Sunday, September 25, 2011

Maya

Tik tak tik tak tik tak.
         Patuloy ang pagtakbo ng oras. Patuloy na umiikot ang mundo habang ako, nakahiga, nag-iisip ng kung anu-ano.
         "Bakit nga ba naging ganito ang buhay ko? Mabago pa kaya ito? Bakit biglang naging mahirap ang lahat? Nasaan na ang mga pangarap ko?" At maraming marami pang tanong. Lumipas ang isang oras. Dalawa. Tatlo. Isang araw. Isang linggo. Lumipas at patuloy na lumilipas ang panahon.
         Gaano nga ba naman ako katanga para magreklamo sa pag-iwan ng panahon sa akin gayong nagrereklamo lamang ako sa pag-usad nito? Parang isang maya na mayroong pakpak at gustong makita ang mundo mula sa himpapawid ngunit hindi kayang igalaw ang dalawang bagay na nasa likuran upang makalipad. Kung hindi pa kakailangangin upang sagipin ang sariling buhay, hindi papagaspas. Kung hindi pa mahuhulog mula sa pugad, kung hindi pa matatakot na sumayad sa lupa ang buong katawan ay hindi pa kikilos.
        Siguro wala pa ako sa bingit kaya hindi ko pa kayang makakilos. O siguro, masyado pang marupok ang aking mga pakpak at kinakailangan pa ng kaunting panahon upang mahubog ito at lumaban at/o sumabay sa hangin. Kaunti pang panahon. Marahil din ay sadyang nagpapa-iwan sa lugar na ito. May hindi mabitawan, may hindi mapuntahan kaya takot lumipad.
         Kaunting panahon pa para panoorin ang ibang ibon na sumasayaw sa hangin. Kaunting panahon pa ng pagiging inutil, hija.
         "Aba! Hindi ka isang maya na may inahing magdadala ng pagkain sa 'yo. Ilang dekada ka na sa mundong ito e hindi mo parin kaya?" May bumubulong sa aking isipan. Nababaliw na ba ako? O ito ang gusto kong sabihin sa sarili ko? Alam ko ang mali, alam ko ang solusyon, pero hindi ako kumikilos. Narito ako sa isang bilog na mundo (kahit hindi naman talaga perpekto ang pagkabilog nito), hindi alam kung saan magsisimula at kung saan magtatapos. Patuloy-tuloy na naglalaro sa bilog nang walang nasisimulan at walang natatapos. Kailangan ko na atang maglakad sa linya at abutin ang kabilang dulo.
Tik tak tik tak tik tak.
          Lumipas na naman ang sampung minutong wala akong nagawa. Walang natapos. Maghihintay na lamang ba na maubos ang hanging nilalanghap? Mananatili na lamang ba sa aking pugad? Hindi ko pa rin alam ang kasagutan.

Tuesday, July 19, 2011

To Where it Should Go

           I am so stressed this past few days. I was crying every night before I go to sleep and every morning right after I woke up. I am torn.
           I was given a task. I was assigned to be a stage manager of a production. I did not know what such does. I have to know all the details of the play. From the set to props to music to costumes to blocking of the actors down to every line. I never felt it at first. As the time goes by, as the pressure keeps soaring high, I realize that I know not a little about what I am doing. Being scolded every night by the director, I have to face everything as if nothing happens. Capabilities were questioned. Time and more time were demanded. Until one night, I was so stressed that I can't help myself but cry. After the rehearsal, I went back to the apartment and cried again as I drowned myself to red horse, alone. That's when I also decided to 'God damn it! This was given to me and I know I can do it! And I will do it'. I conditioned myself for the battle. The next morning was an aftermath and little crying happened again because of stress. I felt so tired.
           The game was on. It was lunch of the same day that I received a call from my mother asking me to go home to her. She needed me. She needs me. She got operated. I got confused again. What will I do? I committed on something. Some say it's easy. Choose your family. I tell you, it's never that easy. You see, I committed on something. The sorority lacks of people who will work for the production that costs a lot of money and I am one of the persons they count on. I fell in love with the sisterhood and I was surprised that I am confused for a moment. I once told myself that when I come back, there'll be no turning back, but it seems everything is falling apart whenever I am doing my part.
             My sister told me that the hell with what other people would say. Just tell them the truth and it's up to them whether they believe me or not. The organization will still survive without Haze, but my family will never be the same without Hazel. I was shot. The bullets from those words silently penetrated to my being. Tears. Tears were just my response. I took time to think. I stayed awake thinking and crying.
            What's wrong with me? I promised myself to prioritize my family but what the hell am I doing? I am not this kind of person. I am not sad because for at least, I value my words and work. But then again, I am not happy, not with what I am doing but the fact that I am not sitting on my mother's side when she needs me the most. Fuck. If only I have two bodies or just a drum of energy to do all these things. If only no one will be hurt and get mad. If only the timing is right. If only I have to hearts. I have only one. No why's and how's. Every one should know where it should go.

Monday, July 4, 2011

Escape!

            Paulit-ulit na lamang e. Ang labo niyo kasing mga lalaki! O sige, mahilig kaming mag-assume! Sige na! Pero naman oh! Bakit ba ang landi niyo? Sasabihin niyo, nagpapalandi naman kami? Teka muna. Balita ko kasi, kaming mga babae e natutuwa kapag may mga 'mababait' at 'sweet' na lalaki. Na madaling mahulog ang loob namin kapag ganoon. Friends lang ba kamo? Napakasweet naman nating friends noh? Mga halik sa labi, magkayakap at magkaholding hands sa tuwing natutulog. Napakasweet naman nating friends.
         Hindi kami nagtatanong. Nga naman, hindi ako nagtanong. Hindi ko kasi alam kung paano sisimulan. Hindi ko kasi makitang seryoso ka. Ni hindi ko maramdamang nag-eeffort ka. Minsan kang gumawa ng paraan. Minsan. Oo, minsan. Masayang-masaya na ako sa minsang yun. Some things are better left unsaid, but not this one. Actions speak louder than words, but not always. Paano kita tatanungin kung mas may oras ka pa diyan sa dota mo? Hindi kita pinagbababawalan. Sino ba naman ako? At hindi ko gawain yun! Pero sana man lang, naisip mong mag-isa lang ako sa apartment at hindi pa kumakain dahil hinihintay kita kasi baka hindi ka pa rin kumakain. Kailangan pang patatlong tawag ko bago mo sagutin. :(
           Alam kong kasalanan ko dahil masyadong mabilis ang pagiging attached ko sa 'yo. Masisisi mo ba ako? Sinabi ko na sa 'yo na gusto kita. Ngumiti ka lang at humingi ng halik. Masaya na ako noon. Sabi mo, niloloko kita. ^%##$@^%! Kailanman ay hindi ko nagawa yun.
           Ako na ang tanga. Hindi naman kita masisisi. Sino ba naman ako sa rami ng babae mo? Pero sana magkaroon ka naman ng buto para kausapin ako.
           Last weekend lang e umiyak ako habang nasa swimming pool. Napakatrying hard ko. I try so hard to be the girl that you want. I even avoided a lot of chances to enjoy just to let you know that you're more important than anything else right now. Maybe I forgot. Maybe the thought of how really important I am slipped my mind.
          Gusto kong sabihing kawalan mo ako. Gusto kong sabihing "kung ayaw mo sa akin e di huwag". Sana ganoong kadali yun. Gusto kong sabihin na marami pang iba diyan. Gusto kong lumabas kasama ng iba pero hindi ganoong kadali yun. So as I said, the choice I want to make is to either be safe or good. I now choose to be safe. Before this gets deeper, I will now take my escape before you could hurt me.

Sunday, July 3, 2011

Vivid Dreams

           Lately, I’ve been experiencing a lot of ‘seem-so-real- dreams. I’ve been sleeping earlier than the usual and then wake up with a smile. The next day, I would sleep early as well and then wake up so weak. 
           The dreams are of high definition. I know they are not dreams. I enjoy every scene in it. I know how every character looks like. I know every line. The setting, the mood, the character, you, I know they are real.
             Last night, I had the same dream. I slept before 12mn and the journey began. I saw you and no! That was not a dream. You were with me. That was not some images that my mind made up. You’re real. You hugged me when I got scared as we walk through a street in a nearby place. I felt you. You were real. I woke up and consequently started this entry as I realized how vivid my dreams were, dreams of you and me.

