Monday, December 20, 2010

SMP

        SMP ako ngayong Pasko. Hindi lang dahil sa wala kong boyfriend. Matagal na akong walang boyfriend kaya hindi yun ang dahilan para maramdaman kong malamig ang pasko ko. Ginagawa ko lang palusot na gusto kong magkaboyfriend. O sige, totoo, gusto ko. Pero bakit?
        Dahil ngayong pasko, wala na akong kasama. Ang Lola ko at Kuya Teddy (tito) na lagi kong kasamang magpasko at manood ng fireworks sa balkunahe ay wala na. Magkasama na silang magpapasko kasama ng may birthday na lumikha.
        Hindi rin naman siguro ako selfish na maghangad ng kaligayahan ngayong pasko kahit na hindi ko naman birthday at araw yun ng Panginoon. Pero hindi ba’t araw yun ng kaligayahan at pagmamahalan? Napakalungkot lang na sa araw na yun, wala na ang nagbibigay sa’yo ng kaligayahan at pagmamahal.
        Ang Tatay ko? Hindi ko alam. Hindi ko siya kilala. Oo nga’t may Ina ako pero andun. Kasama ng asawa at anak niya. Oo nga’t kasama ko ang Daddy (tito) dito sa bahay at mga pinsan ko at pamilya ng bagong kinakasama ng Daddy pero hindi kami close.
         Gusto ko lang maramdaman ang init ng pasko na hindi nagmumula sa mga pagkaing nakahanda sa mesa at sa mga bagay na nakabalot bilang regalo. SMP ako dahil wala akong boyfriend. Pero baka, baka lang naman, gusto kong magkaroon uli ng tao sa buhay ko na ipararamdam sa akin ang pagmamahal.
         Pero nagpapasalamat pa rin ako. Iniisip ko na lang na baka kaya nangyari ang lahat ng ito ay para imulat ko ang aking mga mata sa ibang bagay at makatagpo ng pagmamahal sa kanila. Masyado ko lang sigurong ikinulong ang sarili ko sa pagmamahal na hinahanap-hanap ko ngayon. Pero hindi mo ako pwedeng sisihin dahil tunay ang pagmamahal nila at sigurado ako doon.
        Sisimulan ko ang pagmulat. Katulad ngayon, hindi pa ako natutulog ay pumasok ang Daddy dito sa kwarto at sinabing sumama ako sa kanilang lahat. Sisimba kami sa Antipolo. Gising na sila dito. Nasa isang bahay pero may kanya-kanyang buhay. Bahala na. Sana maging masaya ang araw na ito. Paalam. Liligo muna ako. Mapagpalayang araw sa inyong lahat!
Naiinis ako sa taong plastic. Yung over! Pwede ka naman kasing magpakatotoo nang hindi nakakaapak ng iba. Kung masama ka talaga at totoong plastic, pwede naman kasi gumalang ka sa sangkatauhan. Pwede ka rin namang maging mabait nang tunay. Pero huwag naman yung masabi lang mabait e bait-baitan ka na para lang masabi na hindi masama ang ugali mo.
Pwede kang rumespeto ng ibang tao without losing your individuality. You don’t have to like someone you don’t really like. But please! Respect! Tao ang kaharap mo! Huwag na lang magcomment kung naiirita ka. At kung hindi mo na mapigilan, huwag kang manghihiya at manghahamak ng tao sa harap ng iba.

