Thursday, May 26, 2011

On RH Bill

       As I was watching ABS-CBN’s HARAPAN RH Bill: Ipasa o Ibasura, I just can’t help myself but to react. I am pro RH Bill. Bakit?

          Ang tingin ko kasi, kailangan ng sambayanang Pilipino na maeducate sa mga sari-sarili nilang katawan, sa mga gawaing maiinvolve tayo at mga posibleng bunga ng mga ito.

Section 2 of the RH bill states that the policy is anchored on the rationale that sustainable human development is better assured with a manageable population of healthy, educated and productive citizens.

          Bilang isang bansang mataas ang antas ng kahirapan, kailangan nating mas maging produktibo. Paano mangyayari yun kung kulang naman tayo sa kaalaman? Kung hindi naman tayo aware sa mga sarili nating katawan? Kailangang magkaroon tayo ng kaalaman upang mas maging produktibo tayo. Nakakalungkot mang malaman pero may mga tao pa rin talagang .gumagawa ng mga bagay nang hindi nila alam na sa maaari silang mabuntis, magkasakit at kung anu-ano pa. May mga taong kulang sa kaalaman. Dahil ba ito sa kahirapan? Maaaring oo, maaaring hindi. Kung ano pa man yun, kailangan nating malaman kung anu-ano ang mga gawaing ito at ang mga posibleng bunga ng mga ito pero hindi ibig sabihin na iinvolve mo ang sarili mo dito.

          Sa simula ng debate e may mga nababanggit na fertilization, ovulation, conception, etc. Tama si Karen Davila, hindi alam yan ng ibang manonood. EXACTLY. Hindi alam ng ilan o ng marami ang mga ganoong bagay. Kailan pa nila dapat malaman? Kailangang malaman na agad ang mga iyan. Ang mga posibleng sakit na maaari nilang makuha kung makikipagtalik tayo, bakit, ano paano? Kung kailan, bakit, paano ba mabubuntis ang isang tao. Marami pang mga tanong na maaari namang masagot bago pa man magkaroon ng problema.

Section 3 of the bill, Guiding Principles.

In the promotion of reproductive health, there should be no bias for either modern or natural methods of family planning;

           Isyu rin sa pagpasa ng bill na ito ang tradisyon o ang mga nakagawian na ng mga Pilipino. Tradisyon. I don’t know but I think tradition changes through time. Hindi naman maaaring yung tradisyon at tradisyon pa rin ang gagawain natin sa makabagong mundo. Gumagawa tayo ng mga makabagong bagay pero ang panghahawakan natin ay ang tradisyon? Parang may mali. Hindi naman ibig sabihin ay kalimutan ang tradisyon. Pahalagahan natin ang mga yan. Pero sa panahon kasi ngayon, dala ng iba’t ibang mga bagay ay marami nang mga bagay na hindi na kayang sagutin ng tradisyon. Oo nga’t noong unang panahon ay maraming anak ang mga ninuno natin, na maaga silang nag-asawa at kung anu-ano pa. Pero noon, mahirap man ang buhay, may silong silang tutuluyan, may palay silang aanihin, may magulang na kakalinga sa mga anak nila. Ngayon, saan? Paano?

Freedom of informed choice, which is central to the exercise of any right, must be fully guaranteed by the State like the right itself;

           May choice ang mga tao. Kung gagamit man sila ng contraception o kung ano pa man ang inooffer ng bill na ito, choice pa rin ng mga mamamayan kung ano ang gagawin nila. Alam na nila ang mga consequences, may kaalaman na sila. Options will just be given to us. The choice is still ours.

          Siyempre, may iba pang guiding principles pero hindi ko na lang bibigyang pansin dito.

Joey Lina: Mahirap ba tayo dahil marami ang tao? Hindi.

