Thursday, May 26, 2011

My Wedding

          Pangarap ko ring makasal. Sabi ko pagdating ko ng edad na 27 e pwede na akong mag-asawa. Alam mo na siguro yan kung nabasa mo yung mga nakaraan kong posts.

          Ang kasal na gusto ko noon malapit sa kalikasan. Gusto ko noon ang beach wedding o kaya naman ay garden wedding para kasing ang romantic. Hindi kalaunan ay nagbago ang gusto ko. Gusto ko na, sa simbahan, dito sa Cathedral de San Sebastian, Lungsod ng Lipa. Gusto ko e dapit hapon ang kasal ko para naroon pa rin ang pagkaromantiko ng seremonya. Sa harap ng altar habang maganda ang paglubog ng araw sa labas. Gusto ko bongga ang gown ko maging ng mga abay. Isang beses lang ako dapat ikasal kaya dapat bongga na. Pwede rin namang maraming maraming beses akong ikasal pero sa iisang tao lang. Gusto ko magandang maganda ako sa araw na ibibigay na ako ng mga magulang ko sa lalaking makakasama ko habambuhay. Gusto ko, ako ang pinakamagarbo sa araw na iyon. Sisipain ko kapag may tumalbog sa beauty ko. De, joke lang.

        Gusto ko, pulang pula ang gown ng mga abay ko. As in yung pulang pula para sa babae, kahit hindi sa mga abay. Simbolo ng kaligayahan para sa araw na iyon. Sa mga lalaki naman, gusto ko, makintab na itim. Simbolo ng mga pagsubok na haharapin namin sa buhay ng mapapang-asawa ko. Makintab para kahit sa problema ay kikinang pa rin ang aming samahan. Itim para mas mangibabaw ang pula, mas mangibabaw ang ligaya.

       Kami ng groom ay nakaputi. Simbolo ng purity, ng tunay at wagas naming pagmamahalan at pagtanggap sa isa’t isa.

        Oo, gusto kong bigyang kahulugan ang bawat detalye ng kasal ko. Mahalaga sa akin ang bawat bagay na naroroon sa araw kung saan heto na, ang taong naglakas loob na mahalin at tanggapin ako. 

          Haaaay. Kapag iniimagine ko ang kasal na gusto ko e parang naiinlove ako bigla nang wala sa oras at wala namang kinaiinlaban. Kinikilig ako sa sarili ko. Chos. 

           Ang sarap mangarap. Pero bago ko pa man siya matagpuan e paghahanda ko na ang araw na ito. Excited? Hindi naman. Paghahandaan ko lang. Mag-iipon ako. Ayoko rin kasing ikasal nang wala pa akong sariling bahay at sasakyan.

           Marami akong pangarap sa buhay. Kasama na doon ang lalaking pakakasalan ko at sana, sa oras na matagpuan ko siya, hindi niya babaguhin ang mga pangarap ko bagkos ay sasamahan niya akong isakatuparan yun at bubuo uli kami ng pangarap naming dalawa. 

          Nasaan ka na ba, aking prinsipe? O sige, be a man on your own and I’ll be a woman. And when we’re ready, we’ll see each other and walk through that aisle.

No comments:

Post a Comment