Wednesday, June 29, 2011

I am A Fool

             You said you want me to hug you so I wrapped my arms around you. The pillows may have gotten angry  - I took them for granted. My embrace is for you now and not for the cotton in a pillowcase. You asked for a kiss and I gave it to you. You said I'm a fool. Yes, I am to you. You said I am not serious but I seriously like you. I seriously feel like a fool just to kiss you.
              It is now or never so I came to choose now. If being happy means having to understand how busy you are, I would. I am busy and I hope you know that at the back of my mind, I can't wait to end the day just by seeing you.
              For now, your hand is what I want to hold mine. You arms are the ones I want to give me warm instead of blankets. Your kisses. Your hugs. Your stare. Your love. You. Just you.
       
       

Monday, June 27, 2011

Let's Play

             I am scared. I crumble with the thought that you enjoy playing games. I am tired of games. My mind, body and soul are too weak to jump into lies of happiness. But what if I am the game you don't want to play? Will I be happy? What if's and maybe's. Again, I'll never know until I try. If not, I lose. If yes, I may be happy.
           
             I am torn. Now, the option I want to take and the choice I want to make is to either be safe or good. Good when we get together. Safe when before you even hurt me, I have escaped.
           
             You can play with me though. You can play with me with rules. Our rules not just yours. In that way, we both win. You decide. I'll wait until it's time to play.

Sunday, June 26, 2011

Paasa

            Maghintay ng matagal, umasa sa walang kasiguruhan, mag-assume nang mali, sino bang may gusto niyan? Wala mang ginusto ang mga ito pero marami at marami pa rin ang nakagagawa nito, marami ang umaasa.
            Ayaw ko kapag pinapaasa ako sa wala pero malimit, kung hindi man palagi, mapaglaro ang buhay lalo na pagdating sa pag-ibig. Kahit na alam mong mali at wala kang inaasahan, dahil sa gusto o mahal mo ang tao, hindi maiiwasang manalangin, hindi maiiwasang mag-abang sa mga bulalakaw upang humiling, ang magpuyat upang hintayin ang '11:11' sa pag-asang maiibigay nito ang natatanging inaasam ng puso, ang mahalin din pabalik ng ating kinababaliwan.
           Kanina lamang ay nairita ako nang biglang nagtext ang isang kaibigan. Ewan ko, pero pakiramdam ko e lumalandi siya at ayoko siyang itext pero nagreply pa rin ako. Simple lang ang mga sinasagot ko. Isang tanong niya, isang sagot ko at wala na yung kasunod na tanong rin hanggang sa nairita na ako at sinabi kong ayaw kong magtext. Bakit daw sa kanya pa? Aba, e ayaw kong makipaglandian sa 'yo.
         Hindi ko na naitago ang pagkairita ko sa mga kaibigan ko natanong nila ako at naikwento ko na rin. Sabi nila, pinapaasa ko raw yung tao. Masama raw ako (pabirong sinabi na masama ako). Aba, e wala naman akong ginagawa para umasa siya. Wala namang siyang sinasabing gusto o mahal niya ako. Wala naman akong ginagawa. At isa pa, may karelasyon siya kaya huwag na huwag niyang sasabihin na pinaasa ko siyang leche siya. Nagtanong ako ng seryoso sa mga kaibigan ko kung napaasa ko nga ba nang hindi ko alam. Isang seryosong 'Oo' ang natanggap ko. %^$#%#@%^! Yung hindi mo alam na ganoon na pala ang nangyayari ung ganoon nga talaga?
          Napatahimik ako, napaisip. Sabi ko, nagagawa ko pala sa iba ang mga naranasan ko. Sabi ng kaibigan ko, ganoon na nga raw, napaparamdam ko sa iba ang naramdaman ko mula sa taong ginusto ko pero hindi naman nakayang ibalik ang pagmamahal na ibinigay ko. Doon ko naisip na baka nga hindi naman nila alam minsan na may isang taong nasa likuran nila na umaasa sa kanilang pagmamahal. Na baka habang sila ay masaya sa mga buhay nila ay hindi nila napapansin na tayo'y nasa isang sulok at umiiyak.
            Minsan, masyado tayong abala sa akala natin ay magpapaligaya sa atin at hindi na nabibigyang pansin ang mga taong tayo ang kaligayahan. Masisisi mo ba? Iba-iba lang talaga siguro ang kaligayahan ng tao.

A Song of Love

♪♫ 'Cause you're every woman in the world to me ♪♫

       One dream of mine is to hear a song from a boy. A boy who’s brave enough to look me in the eyes and sing a melody of cupids. A boy who’s man enough to sing of love though he can not reach the right notes because all he wants is to touch my heart. His eyes on mine as he grab my hand to let me feel that his heart beats for no one but mine.
          How can I refuse to go on a concert of happiness where no one is there but the two of us? How can I not jump into his arms screaming how good he is if I could see how deeply he’s into me? The notes reaching my heart; the lyrics telling how beautiful I am in his eyes; the music of how he feels for me; the harmony of love. How can I refuse you?

"Nagbago ka na"


         Noon, kapag sinasabihan ako ng ganito e nalulungkot ako. Para bang nawala lahat ng kabaitan ko noon at para bang hindi na ako ang ‘Hazel’ na nakilala nila.
          Mahirap naman talagang harapin ang pagbabago lalo na kapag nasanay na tayo sa isang bagay. Nasanay na, kumbaga may kinagawian na. Nagiging routine na ang isang bagay. Laging magkasama, magkalevel ng kasiyahan, kalungkutan o kung ano pa mang trip sa buhay tapos biglang darating ang panahon na kailangan niyong maghiwalay, hindi man katagalan e kailangan pa rin. May bagong makikilala, may bagong susubukan, may bagong kaibigan, may bagong ginagawa, basta may bago.
            Ngayon, hindi na ako masyadong affected kapag sinasabihan ako ng ganito - na nagbago na ako. Lagi ko na lamang sinusundan ng “Paano? In what sense ako nagbago?” 
         Minsan kasi, dumating ako sa point na sinabihan ako ng isang kaibigan na nagbago ako hindi lang sa pananamit kundi pati sa ugali. Hindi na raw ako ang Hazel na una niyang nakilala. Sobrang sumama ang loob ko noon. Hanggang sa status sa facebook e ako pa rin ang pinatutungkulan niya. Nagalit ako. 
          Ako pa rin naman ang Hazel na noon ay nakilala niya pero yun nga lang, may nagbago. Pero hindi naman ibig sabihin na may nagbago sa akin e iba na ang buo kong pagkatao. Hindi naman kasi maaaring ang pananamit ko noong elementary ay siya pa ring pananamit ko sa hayskul, sa kolehiyo, sa trabaho. Maging oras, lumilipas at hindi ako maaaring magpaiwan. Siguro nga, iba na ang ikinasasaya ko ngayon pero kasi, hindi naman maaaring kasing babaw pa rin noon ang aking kaligayahan. Tumatanda tayo, nagbabago ang pananaw, kahit naman siguro sino ay nagbabago. Kawawa naman ako di ba kung hindi ko magbabago? Kung hindi ako mag-iimprove?
         Ako pa rin ito, siguro tumigil na lang akong mamuhay sa kung paano ako gustong mamuhay ng iba kaya nasabi nilang nagbago ako. Gusto nila, ganito ako, ganoon ako dahil doon nila ako nakilala, ‘yon ang nakasanayan nila pero hindi palaging ganoon ang buhay. Ikaw, ako, siya, nagbabago. Mas napapansin lang siguro kapag nagkahiwalay kayo at muling nagkita.

Dear Boys,


         We know that what you want is a girlfriend and not a replacement of your mom. We are aware that you want care from a partner that’s why we give you hugs and kisses that are different from what a mother gives. We hand you towel after taking your bath because maybe, just maybe, you forgot that you’re with your girlfriend and not your Mama who you expect to hand something to dry your dripping body. We cook breakfast for you because we think that you expect something to eat when you finally decide to stand up from bed before it’s time to sleep again. We scold you for not bringing umbrella when it’s raining because we can’t cuddle much with you when you get sick. We get angry everytime you can’t make a decision because you don’t have your mother beside you to make one for you. 
          You don’t always have your mother beside you so learn where to put your dirty clothes and please be reminded that the bed and the floor are different from a humper. Please know that the unwashed dishes can cause growth of molds and will give unpleasant smell through out the house. If you want a girlfriend and not a replacement of a mother, please learn to grow up first.

Father's day.


