Sunday, August 15, 2010

Maliit ba ang mundo?

      Totoo bang maliit ang mundo? Nakasisiguro ka ba sa mga sinasabi mo? Siguro nga tama ka.. maliit ang mundo. Oo.. Ito ay sa kadahilanang siya ay aking natagpuan sa lugar na hindi ko inaasahan. Siya na hindi ko kilala pero lagi kong gustong makita. Siya na hindi ko kaanu-ano pero ngayon ay bahagi na ng aking mundo. Ganan kaliit ang mundo. Isang bagay na hindi mo inaasahan na magiging bahagi ng buhay mo ay bigla mo na lamang matatagpuan sa iyong harapan.
       Pero bakit ganun? Maliit ang mundo dahil siya ay aking nakita. Gaano ba ito kaliit? Akala ko ba maliit? Pero bakit sa tuwing katabi ko siya ay para bang ang layo niya? Para bang hindi ko siya matanaw kahit na siya ay akin lamang abot-kamay. Sinong nagsabi na maliit ang mundo? Paano ito magiging maliit kung ang isang bagay na natagpuan mo sa mundong sinasabi ay katabi mo lamang ngunit hindi mo ito mahawakan man lang o mayakap? Bakit sa tuwing ayaw mo siyang makita ay nariyan siya? Dahil ba ang katotohanan ay gusto mo siyang masulyapan at itinatanggi mo lang ito sa mundo? Bakit sa tuwing  gusto mo siyang makita ay wala siya? Dahil ba ayaw mo lang talagang makita ang bagay na bumabalot sa iyong kaisipan sa tuwing ikaw ay nagiisa? O talagang ganan lang? Anong ganan lang? Ewan ko din.
      Paano mo nga ba maiiakma ang mundo? Maliit ba o malaki? O baka naman ang mga damdamin ng mga nakatira dito ang naglalapit at naglalayo sa mga bagay bagay? Ano sa palagay mo? 

This entry was posted on Wednesday, July 12th, 2006 at 2:07

Walang may alam

       Sino ba sa inyo ang nakaaalam kung anong aking nararamdaman? Mayroon bang may alam kung gaano ako nasasaktan sa bawat pangyayari? Mayroon ba sa inyong may ideya kung anong pinagdadaanan kong hirap bawat araw? Kung gaano karaming luha ang pumapatak mula sa aking mga mata sa tuwing ako ay nag-iisa? Wala. Walang may alam
      Ang sa akin lang, huwag ninyo akong husgahan at lalo ng huwag nyo akong maliitin dahil wala kayong ideya sa kung anong pinagdaanan ko at pinagdadaanan ko… Siguro akala ninyo marami kayong alam tungkol sa akin dahil sa mga kwento ko pero wala pa yun sa ni kalahati man lamang ng hinagpis na nasa kaibuturan ng aking puso… Wala rin kayong alam kung paano ako nasasaktan sa mga pangmamaliit na ibibato ninyo sa aki Pero salamat na rin dahil nakakatulong naman ang mga ito upang ako ay mas maging malakas.. Maging matapang sa pagharap ng bagong unos ng buhay.
      Hindi ko ninais na ako ay makatanggap ng mga pangungutya Sino nga bang may gusto nun? Ngunit hindi ko kayo masisisi dahil alam kong kayo ay tao rin. Marahil nga ay laging nagkakamali ang tao pero sa tingin ko ay maaari naman itong bawasan o iwasan kung gagawin lamang natin ang mga bagay bagay na madali nating nasasabi. Inaamin ko, marami akong bagay na ginawa na nakasakit ng iba. Ngunit sa mga pagkakamali kong iyon ako natututo. Sana lahat tayo ay ganoon. Ayaw kong ako ay laitin at ganoon rin naman kayo kaya sana bago tayo magkalaitan ay humarap muna tayo sa salamin at pagmasdan ang sarili… itanong natin: “perpekto ka ba?! wala ka bang kalaitan?!” maling sabihin na hindi natin alam ang kasagutan sa katanungang iyon sapagkat wala nang ibang makasasagot noon kung hindi tayo rin. Kung hindi natin kilala ang ating mga sarili ay lalo na sila sa atin. Kung sa bagay, bawat tao ay may kanya-kanyang dahilan sa mga kilos na kanilang ginagawa. Walang nakakaaalam kung ano talaga ang dahilan ng ating mga pagkakamali.. walang nakaaalam kung gaano tayo naghihinagpis.. kung gaano tayo nasasaktan.. kung gaano tayo nalalait… wala wala. WALA, KUNDI ANG ATING MGA SARILI LAMANG….

