Thursday, May 26, 2011

Kahit Isang Araw Lang

MAMA: Dito ka na tumira sa akin ha para mabuo na ang pamilya natin. Kailan ka pa mananatili sa akin? Darating ang panahon na hindi ka na rin para sa akin. Mag-aasawa ka at magiging para sa kanila ka na at mga anak niyo. Kaya dito ka muna sa akin habang dalaga ka pa. Hindi ka na rin naman bata. Alam kong marami akong pagkukulang, hayaan mong punan ko yun anak. Sige na.

          Bumabaha na ng luha dito sa kwarto ko. Ang galing lang ng timing ni Mother Earth e! tsk. Haaaay. Parang dinudurog ang puso ko pero masaya naman ako. Napakaraming nasayang na panahon ng dahil sa galit. :| Ang hirap. Gustuhin ko man e siguro, ilang linggo lang kasi papasok na rin ako tapos pagdating ng October o November e magtatrabaho. Waaaa. Bakit ganun? Hindi ba pwedeng itigil muna ang ikot ng mundo at maging masaya naman kami ng ina ko kahit isang araw lang. Kahit isang araw lang. Please. :’(

            Ramdam na ramdam ko ang pagmamakaawa ng Mama ko sa text na ‘yon, magkasama lang kami. Ramdam ko ang pagsisisi. Ramdam ko ang panghihinayang sa mga panahong itinaboy niya ako. Ramdam na ramdam ko ang pagmamahal niya sa akin ngayon.

No comments:

Post a Comment