            As early as 12 in the morning, I’ve been receiving group messages that say “Happy Father’s Day!” and personal messages from those who do not know the story.
              I told myself that I am finally done with those dramas involving my father, but as I read my friend’s (Jam) entry, I just can’t help myself.
              Those days when you first throw me in the air. The day you sent me to school. I remember when you scolded me for going home late. The day you told me not to entertain suitors. That look of anger when you saw me wearing a skirt/shorts and make-up. And many more things. None of these happened.
               Every sms I receive today makes me want to make an entry for you but I decided to let this day pass because it’ll just be the same. Just the same song I’m going to listen to on iTunes, but what can I do? I never met you but you seem to give a big impact to my life.
                  I never had a curfew in my life. I never got grounded. Am I happy? Well, as they say, people tend to look for something they don’t have. I want curfew. I want to experience being grounded for going home late. I want to be scolded for going to parties and letting myself drown with alcohol. I want my allowance cut for not passing an exam. I want a very strict father than having none at all.
                I once got thankful for having no father because in that case, you won’t get to hurt my mother and I for having a mistress; you won’t make us angry for spending your time with no one but alcohol and gambling. There are a lot of things to be thankful of for not having you, but who am I lying to? Myself? I want a father. 
                I want to meet you. I find it difficult to trust a man who says he won’t leave me because I am scared that he won’t be there as what you did to my mom. There are a lot of things that could’ve happen the other way around if only you were there.
                I don’t know you. I don’t know what happened. I don’t know where you are or if you’re still alive, but, sincerely, I want to thank your sperm (now, you’re a father to me) for giving me a chance to see the world. Happy father’s day! I hope you’re happy. And I pray to God to give us the chance to see each other before it’s too late.
(Written: 12June2011)

Saturday, June 25, 2011

I'm a Flirt.

          Malandi raw ako. Yan ang sabi ng aking mga kaibigan sa tuwing nagbibiruan kami. Sabi ko, hindi naman, kapag may isa naman na sa akin e doon lang ako. So siyempre, they won't stop teasing me and I have to defend myself. Sabi ko sa kanila, kapag may isa naman ako e doon lang ako at wala nang iba. Ang problema kasi, I can't claim. Hindi ko masabing sa akin siya at sa kanya ako. There's always this thin line that doesn't allow me to be in a REALationship.
           I like this guy and that one, too and the other one. Someone may like me, too, but the question is, where's the assurance? I promise myself to not let myself be stuck with someone who's not even with me. Not again. The long wait, the unthinkable pain and all those shits that fuck my life are over. So there. When I am happy, I am happy whether it is because of the same guy or not.
            What's wrong with the world? When I focus on one guy, people will say na tanga ako and that I have to entertain others and when I do, malandi ako. Fuckery. Assurance. I need an assurance to stop me from being stupid and being flirt. Is it too much too ask? I'm sorry, but I'm going to lift my own chair. I think I'll be a good girlfriend. I think I'll make a great role of being a partner. Feeling ko, masarap akong karelasyon. How will I ever know if I am not there? How will I ever try when all the assholes are out there looking for some pieces of shit and not one of them even give me a chance to try?
          I will go out with guys until someone stop me from seeing another. I will kiss who I want to until someone hug me and tell me that my kisses are all he wanted and will long for. I will be free until someone secures me.

How?

                 I met this guy, younger than I am. That night I saw him, I know there's something on him. The khaki jacket, the clean pants, blue shirt, his not short but not-so-long hair, the braces, I know there's a man for me behind all those material things that cover him. I wouldn't know. But his image, the painting of a man, though soaked in sweat, still looked so pleasant. He seemed to smell good and that got me on my knees. My weakness.
              We were introduced by a common friend. Our hands connected to give a shake. His cheek on mine and mine on his to give a kiss. I couldn't take him off my mind.  In just a day, I got a lot of information about him. Yeah, I think that proves that I am a real stalker. :)
                We met again. We were not friends so I didn't talk to him as he did not, but we had no choice, we're in the same group and we were in a get together so we talked. I've heard he's boastful and date a lot of girls. Some says he's somewhat weird. He's boastful but not too bad, just for fun and he admitted it. He used to date a lot of girls and he said those days were over. I wouldn't know. He's not weird. he's funny.
                   We sat beside each other. Endless stories flowed together with drowning alcohols. FUN. Laughter and all the 'getting-to-know' things were at our hands. He was on the hot seat and I felt him trembling with fears with the dare he didn't want to execute. I held him on his shoulder and squeeze it to show my support. I can feel that he was frightened so I made a move to get him out of the situation. I threw joke and the dare was ignored and turned into laughter. I asked if he's okay, he said 'no worries' and held my hand. He held it as how we hold a friend's hand - palms closed. After a while, he moved his hand and held me like a boy holds his girl's hand - fingers crossed. I did not know what and how to react. I just felt happy. We were holding each other's hand under the table as we laugh to everyone's joke. We looked in each other's eyes and smiled. I, then removed my hand. I want to make things move fast, but not as fast as that. That night was happiness.
               The next day, while the rain was pouring and as my friends and I where busy drowning ourselves in the alcohol (once again), I receive a message asking where I was. I said I was in the apartment. It was him. He asked where my apartment was and before I could even send my reply, I had an incoming call that said 'andito ako sa labas'. I ran outside, neglecting the rain. And there he was, standing outside the gate of our compound.
               His eyes, his chubby cheeks, the braces, the smile, how could I ever forget? His hand on mine. His cheek on mine. How could I possibly not smile? I, his. He, mine. How?

Thursday, May 26, 2011

Kaleidoscope

         I wake up screaming every night and it’s always the same dream. Eyes are widened to look for some light. In the darkness of the night, I grasp for breath while I soak in perspiration. The ghosts in my dreams are not just what they seem. They are not mere dreams. They are pieces of me, of my past.

          The scream and pant are not caused by the unnoticed. They are from the wounds, open wounds that no doctor could ever heal. 

           The torment that these voices give in my dreams is the same misery that scares me when wide awake. These nightmares become a kaleidoscope of my life, the shifting images I could barely recognize but keep rushing through my mind.

Simpleng Pag-ibig

         Nakakatuwa ang mga bata. Idealistic ang karamihan sa kanila, kung hindi man lahat, pagdating sa pag-ibig. “Kahit ano ka pa, kung mahal ka talaga ng tao e tatanggapin ka.” Tama nga naman. May punto pero ang hindi nila alam, hindi ganoon kadali yun. Sino nga ba naman ako para magsabi tungkol sa pag-ibig gayong wala pa naman akong nakarelasyon nang official? Pero kasi hindi naman talaga ganoong kadali. Kung mahal ka ng isang tao, tatanggapin ka nito sa kung ano at sino ka man pero ikaw, kailangan mo ring magbago. Give and take ika nga.

          Isa pa, kapag tumatanda ka na, hindi rin kadalasan nagiging sapat ang pagtanggap niyo sa isa’t isa. Hindi kalaunan ay magpaplano kayo ng pamilya. Paano kung ayaw ng magulang mo sa kanya? Kung ayaw ng magulang niya sa ‘yo? Ipaglalaban, oo pero hindi sa lahat ng panahon ay kayang manalo ng pag-ibig.

         ”Basta mahal niyo ang isa’t isa e mamumuhay kayong masaya”. Kapag ka ba may pamilya ka na at may mga anak na hindi makakain nang tatlong beses sa isang araw ay masaya pa rin? Kapag ka ba kailangan ng anak mo ng tulong sa iskwelahan at hindi mo matulungan dahil hindi ka nakatapos ng pag-aaral ay masaya pa rin? Nagmamahalan kayo. Ano bang pagmamahalan ang tinutukoy? Siguro dapat mahal mo siya kaya dapat kumayod ka upang hindi siya magutom. Mahal ka niya kaya mag-aaral kang mabuti upang bigyan siya ng dahilan upang mas mahalin ka.

         Minsan naiisip ko na sana kasing simple na lamang ng noon ang pananaw ko pagdating sa pag-ibig. Na basta mahal niyo ang isa’t isa e okay na. Pero habang lumilipas ang panahon e namumulat ako sa mga responsibilidad na kaakibat ng pagmamahal.

          Mahal kita. Mahal mo ako. Sana ganoon lang kasimple ‘yon.

Usapang Iskul

         Ang edukasyon ang isa sa lagi nating sinasabing pinakamahalaga sa buhay na ito. Sino namang hindi sasang-ayon dito ‘di ba? Ito ang bagay na isa sa mga stepping stones natin para sa kaunlaran. Bagay na hindi nakakamit ng lahat.

         Isa sa mga tanong ko noon ay kung bakit ba kailangan pang mag-aral sa loob ng halos dalawang dekada kung maaari ka namang umunlad basta pursigido ka sa buhay. Ngayon, naiintindihan ko na. Hindi nga naman sapat ang pursigido ka lamang. Dapat kasama sa pagtityagaan mo ang pag-aaral. Tama nga si Bob Ong, dalawang dekada mo paghihirapan ang pag-aaral, kung hindi mo kayang pagtyagaan, limang dekada ng kahirapan ang kabayaran.