Colors of Life

         I am sick, literally and figuratively. I don’t know why such damn shits happen to me. I’m happy. Who said that sick people can’t be? It’s been a while when sadness just covered up the whole me. A long while.          I told myself that I would never let myself be stranded. And here I am, walking. I know time will come when I got nothing to do but to smile. That the world of dreams would be the reality I am about to live. That I can live life with less worries. It takes time and I have to adjust to it. There are 24 hours a day, I can’t change that so I’ll change for me not be left on the same location.          Healing is just coming to me slowly. I won’t forget all those things - the tears, the pain and the lessons. But I know I can accept everything. My downfalls are just downfalls. There’s no signboard that says “you have no right to stand up”. I know a lot of people love me.         Loss of one person does not mean loss of his/her love. I can smile again. I have not moved on but I am taking step. I cry often but I manage to smile after the tears. I’m a lot better now.         Fucking challenges can’t beat me. I was a loser maybe.. but I am coming back to face the world. I just had to lose to gain strength. I’m stronger now I think. If not, surely, I’m better.         If I fail, I’ll learn. If I win, jackpot. You just have to torture yourself to feel the pain so that in the future, you can tolerate it. Whoa, my momsy is surely happy that I grew up this way. (yabang) Nah, just trying to convince myself. hahaha.         I will live one day at a time but still wait for bonuses. I will chase after life and happiness will chase after me.. hahaha.         I just love this feeling, the feeling of realizations. Meron ba nun? Abno. Basta. I‘ll be better every step of the way. Sarap mabuhay. Iyak. Ngiti. Tawa. Lungkot. See, that’s how colorful life is. Colors are not just composed of bright ones, there are also dark sides. I have both. =)
        Ito ay kuha sa simbahan bago magsimula ang misa. Kapag nasa simbahan ako, umiikot ang mga mata ko sa paligid at sila ang nakita ko. Old couple. May binulong ang babae sa kasama niya at pagkatapos ay sumandal. Hindi ko napigilan at pinicture-an ko sila.
        Hindi maalis ang ngiti ko. Tuwang tuwa talaga ako. Sabi ng kasama ko sa akin, “Bakit ka nakangiti?” Itinuro ko sila at sinabing “Nakakatuwa sila noh?” Sinabihan lang ako ng“luka” ng mga kasama ko. Nabadtrip ako pero hindi ko na lang pinansin at patuloy pa rin ang panonood ko sa dalawa habang nag-uusap sila. Nakangiti ako at sa likod ng isipan ko,“Gusto ko rin, ganun.”
         Nang nasa van na kami sabi sa akin “Kaya hindi ka nagkakaboyfriend e. Mag-enjoy ka. Ang ganda mo at matalino tapos wala? Hindi kami naniniwala. Choosy ka.”
         Sanay na ako. Lagi nila yang sinasabi sa akin. Choice ko naman daw yun. Tama nga sila. Choice ko. Lagi kong sinasabi sa kanila na kung gusto ko lang magkaboyfriend for the sake of having one, e pwedeng pwede naman. Kayang kaya naman. Kaso hindi ganoon yung case. Ayokong makipagrelasyon para masabing may boyfriend lang ako.
         Manang na ako kung manang pero hanggang ngayon e gusto ko pa rin na ang magiging karelasyon kong una ang magiging huli. Hindi sa nagmamadali ako at hindi sa kinukulong ko ang sarili ko doon. Sa akin lang, saan ba nagsisimula ang pag-aasawa? Hindi ba sa pagiging magkasintahan? Kung makikipagrelasyon ako sa taong hindi ko mahal, anong sense noon? Naiisip ko, paano kung halimbawa, magbunga, e di napatali ako sa taong hindi ko mahal? Wala lang. Andami kong sinabi. Hahaha.
        Pagmamahal ang gusto ko, hindi basta lalaki lang na may toooot.
Huwag mo akong itulad sa iba mong kakilala. May sarili akong pangalan, may sarili akong ugali at may sarili akong pinagdaanan. Kung hindi mo magustuhan, sorry, kung hindi ka lang din naman importante, wala kang magagawa. Kilalanin mo muna ako bago mo gustuhing baguhin ako at igaya sa iba.
         Masakit kapag sinabi sa’yo ng isang taong mahal mo na hindi ka niya mahal di ba? Parang dinudurog ang buo mong pagkatao. Pansamantala kang mawawalan ng ganang kumain, bumangon, parang ayaw mong kumilos. Iiyak ka na lang sa kwarto. Magpapagupit. Magpapamanicure, pedicure. Kailangan maganda ka para hindi mahalata ang bitterness sa mukha mo.
           E paano kung hindi niya sabihing mahal ka niya pero wala rin naman siyang sinasabing hindi ka niya mahal? Araw-araw kang nahuhulog sa isang balon at hindi mo alam kung may sasagip ba sa’yo. Hindi ka makaiyak kasi hindi mo alam kung anong iiyakan kahit na hirap na hirap ka na at gustong sumigaw. Nasasaktan ka pero kapag tinanong mo ang sarili mo kung bakit, hindi ka makahanap ng kasagutan. Nagagawa mong kumain pero napapatigil ka na lang at napapatanong kung may inaasahan ka ba. Araw-araw kang bumabangon kasama ng pag-asang mamahalin ka niya.
           Paano kung wala siyang sasabihin? Wala lang. Naisip ko, mas mabuti pang sabihin na lang niya na hindi ka niya mahal kaysa araw-araw kang lalabas ng bahay, maglalakbay, pero hindi alam kung saan patutungo. May sakit na nararamdaman pero wala kang masisi at wala kang mahanap na tamang dahilan para sa mga luhang pumapatak mula sa iyong mga mata.
            Minsan, mas mabuting pang harapin ang masakit na katotohanan kaysa hindi malaman kung alin ang totoo at hindi.

