanggang sa isang araw, sa pagbalik niya, nakiusap siya tawagin siyang “Mama”. Ayoko. Hindi ako sanay. Kung hindi pa ako sinuhulan ng mamahaling sapatos noong anim na taong gulang ako ay hindi ko siya tatawagin sa paraang gusto niya.
           Ako nga ang anak niya pero hindi ko siya tinuring na ina? Bakit pa? Sapat na si Inay. Nasaan ba ako? Anak? Apo? Kapatid? Ampon? Namuhay akong nagmamahal sa mga taong dapat kong mahalin base sa kung paano kami magmahalan at hindi sa kung ano man ang aming relasyon. Nasanay akong pahalagahan ang mga taong nagbibigay sa akin ng halaga at hindi sa kung sino at sinasabing “dapat” pahalagahan. Wala akong pinagsisihan. tama lang siguro ang ginawa ko.
          Si Mama, masaya na siguro siyang tinawag ko siyang “Mama”. Hanggang doon na lang din siguro ang gusto niya noon dahil nagkaroon na rin naman siya ng bagong pamilya at hindi kalaunan ay iniwan na rin akong mag-isa. Mag-isa kung kailan gusto ko nang maging anak niya. Tunay nga sigurong mabait ang Diyos. Dalawa ang Ina ko. Nang iniwan ako ni Mama, nakita ko ang Inay sa kwarto, umiiyak. Tinanong ko kung bakit. Hindi niya raw kaya kung iiwan ko siya. Noon ko nalamang tama ang desisyon kong hindi ipinagpilitan ang sarili ko sa tunay kong ina dahil may isang nagmamahal na inang masasaktan. Isang ina na sa kabila ng katandaan ay ginagawa pa rin ang lahat maibigay lang LAHAT ng gusto ko.
         Ako, namuhay nang kontento sa piling ng minamahal at hindi na naghangad pa ng mga tao sa palagid niya. Ni hindi ko noon hinahanap ang aking ama. Hayskul na ako nang ako ay magtanong tungkol sa kanya. Ayos lang. Bata pa rin siguro ako para madagdagan pa ng timbang ang mundong pinapasan.
        Nang mawala si Inay, parang nawala na rin si Ako. Ni hindi iniisip umuwi sa bahay at sa apartment na lamang tumitigil. Natutulog, gigising, iiyak, tutulog, gigising at iiyak nang iiyak. Mahigit isang taong ganoon ang aking buhay.
          Puno man ng galit ang puso, dumating rin ang araw ng pagpapatawad at oo, pangangailangan. Pangangailangan ng kalinga kaya sinubukang bumalik kay Mama. Tinanggap naman ako. Nakahanap na naman ng tahimik na kanlungan si Ako.
          Pero hindi naman maaaring habambuhay manatili sa kanlungan ng pagkalinga. Kailangang lumabas at harapin ang mundo. Paano ba mamuhay mag-isa? Paano ba maging matapang? Matapang si ako noong bata siya at nakakaya niyang dalahin lahat ng problemang binibigay sa kanya. Ngayon, ano na bang sukatan ng katapangan? Saan ba nakakabili ng katapangan? Musmos pa lang ako ay matapang na ako. Musmos pa lang ako ay lumalaban na ako. Pero hindi na ako musmos. Nasaan na si Ako?

Pill of Happiness

          It’s funny how it all started with me - how I was amazed by your stare and smile or simply, by you. It was unexpectedly a loving feeling to be with a friend. We eat together, laugh, joke around, etc. We do things together happily. But happiness can sometimes be poisonous and I was a victim of it. I was poisoned by the “cloud nine feeling”, by excitement. I got addicted by this pill of happiness. I can not find a cure. Side effects grew in the name of hope. I needed to go to the rehab but you kept giving me that same pills. You wanted to see me high, always.. I told you I was overdosed by your tablets. You told me that you didn’t know the side effects. You felt sorry and being afraid to be sued, you walked away. And now, I am here inside the rehab, hoping to get some cure for the pain and wounds that the pill of happiness had caused me.

Lately...