          Mahirap ang buhay. Noon pa man, mahirap na. Pero sa ngayon, lumalaki ang populasyon, dumadami ang kakompetensya sa  paghahanap ng trabaho. Kung ang mga nagsipagtapos nga ng magandang kurso sa magandang unibersidad ay nahihirapan maghanap ng trabaho, paano pa yung mga hindi man lang nakatungtong sa kolehiyo o hindi nakatapos ng high school? Kahit gaano ka rin siguro katyaga ay talo ka pa rin ng mga nagsipagtapos maliban na lamang kung magtatayo ka ng sariling negosyo. Gayunpaman, para palakihin ito, kailangan mo pa rin ng kaalaman. Sa halos lahat naman ng bagay na ginagawa natin sa buhay ay kailangan natin ng kaalaman e.

          Tayong mga nabibigyan ng pagkakataon para mag-aral, maswerte tayo. Huwag nating sayangin ang pagkakataong ipinagkaloob sa atin. Bilang isang estudyante, naiintindihan kong mahirap at minsan nakakatamad. Hindi ko naman sinasabing kailangan nating maging valedictorian ng isang graduating class dahil talagang mahirap yun. Mahirap maging estudyante.

           Sa akin lang, sa bawat pagpasa natin, maging masaya tayo dahil may natutunan tayo. Sa bawat pagbagsak natin, huwag tayong sumuko, isa yung pagkakataon para mas maintindihan pa natin ang mga bagay-bagay.

          Isa sa mga bagay na natutunan ko bilang isang estudyante ay ang pagpapahalaga sa kung anong nakukuha ko at hindi makuha ng iba – ang makapag-aral sa magandang unibersidad, ang magkaroon ng apartment na tinutuluyan, ang makain ang gusto kong pagkain, ang mabili ang gusto ko, ang magawa ang gusto ko bilang isang estudyante at marami pang iba.

           Sabi ng pinsan ko na hindi nakapagtapos ni high school ay masaya na siyang mgakaroon ng trabaho nang 50-100pesos ang sweldo sa isang araw. Napasimangot na lamang ako. Pangload ko lamang yun sa isang araw pero siya, masayang masaya na at pinagpapaguran ang bawat pisong tinatamo. Doon ko naisip na kailangan ko na talagang tapusin ang pag-aaral ko para matulungan siya. Matalino kasi siya. Magaling kung sa magaling pero inabandona ng magulang kaya wala ring nangyari.

           Nang umiyak ang pinsan kong iyon sa akin, natuwa na nalungkot ako. Natuwa ako kasi narealize ko kung gaano ako kaswerte. Pareho lang kasi kaming lumaking walang magulang. Ang pinagkaiba nga lang, buhay pa ang lola namin noong panahon ko at hindi talaga ako nakaisip ng pagsuko samantalang siya, wala na ang inay naming na laging nariyan at gagawin ang lahat para ibigay ang gusto namin. Ang masama pa ay nakakaisip na rin siya ng pagsuko. Ayaw na raw niya. Wala siyang patutunguhan. Mahina ako sa mga ganito. Kami lang dalawa ang magkausap noong gabing yun. Labinlimang taong gulang pa lamang siya. Wala akong nagawa kundi umiyak. Sinabi ko sa kanya na lalong wala siyang patutunguhan kung susuko siya. Basta huwag niyang pabayaan ang sarili niya at huwag na huwag siyang gagawa ng masama dahil hindi ko rin naman siya kayang bantayan palagi. Umiyak siya. Sinabi niyang sa akin na lamang siya naniniwala sa ngayon. Nawala na ang tiwala niya sa mundo. Naiintindihan ko. Inilagay ko ang sarili ko sa kanyang kinatatayuan – alam mong kaya mo pero tila ba kay lupit ng mundo para ipagkait sa ‘yo ang mga bagay na makakatulong sa ‘yo kabilang ang edukasyon.

          Nagbitiw ako ng pangako sa kanya na sa susunod na taon ay papasok na siya sa tulong ko. Bilang isang taong nagpapahalaga sa edukasyon, sino naman ako para ipagkait ito sa mahal kong pinsan? Pero siyempre, dapat may pangako rin siya pero hindi naman para sa akin, para rin sa sarili niya – kailangang hindi siya masangkot sa kahit anong gulo at dapat manatili siyang mabuting tao. Sumang-ayon naman siya.

          Ganun din sa amin ng kapatid ko. Gusto ng kapatid ko ay sa kung saang school lamang siya papasok. Ang sabi niya pa ay sa isang IT school. Wala naman sa akin kung saan pero habang bata pa siya, gusto kong matuto siyang mangarap. Sabi ko sa kanya, dapat sa top universities siya papasok. Dapat siyang makapasa. Sabi niya, kung dapat daw  ba ay sa UP, sabi ko, hindi naman pero okay sana kung oo. Bias nga siguro ako. Pero kung hindi naman siya makapasa ay ayos lang e. Maganda rin kasing mag-aral sa isang malaking unibersidad hindi lang sa pangalan kundi sa adjustments na matututunan mo rito. Isa pa, sa laki ng populasyon sa ganitong unibersidad galing sa iba’t ibang lugar, malalaman niya kung sino ba talaga siya, kung ano ba ang gusto niya, kung paano makibagay nang hindi nawawala ang individuality. Gusto kong matututo ang kapatid ko sa sarili niyang paraan at hindi lagi na lamang nakasandal. Gusto kong magkaroon siya ng sarili niyang opinyon at hindi nakasandal sa amin. Bata pa naman siya kaya hihintayin ko na lamang din kung anong desisyon niya in the future. Ganoon din naman ako noong bata e.

                Maswerte ako na binigyan ako ng pagkakataong makakuha ng magandang edukasyon at hindi ako titigil doon. Kung ano ang nakamtan ko, pahahalagahan ko at ibabahagi ko. Hindi ko man maibahagi sa lahat, sa mga mahal ko sa buhay man lang.

Untitled

Inay,

            My life now is never the same three years ago and earlier. I was happy, contented and determined. I am not sure what happened to me but I am certain that it has something to do with what happened to you - you died, you left.

            Marahil ay sinasabi ng iba na hindi na ako makamove-on, na hindi ako marunong tumaggap, siguro nga. Pero mahirap mamuhay nang wala ang inspirasyon mo, ang dahilan kung bakit mo ginagawa ang lahat.

           Sabi ko noon sa mga nawawalan ng mahal sa buhay, “you’ll get through soon” pero hindi pala ganoong kadali. Ang hirap pala. Araw-araw, masakit. Wala mang luhang lumalabas pero may kirot sa pusong nararamdaman.

           Mother’s day noong isang linggo. Isang kahon ng mamon mula sa Red Ribbon ang bigay ko sa ‘yo noong huling Mother’s day na andito ka. Hindi ko yun malilimutan. Paborito mo ang mamon. Sabi mo noon e masayang masaya ka dahil naalala kita. Pero gaano ka kabait? Yung binigay ko sa ‘yong yun ay binigay mo pa uli sa amin, ang iyong mga apo. Nagagalit ka pa dahil ayaw naming tanggapin. Sabi ko, para sa iyo yun pero ang para sa ‘yo ay para sa amin na lamang ika mo.

           Kaarawan mo ngayon, 82 years na buhay na buhay ka pa rin sa mundo ko. Oo, buhay ka pa rin hanggang ngayon. Mapalad ako na 19 na taon ng buhay mo ay binigay mo sa akin. Almost 22 years na patuloy kitang hinahahanap-hanap. Noon, naglulupasay ako sa kalsada sa tuwing mamamalengke ka dahil ayaw na ayaw kong iiwanan mo ako. Ngayon, ganun pa rin. Parang nasa gitna ako ng kalsada, naglulupasaya at nangungulila sa presensya mo.

           Alam mo kung paano ako nahihirapan araw-araw. Noon pa man, kahit wala akong sabihin ay parang alam mo ang nararamdaman ko. Halos tatlong taon na akong ganito. Ayokong tumigil kahit na patuloy lang akong pinapaiyak ng masasaya o maging malulungkot na alaalang iniwan mo. Ayokong bitiwan yun. Ang mga panahong iyon, kahit na pinalulungkot ako at pinapaiyak pero sa puso ko, masaya ako na minsan sa buhay ko ay may inang kumupkop sa akin. May kaibigang nakikinig sa akin.

             Mali bang hilingin kong bumalik ka? Mali bang umasam ng kahit isang minuto lang ngayon na kasama ka? Kahit walang salita, walang hawak, makita lang kita masaya na ako.

             Habambuhay kang narito sa puso ko. Hindi kita pakakawalan. Ayokong magmove-on. Masaya akong nakilala kita. 