Ina – Pagtatapos ng Pasakit at Pighati

          Ilang araw na akong nag-iisip kung ano pang pangyayari ang pwede kong ikwento para mailabas ang lungot at galit. Mahigit isang lingo na bago masundan nito ang huling kwento pero wala na akong maisip.
           Tunay ngang ang tao ay tumatanda ay nababago ang pag-iisip at pag-unawa. Tumuntong ako ng kolehiyo nang hindi ka inisip masyado. Mas maayos nay un kaysa magkagulo tayo. Pero gusto kong malaman mo na kayo ko ginagawa ang lahat ng ito ay para rin sa ‘yo. Gusto kong maging matagumpay para maibigay sa ‘yo ang mga bagay na ipinagkait sa iyo ng tadhana.
           Ina kita, anak mo ako. Yun ang mahalaga. Ang mga pasakit na naranasan ko ay nagbigay sa akin ng lakas. Habang tumatanda ako, nagpapasalamat ako dahil kung hindi dahil doon ay hindi ko makakayang lumaban nang may takot. Sigurop ay napariwara na ako. Salamat rin at kahit na ganoon ang mga nangyari sa atin ay binigyan ako ng lakas para malaman na sa paglipas ng panahon, sa mga sakit na naramdaman, mahal pa rin kita.
           Wala na akong galit, matagal na yung nawala. Kinailangan ko lamang isulat ang lahat para alamin kung alin ba talaga ang nagbibigay sa akin pagkamuhi.
           Sanay na ako na wala ka sa tabi ko pero hindi yun ang dahilan para hindi ko pangarapin na isang araw, makakasama rin kita. Hindi mo man nagawa ang mga dapat gawain ng isang ina, asahan mo na sa iyong pagtanda ay magiging anak mo pa rin ako. Hindi mo man ako naalagaan, aalagaan naman kita. Aakayin kita kapag nahihirapan ka ng lumakad. Hindi mo man ako nayakap at nahalikan, tandaan mong kapag magkasama na tayo, yayakapin at hahalikan kita ng pagmamahal.
           Wala ako rito kung wala ka. Sa oras na magkasama tayo sa bahay na ibibigay ko sa iyo sa hinaharap, hindi ko hahayaang may kumuha pang muli sa ‘yo. Kayak o ng lumaban. Kaya na kitang ipaglaban. Kapag may umayaw pang muli sa ‘yo, wala kang kailangang gawin kundi matulog, ako ang bahala sa kanila.
           Naalala mo ba nung pinag-uusapan natin ang mamanahing lupa noon? Masama ang loob mo pero ang sabi ko, huwag kang mag-alala kasi mabibigyan kita ng mas malaki pa roon. Hindi man iyo sa medaling panahon pero maibibigay ko yun sa iyo.
           Patuloy akong umaasa sa muli nating pagsasama. Pagsasamang hindi panandalian lang. hindi pa huli ang lahat. Handa akong ipakilala sa iyo ang iyong anak na nawala. Handa akong maging isang batang babae muli sa piling mo. Mahal kita. Hangga’t may umaga, hangga’t may gabi, hangga’t akok’y may hininga, hindi magbabago yun. Salamat sa iyo. Sana ay mayakap kita ngayong Pasko.
           Ito na ang huli sa kwentong Ina ko pero alam kong masusundan pa ito sa hinaharap. Tapos na ang kwento ng pighati at pasakit. Sa susunod, kwento naman ng pagmamahal at kaligayahan ng anak sa piling ng Ina. Sana ay malapit na.