          Tama ka, Mr. Joey Lina, hindi nga. Mahirap tayo dahil marami ang taong walang trabaho. Mahirap tayo dahil maraming taong walang sariling tahanan at nagsisiksikan sa squatter areas hanggang pati kalikasan ay magdumi na. Mahirap tayo dahil sa rami ng taong gustong buhayin ang kani-kanilang pamilya ay gumagawa ng krimen. Mahirap tayo dahil maraming yaman sa bansa ang hindi mautilize nang maayos dahil hindi rin sapat ang kaalaman ng iba kung paano magagamit ito ng maayos. Mahirap tayo dahil may mga namumuno sa bansa na sige, gaya ng sinasabi niyo, nangungurakot. Mahirap tayo dahil sarado ang utak natin sa mga posibleng bagay na makakatulong sa ikauunlad natin.

Sex Education.

           May tamang edad para malaman ang mga ito. Kailan? Ano ang tamang edad? Kapag nakakita na tayo ng mga teenagers na buntis at may mga sakit na? Kapag marami na ang nagpapalaglag?

           May mga ilang kababaihan na Grade 4 pa lang e nireregla na. Alam ba nila na maaari na silang mabuntis? May mga kabataang nakikipagtalik nang hindi naman nila alam na maaari silang mabuntis. Yung iba nga e hindi alam na nakipagsex na pala sila e. Basta ginawa lang nila.

           Tool ito para sa abortion? Bakit? Dahil sa alam nila na mabubuntis sila e magiging option na nila ang abortion? Hindi naman sinabing makipagsex ka e. Sinasabi lang ang mga posibilidad na maaaring mangyari kung makikipagtalik ka.  At tool? Bakit? Dahil nalaman nila ang mga ito e gagawin na nila ito?

           Oo nga’t nasa tao yan. Walang sino rin namang may control kung kailan natin gagawain ang mga bagay-bagay e. Kailangang magkaroon tayo ng kaalaman kung ano ang mga posibilidad kapag dumating na ang panahong pipiliin nating makipagtalik. Kailangan lang natin ng gabay as early as possible. Kapag ka ba hindi mo ineducate ang kabataan sa sarili nilang katawan at mga bagay na maaaring mangyari dito e hindi na sila makikipagsex? Oo o hindi, hindi naman tayo makakapagsabi para sa lahat e. Kaya sa tingin ko, mas mabuti nang malaman nila nang maaga.

          Kailan pa magiging bukas ang isipan natin? Kailan pa tayo gagawa ng hakbang? Kapag hindi na tayo makalakad?

         Ang may primary duty ay ang mga magulang. Pero hindi rin lahat ng magulang ay educated sa bagay na ito. Kailangan pa rin ng sex education ng ilang mga magulang.

         China, Japan o America, bakit mo kailangang ibase na lang palagi sa iba? Tingnan ang kalagayan ng ibang bansa. Lagi tayong nakatingin sa ibang bansa, bakit hindi muna natin imulat ang ating mga mata para makita kung ano ang nasa harapan natin?

           Hindi naman magpapalaglag e. Prevention is better than cure. Hindi naman kikitil ng buhay e. Wala pa namang buhay. Hindi naman abortion. E paano kung sige, nabuntis at nanganak. Hindi ba’t mas mahirap kung mamamatay ang bata dahil sa gutom? Hindi ba’t mas nakakalungkot kung maabandona lang ang mga batang wala namang kasalanan kung bakit narito sa mundo? Kung nalaman lang sana nang mas maaga na pwede na pa lang mabuntis e di sana hindi na nabuntis. Kung nalaman lang sana ng mga nasa edad na may paraan pala para hindi mabuntis e di sana hindi nabuntis.

I humbly invite you to walk around Manila with me & see situation on the ground. Your statistics do not match what I see.” -Carlos Celdran

           Imulat natin ang mga mata. Minsan, may mga paniniwala tayong kailangan na rin nating bitiwan para sa ikauunlad natin. May mga bagay na alam natin ang solusyon pero hindi naman natin maisagawa. May mga bagay na kailangan nating tanggapin muna bago masolusyunan.  Imulat ang mga mata, makinig sa tinig ng pangangailangan, yumakap para sa ikabubuti ng lahat.

“It’s a new day now and we need a new way.” -Carlos Celdran.

No comments:

Post a Comment