          Alam ko kung nasaan ka. Andito ka lang sa puso’t isipan ko. Hindi kita aalisin. Sana nariyan pa rin ako sa ‘yo.

          Yakap. Halik. Sulyap. Kahit sa panaginip lang. 

          Mahal na mahal kita.

          Happy birthday, Inay!

Ang iyong Nini,
Hazel 

Created: 14May2011

On RH Bill

       As I was watching ABS-CBN’s HARAPAN RH Bill: Ipasa o Ibasura, I just can’t help myself but to react. I am pro RH Bill. Bakit?

          Ang tingin ko kasi, kailangan ng sambayanang Pilipino na maeducate sa mga sari-sarili nilang katawan, sa mga gawaing maiinvolve tayo at mga posibleng bunga ng mga ito.

Section 2 of the RH bill states that the policy is anchored on the rationale that sustainable human development is better assured with a manageable population of healthy, educated and productive citizens.

          Bilang isang bansang mataas ang antas ng kahirapan, kailangan nating mas maging produktibo. Paano mangyayari yun kung kulang naman tayo sa kaalaman? Kung hindi naman tayo aware sa mga sarili nating katawan? Kailangang magkaroon tayo ng kaalaman upang mas maging produktibo tayo. Nakakalungkot mang malaman pero may mga tao pa rin talagang .gumagawa ng mga bagay nang hindi nila alam na sa maaari silang mabuntis, magkasakit at kung anu-ano pa. May mga taong kulang sa kaalaman. Dahil ba ito sa kahirapan? Maaaring oo, maaaring hindi. Kung ano pa man yun, kailangan nating malaman kung anu-ano ang mga gawaing ito at ang mga posibleng bunga ng mga ito pero hindi ibig sabihin na iinvolve mo ang sarili mo dito.

          Sa simula ng debate e may mga nababanggit na fertilization, ovulation, conception, etc. Tama si Karen Davila, hindi alam yan ng ibang manonood. EXACTLY. Hindi alam ng ilan o ng marami ang mga ganoong bagay. Kailan pa nila dapat malaman? Kailangang malaman na agad ang mga iyan. Ang mga posibleng sakit na maaari nilang makuha kung makikipagtalik tayo, bakit, ano paano? Kung kailan, bakit, paano ba mabubuntis ang isang tao. Marami pang mga tanong na maaari namang masagot bago pa man magkaroon ng problema.

Section 3 of the bill, Guiding Principles.

In the promotion of reproductive health, there should be no bias for either modern or natural methods of family planning;

           Isyu rin sa pagpasa ng bill na ito ang tradisyon o ang mga nakagawian na ng mga Pilipino. Tradisyon. I don’t know but I think tradition changes through time. Hindi naman maaaring yung tradisyon at tradisyon pa rin ang gagawain natin sa makabagong mundo. Gumagawa tayo ng mga makabagong bagay pero ang panghahawakan natin ay ang tradisyon? Parang may mali. Hindi naman ibig sabihin ay kalimutan ang tradisyon. Pahalagahan natin ang mga yan. Pero sa panahon kasi ngayon, dala ng iba’t ibang mga bagay ay marami nang mga bagay na hindi na kayang sagutin ng tradisyon. Oo nga’t noong unang panahon ay maraming anak ang mga ninuno natin, na maaga silang nag-asawa at kung anu-ano pa. Pero noon, mahirap man ang buhay, may silong silang tutuluyan, may palay silang aanihin, may magulang na kakalinga sa mga anak nila. Ngayon, saan? Paano?

Freedom of informed choice, which is central to the exercise of any right, must be fully guaranteed by the State like the right itself;

           May choice ang mga tao. Kung gagamit man sila ng contraception o kung ano pa man ang inooffer ng bill na ito, choice pa rin ng mga mamamayan kung ano ang gagawin nila. Alam na nila ang mga consequences, may kaalaman na sila. Options will just be given to us. The choice is still ours.

          Siyempre, may iba pang guiding principles pero hindi ko na lang bibigyang pansin dito.

Joey Lina: Mahirap ba tayo dahil marami ang tao? Hindi.

          Tama ka, Mr. Joey Lina, hindi nga. Mahirap tayo dahil marami ang taong walang trabaho. Mahirap tayo dahil maraming taong walang sariling tahanan at nagsisiksikan sa squatter areas hanggang pati kalikasan ay magdumi na. Mahirap tayo dahil sa rami ng taong gustong buhayin ang kani-kanilang pamilya ay gumagawa ng krimen. Mahirap tayo dahil maraming yaman sa bansa ang hindi mautilize nang maayos dahil hindi rin sapat ang kaalaman ng iba kung paano magagamit ito ng maayos. Mahirap tayo dahil may mga namumuno sa bansa na sige, gaya ng sinasabi niyo, nangungurakot. Mahirap tayo dahil sarado ang utak natin sa mga posibleng bagay na makakatulong sa ikauunlad natin.

Sex Education.

           May tamang edad para malaman ang mga ito. Kailan? Ano ang tamang edad? Kapag nakakita na tayo ng mga teenagers na buntis at may mga sakit na? Kapag marami na ang nagpapalaglag?

           May mga ilang kababaihan na Grade 4 pa lang e nireregla na. Alam ba nila na maaari na silang mabuntis? May mga kabataang nakikipagtalik nang hindi naman nila alam na maaari silang mabuntis. Yung iba nga e hindi alam na nakipagsex na pala sila e. Basta ginawa lang nila.

           Tool ito para sa abortion? Bakit? Dahil sa alam nila na mabubuntis sila e magiging option na nila ang abortion? Hindi naman sinabing makipagsex ka e. Sinasabi lang ang mga posibilidad na maaaring mangyari kung makikipagtalik ka.  At tool? Bakit? Dahil nalaman nila ang mga ito e gagawin na nila ito?

           Oo nga’t nasa tao yan. Walang sino rin namang may control kung kailan natin gagawain ang mga bagay-bagay e. Kailangang magkaroon tayo ng kaalaman kung ano ang mga posibilidad kapag dumating na ang panahong pipiliin nating makipagtalik. Kailangan lang natin ng gabay as early as possible. Kapag ka ba hindi mo ineducate ang kabataan sa sarili nilang katawan at mga bagay na maaaring mangyari dito e hindi na sila makikipagsex? Oo o hindi, hindi naman tayo makakapagsabi para sa lahat e. Kaya sa tingin ko, mas mabuti nang malaman nila nang maaga.

          Kailan pa magiging bukas ang isipan natin? Kailan pa tayo gagawa ng hakbang? Kapag hindi na tayo makalakad?

         Ang may primary duty ay ang mga magulang. Pero hindi rin lahat ng magulang ay educated sa bagay na ito. Kailangan pa rin ng sex education ng ilang mga magulang.

         China, Japan o America, bakit mo kailangang ibase na lang palagi sa iba? Tingnan ang kalagayan ng ibang bansa. Lagi tayong nakatingin sa ibang bansa, bakit hindi muna natin imulat ang ating mga mata para makita kung ano ang nasa harapan natin?

           Hindi naman magpapalaglag e. Prevention is better than cure. Hindi naman kikitil ng buhay e. Wala pa namang buhay. Hindi naman abortion. E paano kung sige, nabuntis at nanganak. Hindi ba’t mas mahirap kung mamamatay ang bata dahil sa gutom? Hindi ba’t mas nakakalungkot kung maabandona lang ang mga batang wala namang kasalanan kung bakit narito sa mundo? Kung nalaman lang sana nang mas maaga na pwede na pa lang mabuntis e di sana hindi na nabuntis. Kung nalaman lang sana ng mga nasa edad na may paraan pala para hindi mabuntis e di sana hindi nabuntis.

I humbly invite you to walk around Manila with me & see situation on the ground. Your statistics do not match what I see.” -Carlos Celdran

           Imulat natin ang mga mata. Minsan, may mga paniniwala tayong kailangan na rin nating bitiwan para sa ikauunlad natin. May mga bagay na alam natin ang solusyon pero hindi naman natin maisagawa. May mga bagay na kailangan nating tanggapin muna bago masolusyunan.  Imulat ang mga mata, makinig sa tinig ng pangangailangan, yumakap para sa ikabubuti ng lahat.

“It’s a new day now and we need a new way.” -Carlos Celdran.

Ina - Laro ng Buhay

       Tunay nga atang mapaglaro ang buhay. Noon, ang hangad ko ay mahalin ako bilang anak, hindi naibigay ng sarili kong ina. Galit, pasakit at sumbat lang ang nakuha ko. Pangarap kong maipaglaba ng damit ng sariling magulang, ang maipagluto ng almusal and maabutan ng tuwalya kapag nakalimutan ko itong dalhin sa tuwing maliligo ako. Hindi ko nakamit.

