Wednesday, February 23, 2011

Virus

           The photo was taken last 12th of July in 2009. I was diagnosed to have a viral infection and was isolated for a week. Oo, naquarantine ako noong kasagsagan ng Ah1N1. Nakuha ko lang yan sa classmates ko. Hindi ako makabyahe noon pauwi ng Lipa dahil bawal so I had to stay in our apartment and in consequence, lahat ng housemates ko ay nahawaan at naquarantine kaming lahat. Pero parang wala lang. Hindi kami makabangon lahat pero masaya. Bonding ba. Hahaha. Sobrang gastos. Ang daming gamot. Tapos may URTI pa kami. Ayos lang e. Instant vacation. I was not able to attend classes for almost two weeks. At nung pumasok ako para mag-exam, nagchichill ako at namumutla so pinapauwi na ako ng prof ko pero tinapos ko pa rin ang exam, sayang ang effort e. Tapos pumasok na ako sa pag-aakalang magaling na and oh lala! I fainted so pinauwi na naman ako at baka magkalat pa ako ng lagim at wala ng pumasok sa mga Food Tech students noon.
          Ayun na ata ang pinakamalala kong sakit at pinakamatagal next sa UTI na hindi ako nagpaconfine sa infirmary sa takot na walang mag-aalaga sa akin at ayoko nang nakaswero kahit pa sobrang dehydrated na ako noon. Sinundo ako ng Daddy noon at hindi ko malilimutan na sa kalagitnaan ng pagtatalo namin tungkol sa pagpapaconfine ko e binuksan ko ang pinto ng kotse para sumuka. Sumusuka ako habang umaandar ang sasakyan at saka pa lang itinigil ng Daddy dahil hindi niya agad napansin. Hahaha.
         Hindi ako sakitin e. Ewan ko ba. Malas ko na kapag nilagnat ako sa loob ng isang taon pero simula noong 2009 e medyo malimit na akong dalawin ng sakit ng ulo. Sign of aging siguro. Hahaha. Or yeah, bad lifestyle.
         Ngayon, noong Monday pa ako nilalagnat at parang bagong taon ang kung pumutok ang bawat ubo ko. Dehydrated uli so mega gatorade, as usual, ang payo. Ayoko pa naman ng gamot. Nilalagnat ako pero gumagaling agad nang hindi umiinom ng gamot. Sabi ko dati, psychological lang yan, hindi ko kasi iniisip na may sakit ako kahit meron e parang wala. E ngayon, hindi e. Sama ng pakiramdam ko talaga.
         Dami kong sinabi.

No comments:

Post a Comment