Totoo bang maliit ang mundo? Nakasisiguro ka ba sa mga sinasabi mo? Siguro nga tama ka.. maliit ang mundo. Oo.. Ito ay sa kadahilanang siya ay aking natagpuan sa lugar na hindi ko inaasahan. Siya na hindi ko kilala pero lagi kong gustong makita. Siya na hindi ko kaanu-ano pero ngayon ay bahagi na ng aking mundo. Ganan kaliit ang mundo. Isang bagay na hindi mo inaasahan na magiging bahagi ng buhay mo ay bigla mo na lamang matatagpuan sa iyong harapan.
Pero bakit ganun? Maliit ang mundo dahil siya ay aking nakita. Gaano ba ito kaliit? Akala ko ba maliit? Pero bakit sa tuwing katabi ko siya ay para bang ang layo niya? Para bang hindi ko siya matanaw kahit na siya ay akin lamang abot-kamay. Sinong nagsabi na maliit ang mundo? Paano ito magiging maliit kung ang isang bagay na natagpuan mo sa mundong sinasabi ay katabi mo lamang ngunit hindi mo ito mahawakan man lang o mayakap? Bakit sa tuwing ayaw mo siyang makita ay nariyan siya? Dahil ba ang katotohanan ay gusto mo siyang masulyapan at itinatanggi mo lang ito sa mundo? Bakit sa tuwing gusto mo siyang makita ay wala siya? Dahil ba ayaw mo lang talagang makita ang bagay na bumabalot sa iyong kaisipan sa tuwing ikaw ay nagiisa? O talagang ganan lang? Anong ganan lang? Ewan ko din.
Paano mo nga ba maiiakma ang mundo? Maliit ba o malaki? O baka naman ang mga damdamin ng mga nakatira dito ang naglalapit at naglalayo sa mga bagay bagay? Ano sa palagay mo?
This entry was posted on Wednesday, July 12th, 2006 at 2:07
No comments:
Post a Comment