Isa sa pinakamahirap na sitwasyon ay kalabanin ang sariling nararamdaman.
Tanda ko noong high school ako, may bestfriend akong lalaki. May gusto siya sa kaibigan kong super close ko rin. Gusto rin naman siya ng kaibigan ko. Seatmate ko si boy so sa akin siya palaging nagkukwento ng kung anu-ano. Hingahan kumbaga. Naging sila. Lumalabas ang barkada kasama si Best. After a month, nagbreak sila kahit na gusto pa rin naman nila ang isa’t isa. No comment na lang ako.
Nagcollege na kami’t lahat e walang salita mula sa akin tungkol sa kanila. One time, may get together kami. Magkatabi kami ni Best. Biglang nagtanong ang isang kaibigan, “Ache, so ilang months?” I was caught off guard at sumagot ako ng“8months ata”. Tawa sila ng tawa. Natauhan ako, sabi ko na lang “Ang bait niyo talaga!” Ngumiti na lang si Best sa akin.
“Nakaya mo yun? Ilihim? Na kahit kanino e hindi mo sinabi? Pero siyempre halata naman namin!” Oo, may gusto rin ako kay Best. Wala akong pinagsabihan. Ayokong masaktan ang kaibigan ko at ayokong magkailangan kami ng bestfriend ko. Nakaya ko naman e pero mahirap.
High school at early college life pa yan pero ganoon pa rin ngayon. mahirap pa rin kalabanin ang sariling nararamdaman lalo na kung kaibigan mo ang involve. Hindi mo alam kung anong gagawin mo.
ahahah..."nakaya mo yun? ilihim? na kahit kanino e hindi mo sinabi? pero syempre HALATA NMAN NAMIN!"... masarap lng ulitin... ahahah..ok lng un, next time umamin k n, para nman hindi laging unfair sayo.. :P
ReplyDeleteHahahaha. So kailangan inuulit? Si Angge ata ang nagsabi niyan o si Yconne o Alem. Ewan. Hindi ko na matandaan e. Hahahahaha. Naku, ngayon e liipas na e hindi pa inaamin. Hahaha.
ReplyDelete