Wednesday, February 23, 2011

Pulitika

Nagpakamatay ba talaga si Angelo Reyes? O pinatay? Ewan. Yan kagad ang usapan namin ng Daddy matapos kong kunin ang isang box ng cloud9 na dala niya bago pa man siya bumaba ng sasakyan. Pareho lang kami ng nasa isip. Matanda na siya (65 di ba?). May kasalanan man siya o wala, naniniwala kami ng Daddy na ginawa niya yun para sa kanyang pamilya.
           Sinong hindi mapapraning na habulin na taumbayan? Kapag ka nga may multo e hindi mo na alam ang gagawin mo. Hindi mo man alam kung totoo o hindi e mapupuno ka ng takot at parang gusto mo na lang tapusin ang buhay mo kesa buhay ka nga pero pinapatay ka naman ng takot.
            “Mabuti na rin yun kesa makulong siya habambuhay at mamatay sa kulungan. Pareho lang maghihirap ang pamilya niya”sabi ng Daddy. Hindi ko alam pero kung may kasalanan man siya (malamang meron), nakakaawa ang pamilya niya. Sa kahit anong paraan. Kung buhay siya, malamang makakatanggap siya pati na rin ang malalapit sa kanya ng dead threats. Sigurado yun. Mula kasi noong makausap ko ang kapatid ni Jun Lozada, medyo nag-iba rin ang pananaw ko. Ang kapatid ni Lozada ay medyo malapit sa amin dahil orgmate namin siya. Sabi niya noon, mahirap nga raw lumugar. Hindi na rin daw suhol ang pinag-uusapan doon dahil sapat o labis na naman ang kanilang kinikita pero yung buhay. Buhay ang pinag-uusapan. Mahirap kapag ang buhay niyong lahat ay hawak ng mga mapang-abuso at makapangyarihan tulad ng isang bubwit noon na nakaupo.
          Sa case ni Reyes, maniniwala pa ba akong matatapos ang kasong yun kung may mga taong pinapaikot lang sa kanilang mga kamay ang imbestigasyon? Vizconde massacre nga e inabot ng mahigit isang dekada pero hindi pa rin masabing may closure e. 
          Hindi sa nawawalan ako ng tiwala at pag-asa para sa Pilipinas, yan ang bagay na hindi mawawala sa akin. Nawawalan ako ng tiwala sa pagkatao ng mga nagpapatakbo ng Pilipinas. Iba’t ibang katawan lang pero iisang budhi naman. Haaaaay.

No comments:

Post a Comment