       Wala akong kwenta. Hindi gumagana ang utak ko. Wala akong emosyong mapaghugutan ng mga isusulat ko. Ni hindi ko makita ang mga salitang dapat ay inilalabas ko. Walang thoughts, walang makatha. Ganito na ba ako kabato lately?
         Wala akong kwento. Walang pangyayari sa akin na sana ay mailalahad ko. Ni walang saya o maging lungkot nga e, wala. Ang stagnant ng buhay ko lately. Wala akong maikwento kasi hindi na interesting ang buhay ko. Walang nangyayari. Ganito na ba ako kawalang kwenta ngayon?
        Gusto ko uling mainspire sa bawat saya, lungkot o takot na nararamdaman ko. Gusto ko uling magkaroon ng inspirasyon. Gusto kong magkaroon ng buhay na maisusulat sa kwento, tula, haiku, one-liners o maidodrawing ko. Kahit ano. Ang hirap kapag stagnant ka. Umaagos ang buhay pero ako, naiiwan. Ang hirap lang.
Dear Ma,
          I don’t know what’s going on. Why aren’t you talking to me? What happened? I need you now. Tita Flor isn’t communicating with me, too, for the reasons I fcuking don’t know. I miss her. I miss you! Talk to me. 
           Ma, I know it’s your birthday tomorrow and in my 21 years in this world, I never did something extraordinary to make you feel loved especially on your birthday. I did text you“I Love You” 3 times. Yes, in 21 years, 3 times. :| I am sorry.
           I know that you saw me as your failure before and that changed. But now, I feel like I am. I am such a failure. I didn’t commit a lot of mistakes. In fact, I did litlle things and that’s why I think I am such a big failure. I don’t do things. I am afraid to commit mistakes. And just when I see myself as such, you look at me as the most beautiful person. How ironic.
          I don’t say “I love you” because..because..I don’t know. I feel more than those words could expound. I accepted you for who you are though you don’t feel the same way before. In my 21 years, I live with with the hope that I will have a “mother” in you someday and I did.
           I feel uneasy at the moment. I think I am a loser for not being there beside you on your birthday. But I tell you this, I may fail in many things. I may lose in many battles. And here, I will never fail to love you. I will never lose faith in you.
          I love you.
Your daughter,
Hazel 

Just a Thought

          Just because a dream of yours did not happen does not mean that the others won’t happen, too. Just because your day did not start well does not mean it will end bad. Just because a relationship did not work does not mean that all the others will not work, too. Just because you are hurt today does not mean that everyday of your life you’ll be crying. Don’t ruin your whole life just because of that one thing you thought was your life.

Noon..

          Alas tres ng umaga, matapos ang confe call, hindi pa ako inaantok, nagbukas ng laptop at nag-online uli. Walang magawa. Binisita ang multiply site, naningin ng mga photos. Ang simple lang ng mga bagay-bagay. Ang simple ng mga tao. Ibang iba sa ngayon.
           Lumilipas nga talaga ang panahon at hindi naman tayo maaaring magpaiwan. May bagong usong damit, sapatos, palabas sa telebisyon, social networking site, isang iglap may bago - isang iglap, nagbabago.
          Maluha-luha akong naningin ng mga larawan. Walang make-up, nakatsinelas, jeans o shorts lang. Ganun lang din naman halos ngayon pero bakit ang aura ng mukha ko ay parang napakapayak lang? Ang simple simple pero kita mong masaya sa mga simpleng ngiti lang din. May  problema na noon pero ni hindi mo makita sa mukha. Ibang-iba ang dating.
          Sa pag-usad ng panahon, nabago ang lahat. Noon, kapag may camera, ngiti lang. Ngayon, bongga ang pose. Maarte na ba ako ngayon? Tumaas na ba ang lipad ko? Kinalimutan ko na ba ang dating ako? Maraming katanungan ang nag-uunahang maghanap ng kasagutan sa aking isipan. Hindi ko alam ang sagot. Kung oo, hindi ko napansin. Kung hindi, bakit parang hindi ko rin napansin?
          Kung hindi kaya ako nagbago e ano kayang mangyayari? Hindi naman pwede yun e. Hindi pwedeng kung ano ako ngayon e ganoon pa rin ako bukas. Simple lang, kada oras, nadadagdagan ang edad ko. Kada minuto, kailangan kong gumalaw. Kada segundo kailangan kong mag-adjust. Kung hindi ako magbabago, wala akong patutunguhan, hindi ako uusad. Pero bakit hindi na lang kasi maging simple ang lahat? Bakit hindi maitigil ang oras kung kailan ka masaya? 
          Habang tinititigan ko ang mga larawan ng nakaraan, napapangiti ako habang namumuo ang mga luha. Nakakamiss lang. Nakakatuwang malaman na minsan sa buhay ko, naging masaya ako. Na minsan sa buhay ko, napaligaya ako ng maliliit na bagay. 
          Tumatanda na nga siguro ako. Naghahangad na ng mga malalaking bagay. Kahit noon pa naman, matayog na ang mga pangarap ko dahil naniniwala akong libre ang mangarap at talo ka kapag hindi mo kinuha ang pagkakataong yun. Ang kaibahan siguro ngayon, kailangan ko nang kumilos para isakatuparan ang mga pangarap kong ‘yon. Panahon na para bayaran ang pangarap na ninakaw, kailangan nang bayaran para maging sa iyo na.
         Noon, isa lang akong batang nangangarap. Ngayon, isa na akong taong kailangang pangatawanan ang mga pangarap. Siguro kaya masayang balikan ang ‘noon’ ay dahil alam mong nalampasan mo na yun. Mahirap tanggapin ang ngayon dahil hindi mo pa alam kung makakaalis ka o tuluyang makukulong sa kasalukuyan. Pero bukas, makalawa, ang ngayon ay magiging parte lamang din ng noon. 
          Oo nga’t ang ngayon ay magiging parte lamang din ng ‘noon’ hindi kalaunan pero hindi ibig sabihin ay hihintayin ko na lamang ang bukas. Kailangan kong kumilos. Kailangan kong maging masaya.
         Kailangan kong mabuhay sa ngayon. Hindi dahil magiging parte ito ng masaya kong nakaraan kundi magiging bahagi ito ng makabuluhan kong nakaraan at ng masaya kong kinabukasan.
          Iba na lang din siguro ang simple noon at simple ngayon. Ito pa rin ako. Hindi man ang dati ako, pero ako pa rin ito. Kailangan kong maggrow kasabay ng panahon. Kung hindi ako sasagwan sa agos ng panahon, baka malunod ako nang wala sa oras.
         Patuloy akong sasagwan sa alon ng buhay.
image