This entry was posted on Tuesday, August 30th, 2005 at 10:21 pm
          Maraming bagay sa mundong ito ang mahirap intindihin o talagang hindi mo maintindihan. May mga bagay na akala natin ay ayos na. May mga taong akala natin ay nagbago na. Yan. Ganyan ang buhay. Maraming pag-aakala…


          Marami ring katanungan ang bawat isang nilalang sa mundong ito. Bakit ba ganito ang nangyayari? Bakit ganoon? Paano na? 


          May mga bagay na tunay na mapanlinlang. Maging ang mga tao. Madali makapagpaniwala ang dilang animo’y anghel kung maglabas ng mga salita ngunit hindi dapat tayo magpadala sa agos ng kasinungalungan sapagkat may mga bagay talagang magandang dinggin ngunit may maduming hangarin. Napakahirap magkomento sa mga bagay-bagay dahil hindi ka nakasisiguro na ang katabi mo ay mapagkakatiwalaan. Nakakainis pero kailangan din namang magpasensya.



          May mga tao namang akala mo ay hindi nakagagawa ng mali dahil sa kanyang malaanghel na itsura at malambing na pananalita. Ang hindi alam ng nakararami ay magaling magpatay malisya ang taong akala nila’y inosente. Taong gumagawa ng kasalanang iba ang napapahamak at kapag naparusahan ang walang alam, ay hindi man lamang kumikibo na animo’y walang nangyari. Ni hindi man lamang magawang humingi ng paumanhin. At eto pa ang napakasakit, ang kasalanang kanyang ginawa ay para lamang sa kanyang sarili at ang iba ang naparusahan. Tama! Naparusahan. Habambuhay na kaparusahan. Habambuhay na bahid sa katauhan ng isang taong walang magawa kundi ang tanggapin ang kaparusahan sa kasalanang hindi niya naman ginawa.


          Hindi  ba talaga kaya ng isang tao ang minsan ay mag-isip naman para sa ikabubuti ng lahat? Akala lang natin ay madali. Oo. Madali ngang sabihin ngunit mahirap gawain. Ngunit ano ba naman yung gumawa tayo nang naaayon sa kabutihan ng ating sarili pati ng ating kapwa? Ang mahirap pa nito, nakasasakit tayo ng iba nang hindi natin namamalayan. Akala natin ayos na ang lahat. Akala natin ay makapagbabago tayo sa loob ng maikling panahon. Hindi natin ito magagawa kung hindi naman natin isinasabuhay at kung ang lahat ay puro akala.

This entry was posted on Sunday, August 28th, 2005 at 9:07 pm  

Saturday, August 14, 2010

UPCAT

Waaaa! i cant believe that our UPCAT will be held tomorrow! Well, mine is on Sunday! But I'm kinda pressured. I just can't believe that last month, we were just in the process of getting and filling up our forms but here it is now…. oh no! I must pass this test! I really want to study in UP! It is ok for me not to pass my first choice because I have realized that I am more into arts so I preferred to pass my BA Speech Communication course… waaaaa! I really really want to pass this test! I will surely give my best! Who won’t?! waaaa! My future is in it… I'm not saying that I can't get opportunities in other school but studying in UP really is part of my dreams and that’s the reason why I took the test in Lipa Science.. well, Ii can't say more for I am now in mixed emotions… nervous, excited, worried, happy… happy for I have to take my UPCAT na… finally! I'm on my way to success! though I know it’s a long way still…

This entry was posted on Friday, August 5th, 2005 at 12:16 am

New Blogging Site for Me

I created this blog to have a site where I can put all my blogs since highschool and after that, I will continue on blogging. Well, I am not really new here on blogspot/blogger. In fact, my first blogsite in high school was made here. :) I just think new sites are now over-rated with their novelty that old school site are being put under. Also, I find it difficult to look for my blog when I feel like reading them because as I mentioned, they were posted on different sites (eg. friendster, multiply, tumblr, etc). So there, I am back here. :)