Sunday, August 15, 2010

Walang may alam

       Sino ba sa inyo ang nakaaalam kung anong aking nararamdaman? Mayroon bang may alam kung gaano ako nasasaktan sa bawat pangyayari? Mayroon ba sa inyong may ideya kung anong pinagdadaanan kong hirap bawat araw? Kung gaano karaming luha ang pumapatak mula sa aking mga mata sa tuwing ako ay nag-iisa? Wala. Walang may alam
      Ang sa akin lang, huwag ninyo akong husgahan at lalo ng huwag nyo akong maliitin dahil wala kayong ideya sa kung anong pinagdaanan ko at pinagdadaanan ko… Siguro akala ninyo marami kayong alam tungkol sa akin dahil sa mga kwento ko pero wala pa yun sa ni kalahati man lamang ng hinagpis na nasa kaibuturan ng aking puso… Wala rin kayong alam kung paano ako nasasaktan sa mga pangmamaliit na ibibato ninyo sa aki Pero salamat na rin dahil nakakatulong naman ang mga ito upang ako ay mas maging malakas.. Maging matapang sa pagharap ng bagong unos ng buhay.
      Hindi ko ninais na ako ay makatanggap ng mga pangungutya Sino nga bang may gusto nun? Ngunit hindi ko kayo masisisi dahil alam kong kayo ay tao rin. Marahil nga ay laging nagkakamali ang tao pero sa tingin ko ay maaari naman itong bawasan o iwasan kung gagawin lamang natin ang mga bagay bagay na madali nating nasasabi. Inaamin ko, marami akong bagay na ginawa na nakasakit ng iba. Ngunit sa mga pagkakamali kong iyon ako natututo. Sana lahat tayo ay ganoon. Ayaw kong ako ay laitin at ganoon rin naman kayo kaya sana bago tayo magkalaitan ay humarap muna tayo sa salamin at pagmasdan ang sarili… itanong natin: “perpekto ka ba?! wala ka bang kalaitan?!” maling sabihin na hindi natin alam ang kasagutan sa katanungang iyon sapagkat wala nang ibang makasasagot noon kung hindi tayo rin. Kung hindi natin kilala ang ating mga sarili ay lalo na sila sa atin. Kung sa bagay, bawat tao ay may kanya-kanyang dahilan sa mga kilos na kanilang ginagawa. Walang nakakaaalam kung ano talaga ang dahilan ng ating mga pagkakamali.. walang nakaaalam kung gaano tayo naghihinagpis.. kung gaano tayo nasasaktan.. kung gaano tayo nalalait… wala wala. WALA, KUNDI ANG ATING MGA SARILI LAMANG….

This entry was posted on Tuesday, August 30th, 2005 at 10:21 pm

No comments:

Post a Comment