Friday, April 8, 2011

Para kang hindi babae!

          Mahirap magmove-on mula sa unexpressed feeling or unsaid. Ito naman ay para sa akin, ewan ko sa iba. Nahihirapan ako e. Pakiramdam ko hindi ako makausad kapag alam ko na hindi man lang nalaman ng taong mahal ko ang nararamdaman ko. Masakit na nga na hindi naging kami tapos hindi niya pa nalaman? Saklap naman. Minsan okay rin yun. Pero sa akin hindi. Hindi ako makamove-on talaga. 

         Isang beses pa lang atang nangyari sa akin na hindi ko nasabi ang nararamdaman ko. Nasabi ko pa rin naman pero masasabi kong nakamove-on na ako. Pero sinasabi ko, natagalan ako bago makausad. Anong bago? Lagi naman akong ganito e. E bakit kamo sinabi ko pa kung okay na naman ako? Hmm. Ayoko lang kasing mamuhay sa bitterness o pagsisisi. Na hindi ko man lang nasabi o wala naman siyang alam. Yung mga bagay na ikabibigat pa namang loob ko sa hinaharap. So yun, sinabi ko na rin.

        Ako rin yung tipo ng tao na ayaw ipadaan sa iba ang pagsasabi ng nararamdaman. Yung ipapasabing mahal ko siya. Ayoko nun. Alam kong mahirap lalo na’t babae ako pero mahirap kasi kapag pasa-pasa pa e. Nababawasan ang sinseridad o rarami pa ang makikisawsaw hanggang sa maapektuhan na ang desisyon niyo na dapat ay kayo lang dalawa sana ang may obligasyon.

         Nasanay na akong ganoon. Sinasabi ko. Pero kalimitan, natatagal at umaabot pa sa sitwasyong nasasaktan na ako. Hindi naman kasi madali yun. Ang hirap humugot ng lakas. Pero naiisip ko na lang,  nahihirapan at nasasaktan rin naman ako e di sabihin ko na kaya? Ano kung hindi niya ako gusto? Siyempre masakit pero kung hindi ko sinabi e di ba masasaktan lang din ako? Pareho lang e.

          “Para kang hindi babae!” Yan ang norm. Ganan ang reaksyon ng iba. E bakit? Ano ba talaga ang kahulugan ng pagiging isang babae? Hindi ako dalagang Filipina? E ano ako? May nasasaad ba sa konstitusyon ng Pilipinas na bawal magpahayag ng pag-ibig o nararamdaman ang isang babae sa isang lalaki? Wala naman e. Well, kilos lalaki naman ako matagal na pero kung ikababawas ng pagkababae ko ang paniniwala kong yun e baka bago ako mamatay ay lalaki na ako.

         Masarap sa pakiramdam ang masabi mo sa isang tao ang nararamdaman mo. Mahirap. Minsan masakit. Ang hirap ring kumuha ng tiyempo kasi hindi mo alam kung seseryosohin ka o hindi. Pero kapag nagawa mo, grabe, mahalin ka man niya pabalik o hindi, masaya na rin. Kasi ikaw mismo ang nagsabi sa kanya at hindi niya yun nalaman sa kuro-kuro lamang. Yung tapang, takot, hiya, andun na lahat pero ipinahayag mo pa rin.

         E kung nabawasan man ang pagkababae ko e ayos lang. Siguro naman hindi nabawasan ang pagkatao ko.

No comments:

Post a Comment