        Hindi naman ako mapaghanap ng kung anu-ano. Pero marami akong pangarap. Marami akong hiling. Pagmamahal, pagtanggap at pagkalinga, sinong ayaw ng mga yan? 

           Masalimuot ang aking nakaraan pero hindi ko hinayaang hadlangan noon ang aking kasalukuyan at maging hinaharap.

           May mga bagay nga sigurong hindi mo makukuha agad. Kailangan ng paghihintay. Hihintayin munang mawala ang galit para maluwag sa puso ang pagtanggap.

            Makalipas ang mahigit dalawang dekada, oo, halos dalawang dekada, nakamtan ko ang aking mga hiling. Sa kabila ng bawat pait ng nakaraan, may tamis pa rin palang mangyayari. Matagal na akong nakapagpatawad. Matagal na akong tumanggap. Naghihintay na lang at gumagawa ng paraan upang maging masaya.

           Kanina ko lamang napatunayan na wala na, wala na ang isang anak na iniwang luhaan at duguan. Nariyan na ang tanging hinihiling - ang pagmamahal ng isang ina.

           Naramdaman ko ang pagsisisi niya kung paano niya ako itinakwil dati bilang anak. Naramdaman ko ang panghihinayang niya na hindi niya nakasama ang isa mabuting nilalang (sabi niya). Naramdaman ko ang pagmamahal, sa wakas.

        Pangit mang tingnan pero hindi ako nagsisisi sa kung anuman ang nangyari sa amin noon. Kung paano ko siya sinumbatan at kung paano niya rin ako pinagtabuyuan. Bakit? Dahil hindi siguro ganito kasaya sa pakiramdam. Iba kasi ang pakiramdam kapag yung mga hindi mo inaasahang pangyayari ay mangyayari sa ‘yo. Napakasaya.

         Kung hindi siguro kami nagkasamaan ng loob noon at maayos kaming nagsama ay baka hindi niya ako hanapin ngayon. Ngayon na kailangang kailangan ko siya.

        Wala akong pinagsisisihan. Natuto ako, natuto siya. Pagsubok sa buhay na pareho naming nilabanan. Panghihinayang siguro, meron. Sabi niya nga, konti na lamang ang panahong makakasama ko siya nang bente cuatro oras sa isang araw dahil hindi kalauna’y mamumuhay na rin ako bilang isang matanda. Magtatrabaho, mag-aasawa at magkakaroon ng pamilya. Hindi na ako bata para iisantabi ang mga bagay na ito.

        Magpaglaro nga ang buhay. Kung kailan nakamtan ko na ang isa sa pinakaaasam ko, saka naman konti na lang ang panahon para magpakasasa rito.

          Gayunpaman, hindi pa huli ang lahat. Isa ito sa mga patunay. Makalipas ang mahabang panahon, sinong mag-aakala sa pagpapatawad at pagmamahal na hindi inaaasahan?

         Masaya ako. Marami akong natutunan sa mga pinagdaanan ko. ganun din naman siguro siya.

        Sa ngayon, ayaw ko na iiyak siya at sasabihin niyang hindi ko siya pinahahalagahan tulad ng dati. At hinding-hindi ko na rin ibabalik sa kanya ang paratang na iyan.

        Mapaglaro ang buhay pero masayang makipaglaro. Ikaw man ang taya, kung hindi ka naman susuko e makakamtan mo pa rin ang nais mo.

Kahit Isang Araw Lang

MAMA: Dito ka na tumira sa akin ha para mabuo na ang pamilya natin. Kailan ka pa mananatili sa akin? Darating ang panahon na hindi ka na rin para sa akin. Mag-aasawa ka at magiging para sa kanila ka na at mga anak niyo. Kaya dito ka muna sa akin habang dalaga ka pa. Hindi ka na rin naman bata. Alam kong marami akong pagkukulang, hayaan mong punan ko yun anak. Sige na.

          Bumabaha na ng luha dito sa kwarto ko. Ang galing lang ng timing ni Mother Earth e! tsk. Haaaay. Parang dinudurog ang puso ko pero masaya naman ako. Napakaraming nasayang na panahon ng dahil sa galit. :| Ang hirap. Gustuhin ko man e siguro, ilang linggo lang kasi papasok na rin ako tapos pagdating ng October o November e magtatrabaho. Waaaa. Bakit ganun? Hindi ba pwedeng itigil muna ang ikot ng mundo at maging masaya naman kami ng ina ko kahit isang araw lang. Kahit isang araw lang. Please. :’(

            Ramdam na ramdam ko ang pagmamakaawa ng Mama ko sa text na ‘yon, magkasama lang kami. Ramdam ko ang pagsisisi. Ramdam ko ang panghihinayang sa mga panahong itinaboy niya ako. Ramdam na ramdam ko ang pagmamahal niya sa akin ngayon.

My Wedding

          Pangarap ko ring makasal. Sabi ko pagdating ko ng edad na 27 e pwede na akong mag-asawa. Alam mo na siguro yan kung nabasa mo yung mga nakaraan kong posts.

          Ang kasal na gusto ko noon malapit sa kalikasan. Gusto ko noon ang beach wedding o kaya naman ay garden wedding para kasing ang romantic. Hindi kalaunan ay nagbago ang gusto ko. Gusto ko na, sa simbahan, dito sa Cathedral de San Sebastian, Lungsod ng Lipa. Gusto ko e dapit hapon ang kasal ko para naroon pa rin ang pagkaromantiko ng seremonya. Sa harap ng altar habang maganda ang paglubog ng araw sa labas. Gusto ko bongga ang gown ko maging ng mga abay. Isang beses lang ako dapat ikasal kaya dapat bongga na. Pwede rin namang maraming maraming beses akong ikasal pero sa iisang tao lang. Gusto ko magandang maganda ako sa araw na ibibigay na ako ng mga magulang ko sa lalaking makakasama ko habambuhay. Gusto ko, ako ang pinakamagarbo sa araw na iyon. Sisipain ko kapag may tumalbog sa beauty ko. De, joke lang.

        Gusto ko, pulang pula ang gown ng mga abay ko. As in yung pulang pula para sa babae, kahit hindi sa mga abay. Simbolo ng kaligayahan para sa araw na iyon. Sa mga lalaki naman, gusto ko, makintab na itim. Simbolo ng mga pagsubok na haharapin namin sa buhay ng mapapang-asawa ko. Makintab para kahit sa problema ay kikinang pa rin ang aming samahan. Itim para mas mangibabaw ang pula, mas mangibabaw ang ligaya.

       Kami ng groom ay nakaputi. Simbolo ng purity, ng tunay at wagas naming pagmamahalan at pagtanggap sa isa’t isa.

        Oo, gusto kong bigyang kahulugan ang bawat detalye ng kasal ko. Mahalaga sa akin ang bawat bagay na naroroon sa araw kung saan heto na, ang taong naglakas loob na mahalin at tanggapin ako. 

          Haaaay. Kapag iniimagine ko ang kasal na gusto ko e parang naiinlove ako bigla nang wala sa oras at wala namang kinaiinlaban. Kinikilig ako sa sarili ko. Chos. 

           Ang sarap mangarap. Pero bago ko pa man siya matagpuan e paghahanda ko na ang araw na ito. Excited? Hindi naman. Paghahandaan ko lang. Mag-iipon ako. Ayoko rin kasing ikasal nang wala pa akong sariling bahay at sasakyan.

           Marami akong pangarap sa buhay. Kasama na doon ang lalaking pakakasalan ko at sana, sa oras na matagpuan ko siya, hindi niya babaguhin ang mga pangarap ko bagkos ay sasamahan niya akong isakatuparan yun at bubuo uli kami ng pangarap naming dalawa. 

          Nasaan ka na ba, aking prinsipe? O sige, be a man on your own and I’ll be a woman. And when we’re ready, we’ll see each other and walk through that aisle.

Tama na.

         Eto na. Final na. Tama na ang pagpapakatanga sa mga taong hindi naman worthy or let’s say, hindi naman maibalik ang mga pangangailangan mo o ni hindi man lang maappreciate ang mga ginagawa mo.

          Oo nga’t kapag nagmahal ka e ibigay mo na ang lahat dahil sa kahit ano namang paraan, kung masasaktan ka, masasaktan ka. 

        Sabi ng Tita ko noong isang taon nang batiin niya ako sa sa aking kaarawan, “Dear, you are not just getting older, you are getting better.” at ngayon, kailangan kong gumawa ng sariling hakbang para pangatawanan ang pagiging mature ko.