Thursday, March 17, 2011

Dear Inay,

          
          Tanda mo ba ang larawan na ito? Ikaapat ng Nobyembre yan, taong 2008. Sa ospital, sa Mary Mediatrix Medical Center. Yan ang unang pagkakataon na hindi mo ako kilala. Una at kaisa-isang pagkakataon na hindi mo ako marecognize. Nakakaiyak na marinig mula sa ‘yo ang iba’t ibang pangalan noong tinatanong kita noong gabing yan kung sino ako at pinapaalam sa ‘yo na hindi mo kailangang matakot dahil andun lang ako sa tabi mo.
           Bago ka matulog dahil sa sakit, sa dami ng ininom na gamot at turok, sabi mo, “Ikaw si Hazel, ang paborito kong apo, ang aking anak.” Wala kong kasing saya noon. Tumulo na lamang ang luha ko. Magkahalong lungkot at saya. Malungkot dahil alam kong nahihirapan ka. Masaya dahil…kailangan ko pa bang ipaliwanag? Sa sinabi mong ‘yun, sinong hindi tatalon ang puso sa saya?
           Hindi ka agad natulog noong gabing yan, at hindi mo rin ako pinatulog. Sobrang balisa ako noon. Kung anu-anong pangalan ang sinasambit mo. Kilala ko silang lahat. Sabi mo, hinihintay ka nila. Kilala ko silang lahat. Sabi mo, gusto ka nilang makasama. Kilala ko silang lahat. Wala na silang lahat dito, nasa kabilang mundo na.
           Sabi mo pa noon ay kukuhanin mo ang jacket mula sa Kuya mo dahil nilalamig ka. Sabi ko, ako na ang magbibigay sa ‘yo dahil tayong dalawa lang naman noon at isa pa, ikaw na lang sa inyong magkakapatid ang buhay. Sabi mo sa akin, hindi ko na kailangang mag-abala pa. Nanlambot ang buo kong katawan. Naramdaman kong mas gusto mo na silang makasama kesa sa amin pero hindi ako sumuko. Hindi kita iniwan at niyakap kita hanggang sa makatulog ka.
          Kinabukasan, andaming tao sa kwarto, andiyan ang internist, cardiologist, surgeon, ewan, basta lima o anim na doktor ang andun kasama ng mga nars. Umiiyak ka at sinasabing hhuwag kang igapos at saktan. Andaming makina. Andaming karayon. Hindi kita matingnan, ayokong makakita ng luha. Alam mong mahina ako.
         Nang sinabi ng isang doktor na kailangan ka nang dalhin sa ICU, isa lang ang sinabi ko, “DALHIN NIYO NA! NGAYON NA!” sabay lingon sa ‘yo at nang makita kung paano nagbabago ang kulay ng buo mong katawan, tumakbo ako palabas ng kwarto. Patawad kung iniwan kita, hindi ko kayang umiyak sa harapan mo noong panahong iyon.
         Dinala ka sa ICU. Tumawag si Tita sa akin. Pinagalitan ako. Bakit pa raw kita pinadala sa ICU gayong dalawang linggo na lamang naman ang itatagal mo. At yun ay kapag ginawa ng mga doktor ang lahat. Pinagalitan ako nang sobra sobra. Wala akong maisagot. Pagkababa ng telepono, nagtext na lamang ako: “Sorry kung pinadala ko pa siya sa ICU. Kung kayo kasi ang narito sa Pilipinas at nakikita ang kalagayan niya at kung mahal niyo siya, kahit isang oras lang na karugtong nag buhay niya ay gagawin niyo. Sorry, I just can’t execute your decisions. I just can’t let her go.” Tanda ko yan. Nasa Diary ko pa yang mga yan. Akala ko noon, pagagalitan pa rin ako pero eto ang reply nina Tita: “Sorry if we scolded you. Hindi lang din namin alam ang gagawin. Ang hirap nang malayo. Salamat Hazel. Pakatatag tayong lahat.”
