Monday, December 20, 2010

        Ito ay kuha sa simbahan bago magsimula ang misa. Kapag nasa simbahan ako, umiikot ang mga mata ko sa paligid at sila ang nakita ko. Old couple. May binulong ang babae sa kasama niya at pagkatapos ay sumandal. Hindi ko napigilan at pinicture-an ko sila.
        Hindi maalis ang ngiti ko. Tuwang tuwa talaga ako. Sabi ng kasama ko sa akin, “Bakit ka nakangiti?” Itinuro ko sila at sinabing “Nakakatuwa sila noh?” Sinabihan lang ako ng“luka” ng mga kasama ko. Nabadtrip ako pero hindi ko na lang pinansin at patuloy pa rin ang panonood ko sa dalawa habang nag-uusap sila. Nakangiti ako at sa likod ng isipan ko,“Gusto ko rin, ganun.”
         Nang nasa van na kami sabi sa akin “Kaya hindi ka nagkakaboyfriend e. Mag-enjoy ka. Ang ganda mo at matalino tapos wala? Hindi kami naniniwala. Choosy ka.”
         Sanay na ako. Lagi nila yang sinasabi sa akin. Choice ko naman daw yun. Tama nga sila. Choice ko. Lagi kong sinasabi sa kanila na kung gusto ko lang magkaboyfriend for the sake of having one, e pwedeng pwede naman. Kayang kaya naman. Kaso hindi ganoon yung case. Ayokong makipagrelasyon para masabing may boyfriend lang ako.
         Manang na ako kung manang pero hanggang ngayon e gusto ko pa rin na ang magiging karelasyon kong una ang magiging huli. Hindi sa nagmamadali ako at hindi sa kinukulong ko ang sarili ko doon. Sa akin lang, saan ba nagsisimula ang pag-aasawa? Hindi ba sa pagiging magkasintahan? Kung makikipagrelasyon ako sa taong hindi ko mahal, anong sense noon? Naiisip ko, paano kung halimbawa, magbunga, e di napatali ako sa taong hindi ko mahal? Wala lang. Andami kong sinabi. Hahaha.
        Pagmamahal ang gusto ko, hindi basta lalaki lang na may toooot.

No comments:

Post a Comment