Tuesday, December 7, 2010

Ina - Pasubali


           Apat na taon akong namuhay sa sekondarya na wala ka. Sumaya ako, nalungkot, nagmahal at nasaktan nang wala ka.
          Tanggap ko na noong simula pa lamang na haharapin ko ang buhay na ito na hindi ka kasama at wala akong inang matatakbuhan. Kailanman ay hindi nahalata sa akin ang pangungulila sa’yo kahit na nalulunod na ang aking puso sa luha sa paghahanap ng kalinga mo.
          Hindi madali. Kailanman ay hindi naging madali ang mawalan ng magulang ang isang nagdadalaga o kahit nagbibinatang anak ngunit pinili ko pa ring maging masaya.
           Masakit na mas alam ng mga kaibigan ko ang mga pinagdadaanan ko. Oo nga’t ganoon naman talaga sa buhay, mas marami pang alam ang mga kaibigan kaysa sa pamilya. Pero alam mo rin naman na hindi ako naniniwala sa ganoon. Dahil ang kaibigan, nawawala yan at sa darating na panahon, magkakaroon ng sariling pamilya. Paano ako ngayon kapag nangyari yun?
           Galit lang ang naramdaman ko sa’yo sa apat na taon ko sa hayskul. Galit na kinimkim at nagkubli ng pagasa na sana, hindi pa huli ang lahat.
           Napakasakit na magulang pa ng kaibigan mo ang nakakaalam ng mga problema at pangangailangan mo gayong ikaw naman ay buhay na buhay. Ayaw kitang makita o makausap dahil sa tuwing nangyayari yun, nag-aaway lamang tayo.
          Dumating ang aking pagtatapos. Sa pagkakataong ito, pinili kitang makasama sa entablado. Ikaw naman ang may ayaw ngayon. Sabi mo nagsisisi ka. Hindi mo nakita kung gaano ako kahalaga at pakiramdam mo ay hindi ka nararapat para umakyat kasama ko sa entablado para abutin ang diploma ko. Gayunpaman, hindi mo ako natanggihan.
          Apat na taon na wala ka. Apat na taon ng pangungulila. Apat na taon ang lumipas na kinalimutan mong may anak ka sa katauhan ko. Natapos ang apat na taon at sa huli, ikaw pa rin ang pinili ko. Sa araw na yun, kinalimutan ko ang lahat. Binigyan kita ng pagkakataon. Pagkakataon na hindi kita binigyan ng anumang pagpipilian kundi ang gusto ko.
           Pasasalamat na lamang ang nagsuma ng aking nararamdaman. Iniwan mo ako pero marami akong natutunan. Nagawa kong tumayo sa sarili kong paa. Natuto akong harapin ang maliliit hanggang sa malalaking problema. Bagay na hindi mo inaasahan sa ganoong edad. Wala akong pinagsisihan. Natuto ako, yun na lamang ang pasubali ko.

Thursday, December 2, 2010

          I always tell myself “and so what if you’re single? You’ve been single and lived this world for almost 20 years and now you’re complaining of being single? You must get used to it!” But I know, quite sure, that the reason behind was just to convince myself not to frown by having no one.
         Twenty years of being single? Does the first 16-year span count? Of course not! And I think I have a better reason now to complain because I think I am on my right age to commit in a romantic relationship. A real relationship and not just flirting and mingling.
         Somewhat I am curious about the feeling, about the set-up of what they call “being in a relationship”. I want to experience the happiness almost everyone is talking about. I want to execute the real smile with the “kilig glow” on my eyes.
         I admit it, being not involved lessens my self-esteem. I feel ugly and unworthy. Do I not look good? Don’t I possess the characteristics of a girlfriend? Questions like those make me sadder.
        Am I not ready yet? I don’t think so. Why are there high school teenies who are, at very young age, already get involved? And not only that, they tend to manage to make the relationship last. 
        Now, I don’t know what I am saying. Maybe, just maybe, I am tired of being alone.

