Maraming bagay sa mundong ito ang mahirap intindihin o talagang hindi mo maintindihan. May mga bagay na akala natin ay ayos na. May mga taong akala natin ay nagbago na. Yan. Ganyan ang buhay. Maraming pag-aakala…
Marami ring katanungan ang bawat isang nilalang sa mundong ito. Bakit ba ganito ang nangyayari? Bakit ganoon? Paano na?
May mga bagay na tunay na mapanlinlang. Maging ang mga tao. Madali makapagpaniwala ang dilang animo’y anghel kung maglabas ng mga salita ngunit hindi dapat tayo magpadala sa agos ng kasinungalungan sapagkat may mga bagay talagang magandang dinggin ngunit may maduming hangarin. Napakahirap magkomento sa mga bagay-bagay dahil hindi ka nakasisiguro na ang katabi mo ay mapagkakatiwalaan. Nakakainis pero kailangan din namang magpasensya.
May mga tao namang akala mo ay hindi nakagagawa ng mali dahil sa kanyang malaanghel na itsura at malambing na pananalita. Ang hindi alam ng nakararami ay magaling magpatay malisya ang taong akala nila’y inosente. Taong gumagawa ng kasalanang iba ang napapahamak at kapag naparusahan ang walang alam, ay hindi man lamang kumikibo na animo’y walang nangyari. Ni hindi man lamang magawang humingi ng paumanhin. At eto pa ang napakasakit, ang kasalanang kanyang ginawa ay para lamang sa kanyang sarili at ang iba ang naparusahan. Tama! Naparusahan. Habambuhay na kaparusahan. Habambuhay na bahid sa katauhan ng isang taong walang magawa kundi ang tanggapin ang kaparusahan sa kasalanang hindi niya naman ginawa.
Hindi ba talaga kaya ng isang tao ang minsan ay mag-isip naman para sa ikabubuti ng lahat? Akala lang natin ay madali. Oo. Madali ngang sabihin ngunit mahirap gawain. Ngunit ano ba naman yung gumawa tayo nang naaayon sa kabutihan ng ating sarili pati ng ating kapwa? Ang mahirap pa nito, nakasasakit tayo ng iba nang hindi natin namamalayan. Akala natin ayos na ang lahat. Akala natin ay makapagbabago tayo sa loob ng maikling panahon. Hindi natin ito magagawa kung hindi naman natin isinasabuhay at kung ang lahat ay puro akala.
This entry was posted on Sunday, August 28th, 2005 at 9:07 pm
No comments:
Post a Comment