         Hindi ba’t sabi ko sa sarili ko ay maging praktikal? Na ako rin ang gumagawa ng mga ikinasasakit at ikinalulungkot ko? Alam ko pa rin naman yun hanggang ngayon, hindi ko lang talaga maiwasan. Parang sasabog ako kapag hindi ko pinaramdam sa isang tao kung gaano siya kaimportante sa akin.

         Enough is enough. Marami na ring nasasayang na pagkakataon para sa iba. The time I am spending for someone, the time I am spending mourning for someone can be the time to  make myself see things and other people and consequently fall in love with the one who will also love me. Madaling sabihin pero kailangan ring kayaning gawin.

        Hindi na ako bata. Wala namang magpapakulong sa akin kung sasabihin kong hindi ko mahal ang isang tao kahit na mahal ko siya. Minsan kailangan nga ring lokohin ang sarili hanggang sa ito na ang maging katotohanan. Mahirap oo, pero  sa buhay na ito, ano bang madali kung hindi tayo susubok?

        Tama na ang pagiging masokista. Mahalin ang sarili. Pagod na ako sa mga sakit pero pinipili ko pa ring maramdaman ang mga yun. Pagod na akong umasa pero patuloy pa rin akong humahanap ng maliliit na bagay upang patuloy na humawak.

         Tama na. Tama na. Hindi naman ako titigil sa pagmamahal e. Hindi ko na lamang hahayan  ang sarili kong makulong. Kailangan ko ring lumaya. Kailangang makalipad.

          Tama na.

Thursday, April 28, 2011

Sikmura at Puso

             Biyernes ng hapon, pauwi ako noon sa bahay at naisipang kumain muna sa labas. Pumunta sa palikuran, umihi at nanalamin. Binuklat ang bag para kumuha ng pulbo. Wala ang cellphone, wala ang wallet. Nadukutan ako. Hindi ko alam ang gagawin ko. Umuwi pa naman ako dahil masama ang loob ko at sa dami ng problemang dinudulot sa akin ng eskwelahan.

               Kumakalam na ang sikmura. Hindi ako makaiyak. Hinanap ko ang isa ko pang cellphone, buti na lamang at nasa bulsa ko ito.

            Itinext kita, “Nasaan ka? Samahan mo naman ako. Masama lang ang loob ko tapos nadukutan pa ako. Please?”

           Dahil alam kong alam mo kung saan ako pumupunta kapag masama ang loob, hindi ko na sinabi kung saan tayo magkikita. Nagtungo na ako sa simbahan, naupo sa vigil room, umiyak nang umiyak at umiyak. Sobrang sama ng loob ko. Nagalit ang kaibigan ko sa akin nang hindi ko alam, may problema ako sa eskwelahan, nawala ang cellphone na binigay sa akin ng tiyahin ko, wala akong pera at gutom ako.

            Darating ka. May yayakap sa akin. Ang katotohonang yun ay bahagyang nakapagpagaan sa aking mga dinadala noong araw na iyon. Kahit paano ay may yayakap sa akin, may pupunas ng mga luha ko at makikinig sa aking mga hinaing bukod sa Panginoong aking kinakausap habang naghihintay sa iyo.

            Sigurado ako, darating ka. Sabi mo noon, nariyan ka lamang para sa akin. Ramdam ko naman ang sinseridad at napatunayan mo na rin naman ang mga sinabi mo.

            “May gagawin lang ako, liligo lang saglit at pupuntahan ka na. Huwag kang iiyak ha. Iyakin kang bata ka eh!”

            Sabi na nga ba at hindi mo ako matitiis. Patuloy lang akong naghintay at nagdasal at naglabas ng sama ng loob. 

           Umiiyak ako. Kilala mo na nga ako. Alam mong iyakin ako kaya pipilitin kong hindi umiyak sa harapan mo at iiiyak ko na ang lahat bago ka dumating. Gusto ko rin kasing makita mong matapang na ako.

          Alas singko na ng hapon, wala ka pa rin. Hindi ka na sumagot sa mga texts ko. Ni tawag ko tila hindi mo rin napapansin. Kumakalam na ang sikmura ko. Pagpatak ng alas sais, hindi na kita mahintay, nahihilo na ako. Alam ko namang alam mong nasa bahay lang ako kung wala na ako sa simbahan. Alam mo kung saan ako pupuntahan.

         Lumabas na ako ng simbahan at naisipang umuwi. Maglalakad na lamang sana dahil nadukutan nga at malapit lang naman ang aming bahay.

          Mabagal lamang akong naglalakad sa bawat kalyeng aking nadaraanan. Nagmamasid sa mga taong nakaasalubong o nakikita. At siyempre, hindi napalampas ng aking mga mata ang isang pareha. Napakasweet na magkasintahan. Malayo pa lang e kitang-kita ko na. Lalo kitang namiss. Sana ay ganoon tayo noong araw na yun. Pero naisip ko na lang na baka nakatulog ka o may hindi inaasahang pangyayari.

          Patuloy ako sa paglalakad. Nang ilang hakbang na lamang ako palapit sa masayang magkasintahan, nakita ko ang mga masasaya nilang mukha. Nakita ko ang kanilang mga ngiti. Maligayang maligaya sila.

           Nakarating na nga ako sa bahay. Gutom man ako at pagod, hindi ko nagawang kumain o magpahinga man lang bagkos ay umiyak ako nang umiyak. Durog na durog ang puso ko noong araw na iyon. Nakakainggit ang magkasintahan na iyon na tila hindi man lang napansin na dumaan ako sa kanilang harapan.

           Punong-puno ng paghihinagpis ang aking buong pagkatao. Nasaan ka na? Bakit mo ako iniwan? Bakit mo ako pinaasang darating ka? Sana sinabi mo na lang na hindi ka pwede. Kailangan ko pa bang makita kayong masaya ng aking kaibigan? Ngayon, alam ko na kung bakit hindi niya ako kinakausap.

            Ang sakit. Hindi ako umiyak sa harapan mo gaya ng sinabi ko sa sarili ko. Gusto kong makita mo akong matapang pero ni hindi mo nga ako nasulyapan man lang. Pareho kayong mahalaga sa akin. Kailan pa ito? Kailan niyo pa ako pinaglalaruan? Ang sakit.

         Ang araw na yun. Ang araw na iyon na sinumpa ko na yun na ang huling beses na tatakbo ako sa ‘yo. Yun na ang huling beses na aasa ako sa mga pangako mo.

           Ang araw na yun, ang araw na binalot niyo ako ng pag-asa at pighati. Pinagmukha niyo akong tanga. Kumalam ang sikmura ko. Sumakit ang puso ko. Parehong gutom.

Life's Challenges


           Life consists of different challenges. It may be emotional, physical, mental, spiritual or social. No one said that life would be easy. But there will always a chance for you to make it better.
             All of us experience challenges. For some, it can be just small and an 'easy-to-beat' opponent or an ‘I-think-I-would-die’ one. How we handle challenges usually determines our being. Life is not just about falling asleep tonight and waking up the next morning. It is not just about the inhales and the exhales that we make daily. There is more to life than breathing.
          Everyday, we are faced with hindrances while taking our path to success. Sharp stones will be walked on and wild animals may just jump into us in an instant and take a bite from the reality that we are living. Now, do we give up? The answers will vary because people and how they face their own problems vary, as well.
          Life is never kind. We feel pain and anxiety. We face challenges. We are bound to make decisions. We get hurt, we hurt others. When we’re walking, we want to stop and take a rest. When we get stuck, we get angry and want to move on. Some choose to escape. Some choose to deal with life. Some choose to end it. We choose where we want to go.
          On coming of life’s challenges? We have no control. They will find their way to get into our lives. They will sneak in our dreams and cause us nightmares. They will be there to punch us straight to our face. We would think of escaping. But where will we go? Challenges are everywhere. They always have their eyes on us.
          Come to think of it, challenges don’t mean having something to give up onto. They are not just factors to make us break. On the positive side, it is a calling; a summon to show our skills in solving life’s problem. They are one great opportunity to learn and enhance our being.
          People may tend to be vulnerable and/or fragile. We may be weak or strong; rich or poor; cheerful or not. Whatever characteristics we have, no one is exempted from the possibilities life may bring.
          Life’s challenges may enable us to see ourselves in our best and worst situation. We may see alcohol and drug addiction as one great escape from our burdens. Worse, we may commit suicide to end all the things that hurt. We hurt others. We get angry. The world may seem to give us undesirable clamor. At some point, we let ourselves be imprisoned in bewilderment.
         We face great challenges in life when we are bound to find love, acceptance and security. Once in our lives we will feel the urge to find the assurance that life truly has its own meaning. Once in our lives, we will experience that everyday is the same as yesterday – meaningless, hurtful and sorrowful. We will struggle with dealing with people. We will doubt the care and love they offer. Our fears will grow everyday. Our bad behaviors will be pushed outwards for the world to see.
          How can we cope if we feel like we don’t have the strength to move on? How do we move on beyond the hopelessness? We try to conceive the pain. We fool the world and consequently, not realizing that we are fooling ourselves more.
         Again, we choose where we want to go. These life’s challenges are just tools to make us weak but do not forget that they should not have the ‘authority’ to make us think that we are not worthy of this life.
         Surprisingly, these hindrances have direct relationship to us. They will create a way for us to know other people, but more importantly, to know our purpose in life and have a better understanding of ourselves.
          Questions will pop out. Why me? How will I ever forgive? How can I move on? How will I be able to solve this problem? And many more How’s and Why’s. We ask others. We ask God. But take a look in the mirror. We may know the answers. We knew the answers even before we ask for them. The problem is, we know the answers but we lack actions.
          Don’t give up. This is an overrated advice that many of us ignore. Yes, don’t give up. Let the things that hinder our happiness give up on us. Let them be intimidated on how we bravely face every life’s battle.
          It’s a win-win situation. When you lose a battle, you do not really lose entirely. Somehow, you still win because you get to learn on how to fight the next fight. You get the chance to test your skill. You get to master the rules of the game. When you win, you get what you want. It’s a matter of how we see life and it’s dark side.
         Don’t give up!
         “We are all failures, at least, the best of us are.” – J.M. Baririe

