Kung paglayang maituturing ang pagsusulat, bakit nakakulong pa rin ang kamalayan? Bakit mangmang pa rin ang utak? Bakit mababa pa rin ang tingin ng karamihan?
Ang istiryotipong nagtatakda nang kung ano ang tama sa hindi, ay siya mismong lumalason sa pag-iisip ng mga sumusunod sa agos. At ang magtatakda ng mga mambabasa ay hindi mismo ang teksto, kung hindi ang mga puwersang naghahari upang husgahan ang utak ng manunulat. Kailanman, hindi maiguguhit ng may-akda ang balat ng aklat dahil lalapatan kaagad ito ng imaheng taliwas sa nilalaman ng libro.
Mahirap bumitaw lalo na kung matagal mo itong pinanghawakan. Sadyang sumuko na ang puso sa paghahanap ng liwanag na kailangan upang mailapat muli ang plumang dadampi sa minamahal na papel. Isang karuwagan ngang maituturing ang pamamaalam ngunit isa rin itong katapangan dahil tinanggap na ng puso na hindi na nito kaya.
Gayun nga, nalalapit na ang pagpatak ng huling tinta.
Sinulat ni: Roxanne Targa, katrabaho, kaibigan
No comments:
Post a Comment