Ang bait ni Papa God. Ayaw niya talagang matapos ang araw ko na malungkot ako. Well, bukod sa nagtext ang crush ko kaninang tanghali (uuuy, may clue), at malamig ang panahon sa Lipa, at marami akong kinain (bago pa ba toh?), ay may natanggap ako. Eto:

Yeah. A Tommy Girl perfume from my Tita. Materialistic much? Yuuh. Hindi naman sa ganun. Ang Tita ko kasi ay nasa Germany. I told her once na I want a Clinique happy perfume or a Tommy girl pero hindi naman ako humihingi. Kapag nag-uusap lang kami ng kaluhuan sa buhay. Hindi pa kami nag-uusap ng Tita ko since October which is very unusual kasi lagi kaming magkatext (kahit ang mahal mahal ng text), fb chat, ym at skype. Hindi ko alam kung bakit nagkaganun. Nagkaroon kasi ng maliit na hindi pagkakaintindihan. Kaya nang iabot ito sa akin ng Daddy at sinabing “Galing sa Tita Flor mo” ang nasabi ko na lang “Wow. Naalala ako ni Tita.” Pagbukas ko, yun nga. Sobrang saya ko kasi hindi niya nakalimutan kung anong gusto ko. Nagagalit sila sa akin kapag bumibili ako ng mga kaluhuan kasi binibigyan naman daw nila ako at hindi ko rin kayang bumili nito sa ngayon kasi I’m broke.
Moreover, napakasaya ko kasi sa tuwing feeling ko, nag-iisa ako, bigla silang sumusulpot to make me feel loved. Though this past month, hindi ganoon. Pero that’s over. Happy ako! :p Sana happy rin kayo! :)
Yung pen pala ay ang pen na galing sa MOA meet-up.
No comments:
Post a Comment