All I ever wanted was everything

           The sun sits high in the morning sky - a perfect day to create a picturesque future. Everybody tends to dream including myself. I create a vivid image of my life as in the photos in an elite magazine.
             I yawn widely; I did not sleep well the night before and crept out of bed to sneak some hotdogs and pancakes from the fridge. My stomach was aching but the mind was so sure. I continue painting the artwork of my own life - the sky with the right shade of unpolluted powder blue; the green grasses I want to roll over on; and the rainbow-filled life I want to live in.
             Wealth, health and joy, everything was in place. As I navigate to a residential street, eyes get widened. The villas, pool, smiles and laughters, I want everything.
              The day is almost over. It’s getting dark. The curtain of this stage is about to close. Tears make the vision turn into a blurry memory.  
              I poised for success and find myself failing spectacularly.  
             As the curtain-twitching world I inhabit begins to intrude, I find my secrets exposed. And I must confront first my personal downfalls and then each other’s. All I ever wanted was everything. I got nothing.

Sunday, April 24, 2011

A Searcher

             A searcher, as how we define it, is someone who carefully looks and examines to find something. From the word itself, searcher is someone who searches for something. I do not actually need to cite definitions of “searcher” in this entry but, what I want to express has something to do with searching; someone who searches – searcher.

           It all started since birth. Yes, you read it right, since birth. A girl was born in bewilderment. She was born in a world where she never thought she would be in. The journey was difficult for this “princess” but, she never thought of giving up. There were times, a lot of times, when questions seemed stuck in her head and did not want to leave her. This girl in bewilderment; this princess, is me.

           It was 1995, I was 6 years old then, when the real scene started to play. A night of happiness, laughing with my grandmother and cousin, was destructed by a shout out: “Hazel, baby”. It was a shout from a girl going out of the tricycle, a girl in red dress. I know who she is. My Ate Helen was the girl, a daughter of my grandmother. We bonded. We shopped. We laughed and all. Everything was fine. What stopped the fun was when I noticed that people were laughing at me. It seemed like for them, I am a child without anxieties; that I so not care for what they were saying. Rumors just did not stop. Questions just kept entering into my mind. My head ached thinking and looking for answers.“Didn’t she know that she is her mother”? Why isn’t she telling the child that she’s the mother”?

           It was hard for me to express out the questions to people around me. It was hard for a child to ask something from outer space when everybody was expecting her to just ask for candies. However, I did not mind. I asked my grandmother about the thing. There it goes, she is my mother. It did not surprise me that much for there was this feeling in me that I cannot explain. I knew she was my mother. I just need confirmation for legal matters – I think.

          Graduation in kindergarten, 1996, my mother came with me. She put on the medal and the ribbons for a princess marching on the stage. It was my happiest moment then. Going to church and to the mall weekly, what more can a child ask for? At a young age, I have searched for one of the most important things in one’s life.

           I thought it was over. We are close enough to continue living as a mother and child. After just about two years, my mother got married to someone I did not even know. I broke down. I was 8years old then. It broke my world into pieces. I searched for someone to lean on as my mother was busy mingling with her husband. I found my grandmother – waiting for me to come back to her, longing for my hugs and kisses. I took time to accept the situation. I was successful in doing so. Consequently, my mother got pregnant and gave birth to a cute baby boy. I was so glad having a sibling. Again, my world started to tremble. Earthquakes did not leave me. It kept on shaking my life. My heart was broken. My teary eyes kept looking for attention from a mother. Tears fell down my eyes seeing a happy family – my mother, my stepfather and their son.

           Action scene of my life started on this. My heart walked away from my mother’s. It went farther and faster since we had just known each other for two years or three. My heart was lost but still, found its way going back to my mother.  I have decided to take the path to her direction. I came with them, my mother and my brother, wherever they go. Until one time, we went to my brother’s Godmother. She, the Godmother, asked my mother who I was. “This is my niece. She is living with me because her mother is abroad”. The whole me, at that early age, melted. Every part of me was lost in nowhere. It caused me so much pain. I ran to my grandmother.  I told her what happened.

           I searched for a way of acceptance. I looked for reasons that led her on saying that. She said that because she cares. She said that because she loves me. She said that because she thought that I am her failure. She saw her mistakes on me. I just accepted that fact. I have learned to live with the pain. I got used to it until I am numb enough not to feel it.

          My next search was the search for my father. I argued with my mother every time I want information about my father. I had thrown harsh and painful words to her just for him. My aunts and uncles were my foes too on that matter. I was the only one playing over the defense of the whole family. I told, again, my grandmother the reason why I am looking for my father. the reasons were: (1) I want a father; (2) I envy my classmates; (3) I need a parent’s attention which my mother did not give me; (4) I want a wealthier life and; (5) I am incomplete.

          My family understood my feelings and respected my right to know my father. I was the one who stopped the search. I have realized that it was not ideal to look for my father when I have not searched about who my mother was, what she really feels. My heart started to fix itself going back to where it really belongs – my mother. No matter what the situation is, she is my mother. I do not want my child to do the same as I did.

          The next search is searching for myself. I am now in a world where every kind of people are in. I am in a world where I can only survive based on what I am doing. It was easy for me to smile and laugh out loud but, it does not mean that I am happy.  My tears just want to flow out my eyes but they cannot. It was because of the perception of the people to me – that I am a strong person who does not cry. I am imprisoned to that approach. It is difficult. However, it is helpful in a way. It makes me stronger that I won’t cry easily on the struggles.

          Many people would say that if you are destined to find someone or something, you do not have to search for it because it will automatically come your way. What if it came your way and stopped at your back? Would you not search and look back to see it?

           Searching is the life I am living. I may think that it’s over. For all of us, searching for questions is part of our lives. Searching for answers to the question we have searched is what we are living for.

          I have searched myself searching for her self.

Wednesday, April 13, 2011

I'm Getting Married

             “Umuwi ka dito ha. At para makuha mo na rin ang pang-enrol mo. Basta siguraduhin mo lang na gagraduate ka na at huwag munang mag-aasawa hangga’t hindi pa nakakapagtapos si Totoy ha.”
            That was a text message from my mom. I told her that I have not graduated yet because I failed a course. Yes, just one subject and it feels like it’s taking me forever to graduate.
             Anyhow, the plan was to get married by at least 27. And as I read that sms, it got me thinking and counting. “OMG. At least seven years and that’ll make me 29.” Because I am turning 22 this year. I did not feel bad naman because in the first place, the original plan was to invest in my brother’s education before settling down. And oh lala. Why am I thinking of settling down when I have no boyfriend yet? I don’t know. I just like making plans, setting goals and finding paths. Oh yes, I’m back on the track. :))
              When I already have my own resources, of course, I will save first for his education. I think I don’t have to wait until he graduates din naman if I can sustain his education. Maybe I could get married by the time I liked to. But then, of course, if there is someone to marry. Or I could marry myself like Sue Sylvester. LOL.
              Basta I want to get married before I reach 30. Why so? I have this dream of having four children and I think, it’ll be difficult for me if I get married beyond thirty. Or I can have babies before getting married. Oh no. No. Remember THIS? So there.
              For now, I will just focus on my studies. And yes, I promised my Mom to finally, at the last chance given to me, finish my Bachelor’s degree.