
Hindi ako maarte sa mukha. Ni hindi mo nga ako mapapagpulbo noon. Hindi rin ako gumagamit dati ng facial wash. Water lang talaga. Pero pagdating ko ng college, nagbago ang lahat. Hindi naman gaano. Pero nagpapowder na ako. Bilang magmimistulang ginisa talaga ng mukha mo sa sobrang kainitan sa Los Baños. Oo, college na ako nang magsimulang gumamit ng powder. Freshman din ako nang una akong nagnail polish. Nakakatuwa pala yun noh? Kada linggo, iba iba ang kulay ng kuko. Pero lagi akong may baon na acetone kasi kapag nakita ng lab instructor ko sa Chemistry at Biology na may kulay ang kuko ko, patay na. Hindi ako makakapagexperiment.
Old freshman ako nang unang gumamit ng eyeliner. Kailangan ko pang magpractice magdamag dahil naiiyak ako sa tuwing gagamit ako nun. Sinanay ko talaga. Tanda ko, sabi ko pa sa housemates ko noon “Hindi ako titigil hangga’t lumuluha ako.” Hahaha. Ayun, so nag-eyeliner na rin ako.
Pero hindi pa rin ako nagmemake-up. Ang hassle kasi e. Nakakatamad at parang ganun pa rin naman ang itsura ko. Haha. Tapos biglang nagpapadala na ang mga Tita ko ng mga make-up at kung anu-anong burabong pangmukha. Wala. Deadma pa rin. Naeexpire lang dito sa bahay. Tapos, yun nga, bunga ng kaartehan, sinubukan ko. Sayang naman kasi. At naalala ko nung bata ako, nilalagyan ko ang mukha ko ng eyeshadows. Tapos malalaman kong watercolors pala ang gamit ko. HAHA. Late ko nang nalaman.
Sabi ng Tita ko, bakit daw ang arte ko. Ay leche pala e. E bakit nagpapadala ng mga kaartehan tapos ayaw pala akong mag-inarte? Tapos tatawa na lang sila. Gusto lang pala nila akong mag-ayos bilang tomboyin nga ako noon pa.
So yun, naglalagay na ako ng kaartehan sa mukha kapag maaga akong nagigising at kapag may oras pa ako. Pero kalimitan, wala rin. Mas gusto kong pumasok nang nakapambahay lang. Nakatsinelas, shorts, basta, ganun lang. Parang mamamalengke lang. Simple lang din naman ang mga kasama ko sa elbi e:

Third year o fourth year na ata ako tuluyang naging babae. Nagsusuot na ako ng skirt. Pambabae na ang mga kulay. Gumagamit na ako ng shoulder bags at hindi puro buddy bag rin. Pero ang pinakapaborito kong attire noon ay shirt, skirt, tsinelas tapos nakabackpack:

Fourth year na ako nang sumali sa isang sorority. Unang dahilan ko ng pagsali ay para magkaroon ng motivation para mag-ayos ng sarili. Oo. Kilala kasi ang sorority na yun sa pagiging maaayos ng members. E parang naisip ko na kailangan talagang mag-ayos na ako at mapilitan na. Ayun. Bilang nakakahiya ring tumabi sa naggagandahan kong sisters e kailangan ko mag-ayos. May tamang kulay ng bag o sapatos o palamuti. So pumapasok na ako nang maayos at hindi mukhang pupunta sa palengke. Pero hindi pa rin ako mamake-up masyado. Hindi ako masyadong marunong e at saka, nakakatamad. Hahaha.
At saka kapag minsan, lumalabas rin ako ng nakapambahay lang. Nagtatago na lang ako kapag may soro sis. HAHA. Sabi ko kasi noon, sasali ako pero hinding hindi ko hahayaang mawala ang individuality ko na isa rin naman sa pinapahalagahan namin sa samahan. E yun nga, boyish ako e. Lalaking nakabistida minsan. :))

Pero nagbago lang naman ang pananamit ko marahil (minsan), hindi ang individuality ko. One of the boys pa rin ako. :))
No comments:
Post a Comment