Love. Lovelife. Boyfriend. Girlfriend. Syota. Partner. Hindi ako makagawa ng post about sa ganito ngayong mga araw (maliban siguro dito). Sabi ko, pagkagrad ko, magboboyfriend na ako. Ngayong tapos na ako, hindi pa rin talaga. Mas gusto kong magkatrabaho muna. Hindi dahil walang choice kasi pwede ka namang magboyfriend kung gusto mo. Kumuha ka ng tambay then ohlala, may syoooowtah ka na.
But you see, there’s more to life than being bitter having no partner. O siguro tumatanda na lang talaga ako. Ngayon, alam ko nang tama ang lola ko, mas madali na ang lahat kapag nakatapos ka na at may trabaho. Pero siyempre, ano nga ba namang madali sa buhay na ito?
“May gusto siyang iba, huhuhu.” “Hindi niya ako mahal, ajujuju.” ” Hindi siya nagreply, uha uha uha” and then you start to torture yourself. Hindi kakain. Matutulog na lang maghapon. Iiyak. Mag-ggm. Tutulog, kakain, iiyak. Ayos lang pero you must know when to stop. Not everything is meant to go on forever. Phase lang yan. Napasa mo na ba ang mga exams mo? Kung high school ka, alam mo na ba kung anong course ang gusto mo? Kung saang unibersidad ka papasok? Pagkatapos nun, anong trabaho ang papasukin mo? Kapag nalaman mo ang mga sagot, marami pang kasunod yan tulad ng ‘paano’, ‘saan’, ‘kailan’ at kung anu-ano pa.
Oo nga’t iba ang saya na naidudulot ng may kasintahan o ng taong may minamahal pero kung wala e di wala muna. Huwag gumawa ng patibong para hindi ka lalo makusad sa buhay mo. Sa buhay hindi lang sa pag-ibig.
Tumatanda na ako at pinaghahanapan na ako ng kapareha pero paano? Mahirap ipilit ang hindi pwede. Ayoko pa siguro talaga pero lumalabas naman ako kasama ng lalaki. kung maging kami e di kami pero kung hindi, bahala siya, basta ang gusto ko, makapagtrabaho, mapag-aral ang kapatid ko. Darating din naman siguro ang panahon na masasabi ko sa sarili ko na yun na lang ang kulang at di saka iyon, magnonovena ako para umulan ng lalaki.
Takot akong malamon ng kasiyahan at pagkatapos, kapag hindi nagwork-out, maiiwan ako sa isang tabi - naghihirap, walang trabaho, hindi nakatapos, bitter, galit sa mundo, lahat na. Kailangan ko ng isang mangingibig o sampu para mas masaya pero marami pang bagay na mas kailangan ko kesa sa isinusulat sa mga telenobela. Uunahin ko muna kung saan ako mas sigurado at yun ang buhay ko na hawak ko, ang fulfillment na galing sa sarili ko at hindi sa iba e di saka yung galing sa iba. Sinong makapagbibigay sa akin ng mga kailangan ko kung hindi ko naman alam ang mga ito? Sinong magtiyatiyaga sa akin kung ako mismo e pinababayaan ang sarili ko?
All we ever wanted is everything and sometimes, to get everything, you must to start on something first.
No comments:
Post a Comment