Ilang araw na akong nag-iisip kung ano pang pangyayari ang pwede kong ikwento para mailabas ang lungot at galit. Mahigit isang lingo na bago masundan nito ang huling kwento pero wala na akong maisip.
Tunay ngang ang tao ay tumatanda ay nababago ang pag-iisip at pag-unawa. Tumuntong ako ng kolehiyo nang hindi ka inisip masyado. Mas maayos nay un kaysa magkagulo tayo. Pero gusto kong malaman mo na kayo ko ginagawa ang lahat ng ito ay para rin sa ‘yo. Gusto kong maging matagumpay para maibigay sa ‘yo ang mga bagay na ipinagkait sa iyo ng tadhana.
Ina kita, anak mo ako. Yun ang mahalaga. Ang mga pasakit na naranasan ko ay nagbigay sa akin ng lakas. Habang tumatanda ako, nagpapasalamat ako dahil kung hindi dahil doon ay hindi ko makakayang lumaban nang may takot. Sigurop ay napariwara na ako. Salamat rin at kahit na ganoon ang mga nangyari sa atin ay binigyan ako ng lakas para malaman na sa paglipas ng panahon, sa mga sakit na naramdaman, mahal pa rin kita.
Wala na akong galit, matagal na yung nawala. Kinailangan ko lamang isulat ang lahat para alamin kung alin ba talaga ang nagbibigay sa akin pagkamuhi.
Sanay na ako na wala ka sa tabi ko pero hindi yun ang dahilan para hindi ko pangarapin na isang araw, makakasama rin kita. Hindi mo man nagawa ang mga dapat gawain ng isang ina, asahan mo na sa iyong pagtanda ay magiging anak mo pa rin ako. Hindi mo man ako naalagaan, aalagaan naman kita. Aakayin kita kapag nahihirapan ka ng lumakad. Hindi mo man ako nayakap at nahalikan, tandaan mong kapag magkasama na tayo, yayakapin at hahalikan kita ng pagmamahal.
Wala ako rito kung wala ka. Sa oras na magkasama tayo sa bahay na ibibigay ko sa iyo sa hinaharap, hindi ko hahayaang may kumuha pang muli sa ‘yo. Kayak o ng lumaban. Kaya na kitang ipaglaban. Kapag may umayaw pang muli sa ‘yo, wala kang kailangang gawin kundi matulog, ako ang bahala sa kanila.
Naalala mo ba nung pinag-uusapan natin ang mamanahing lupa noon? Masama ang loob mo pero ang sabi ko, huwag kang mag-alala kasi mabibigyan kita ng mas malaki pa roon. Hindi man iyo sa medaling panahon pero maibibigay ko yun sa iyo.
Patuloy akong umaasa sa muli nating pagsasama. Pagsasamang hindi panandalian lang. hindi pa huli ang lahat. Handa akong ipakilala sa iyo ang iyong anak na nawala. Handa akong maging isang batang babae muli sa piling mo. Mahal kita. Hangga’t may umaga, hangga’t may gabi, hangga’t akok’y may hininga, hindi magbabago yun. Salamat sa iyo. Sana ay mayakap kita ngayong Pasko.
Ito na ang huli sa kwentong Ina ko pero alam kong masusundan pa ito sa hinaharap. Tapos na ang kwento ng pighati at pasakit. Sa susunod, kwento naman ng pagmamahal at kaligayahan ng anak sa piling ng Ina. Sana ay malapit na.
No comments:
Post a Comment