          Pero hindi ka na rin nila nilagyan ng kung anu-anong tubo dahil mahihirapan ka lang. Pinatawag ang lahat ng mga anak at apo para maghintay sa bahay at iuuwi ka na at magsasama-sama tayo sa hhuling pagkakataon. Ayoko pa. AYOKO! AYOKO! Inihanda na ang ambulansya para maiuwi ka nang may wisyo pa at para marinig mo ang mga gusto naming sabihin.
         Hindi ko na alam ang gagawin ko noon. Tumakbo ako sa Chapel at kinausap ang Panginoon. “Ayoko pa po. Ayoko pa. Pleeeeeeeease. Papa God, ayoko pa. Hindi ko kaya.” Paulit-ulit na ganan lamang ang sinasabi ko habang umiiyak. Makalipas ang ilang minuto, kinausap ko ng matino si Papa God. “Papa God, ayoko pa po talaga. Alam mo yan. Pero ayoko na rin siyang mahirapan. Ayoko pa talaga. Pero kung ano ang gusto niya at gusto Mo, tatanggapin ko.”
         “MISS TOLENTINO!!!!” Tinawag ako ng Doktor, kailangan raw ako sa ICU. Medyo mabagal pa ang pagsusuot ko ng lab gown noon dahil sa panginginig nang sinabi ng isang nars “Ma’am, pakibilisan lang po natin, wala na po si Lola”. Hindi na ako nagsuot ng labgown. Tumakbo na ako sa ‘yo. Niyakap kita at tinulak ako ng doktor dahil kinukuryente ka pa noon. Binato ko ang doktor. “Bakit mo sinasaktan ang Inay ko?” Hanggang sa wala na. Wala ka na. Pero ako, kinakausap ka pa rin. Tinatanong ka kung bakit ngayon na? Pinapagalitan ka dahil sabi mo sasamahan mo ako sa graduation ko! BAKIT? BAKIT? Alam mong ikaw lang ang buhay ko. Tayo na lang dalawa tapos iiwan mo ako.
         Ilan taon akong umaasang magbabalik ka. Ilang taon na umaasang sa pag-uwi ko sa Lipa tuwing weekend ay may yayakap sa akin. Ilang taong hinahanap ang boses na nagsasabing “Kumain ka muna bago ka umalis” sa tuwing pupunta ako sa Elbi nang Lunes ng madaling araw.
         Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maisip kung paano ako nabuhay nang wala ka. Hanggang ngayon ay umaasa pa rin ako na magkatabi tayo dito sa higaan at yayakapin mo ako kahit nakadextrose ka. Hanggang ngayon, hinahanap hanap pa rin kita. Ikaw ang Ina ko. Hindi mo ako pinabayaan. Hindi mo man lang ba mahintay na maibalik ko sa ‘yo lahat ng pagmamahal na binigay mo sa akin?
         Sabi mo, bago ka dalahin sa ospital na gagawan mo ang lahat pero kung hindi mo na kaya, ayos lang dahil alam mong kaya ko na at nakapagpalaki ka ng isang maganda at mabuting tao. Nagkakamali ka. Pakiramdam ko ang pangit ko dahil hindi ikaw ang nakakakita nun. Pakiramdam ko ang sama ko dahil hindi ikaw ang nagsasabing mabuti ako.
         Miss na miss na kita. Sana narito ka. Pagalitan mo ako. Sige na please. Sermonan mo ako, parang awa mo na.
          Yang larawan na yan, larawan ng huling araw na nagkausap tayo. Yang larawan na yan, may sakit ka man at wala akong tulog, walang sinumang tao ang makakaalam kung gaano karaming pagmamahal ang namamagitan sa atin. Tunay na pagmamahal.
          Patawarin mo ako kung nawala ako sa landas nang iwan mo ako. Napakahirap mamuhay nang wala ka. Patawad.
         Mahal na mahal na mahal na mahal na mahal kita.
Ang iyong Nini,
Hazel