Ina - Isang Pagkakataon

          Naaalala ko noong nasa ikalawang taon ako ng hayskul, umuwi ako isang hapon na wala pa ang Inay kaya wala akong meryenda pa. Hindi sanay ang aking katawan sa ganoong sistema, ang walang pagkain habang nanonood ng Doraemon.
           Napansin mong hindi na ako mapakali at natatalo na ng gutom. Makikita mo yan sa aking mukha. Kaya naman kumuha ka ng pera at bumili ng hamburger para sa akin at para kay Totoy.
           Unang kagat ko, may narinig akong mangol (ungol ng pagrereklamo). Pinahinaan ko ang volume telebisyon para alamin kung ano yun.  Sinundan ko ang nakakairitang tinig. Dinala ako ng aking mga paa sa labas. Asawa mo pala. Galit na galit sa akin ang mga matang nanlilisik. Hindi ko alam kung bakit ganoon kaya ako itong maldita, nagtanong,“Bakit ganyang kang makatingin ha?”
          “Putangina mo!” Yan ang sagot niya sa akin. Hindi ko alam ang gagawin ko. Nabalot ako ng takot pero hindi ko pinahalata. Sa kanya mo pala kinuha ang pinambili mo ng kinakain ko. Hindi ako nagpatalo, binato ko sa mukha niya ang pagkaing ipinagdadamot niya. “Putangina mo rin! Halagang bente pesos, papatayin mo ako sa sarili naming bahay?”
           Sumugod siya papalapit sa akin upang ako’y saktan. Nawala ang takot ko nang maramdaman kong ang mga braso mo ay nakapalibot sa akin. Yakap mo ako. Sa halip na pagtuunan ko ng pansin ang lalaking dapat ay mananakit sa akin, sa halip na matakot ako, natuwa ako. Para akong lumulutang sa sarap ng pakiramdam ng katawan mong nakabalot sa katawan ko. Para akong bumalik sa pagiging sanggol at sa pang-iilan lamang na pagkakataon, naramdaman kong mahal mo ako.
          Itinulak mo ako palayo at sinabing “Takbo sa Daddy mo!” at dali-dali nga akong tumakbo papunta sa Daddy (Tito). “Daddy! Si Bingo!” Hindi na nagtanong ang Daddy at pumunta na sa bahay. Sumunod ako. Nakita kong sinusuntok ng Kuya Teddy (Tito rin) si Bingo habang sinasaktan ka niya. Kumurap lang ako at nakita ko ang lalaking nananakit sa atin na nakahiga at nanghihina habang ang Kuya Teddy, Daddy, Kuya Oca at ikaw, nakatayo at kinakamusta ako.
         Hindi ako mahilig sa dahas pero masaya ako noong araw na yun. Pakiramdam ko, andaming nagmamahal sa akin. Wala man akong ama, may tatlo namang lalaking tumayo para protektahan ako. At sa iilang pagkakataon, naramdaman ko ang mga yakap mo. At sa unang pagkakataon, sa kaisa-isang sandaling iyon, naramdaman ko ang pagiging ina mo sa akin.

Wednesday, December 1, 2010

Ang bait ni Papa God. Ayaw niya talagang matapos ang araw ko na malungkot ako. Well, bukod sa nagtext ang crush ko kaninang tanghali (uuuy, may clue), at malamig ang panahon sa Lipa, at marami akong kinain (bago pa ba toh?), ay may natanggap ako. Eto:
Yeah. A Tommy Girl perfume from my Tita. Materialistic much? Yuuh. Hindi naman sa ganun. Ang Tita ko kasi ay nasa Germany.  I told her once na I want a Clinique happy perfume or a Tommy girl pero hindi naman ako humihingi. Kapag nag-uusap lang kami ng kaluhuan sa buhay. Hindi pa kami nag-uusap ng Tita ko since October which is very unusual kasi lagi kaming magkatext (kahit ang mahal mahal ng text), fb chat, ym at skype. Hindi ko alam kung bakit nagkaganun. Nagkaroon kasi ng maliit na hindi pagkakaintindihan. Kaya nang iabot ito sa akin ng Daddy at sinabing “Galing sa Tita Flor mo” ang nasabi ko na lang “Wow. Naalala ako ni Tita.” Pagbukas ko, yun nga. Sobrang saya ko kasi hindi niya nakalimutan kung anong gusto ko. Nagagalit sila sa akin kapag bumibili ako ng mga kaluhuan kasi binibigyan naman daw nila ako at hindi ko rin kayang bumili nito sa ngayon kasi I’m broke.
Moreover, napakasaya ko kasi sa tuwing feeling ko, nag-iisa ako, bigla silang sumusulpot to make me feel loved. Though this past month, hindi ganoon. Pero that’s over. Happy ako! :p Sana happy rin kayo! :)
Yung pen pala ay ang pen na galing sa MOA meet-up.