Wednesday, April 25, 2012

Marching Away


         Habang andito ako ngayon sa isang computer shop sa Makati (sa may Cash and Carry) dahil naiwan ko ang susi ko sa loob ng condo, hindi ko maiwasang mag-isip ng kung anu-ano. Dulot na rin siguro ng nabasa kong talumpati kaya ako nagkaganito. Lungkot ang naramdaman ko. Nakokonsensya rin ako.

         Sa darating na Sabado ang ang araw ng pagtatapos sa aking minamahal na unibersidad at isa ako sa mga magsisipagtapos. Isa ako sa mga maaaring umakyat sa entablado upang abuti ang isang rolyo ng papel na hindi ko sigurado kung may nakasulat ba o wala basta ang alam ko, hindi pa iyon ang diploma namin. Oo, tama, maaaring umakyat pero hindi aakyat. Mas pinili kong huwag na lang umakayat ng entablado. Sabi ng iba, korni raw ako. Sabi ng iba, gawin ko raw yun para sa sarili ko. Sabi rin ng iba pa, minsan lang daw yun dumating.

         Wala na akong pakialam sa sinasabi nila. Mas pinili kong magtrabaho kahit na sinabihan na ako ng trainer ko na ibibigay na niya sa akin ang araw na yun magmartsa lang ako. Pero hindi pa rin. Siguro dahil na rin sa nalipasan na ako ng panahon. Dapat kasi nung 2010 pa ako gumraduate e so wala na. Wala na yung excitement.

         Natatandaan kong tinanong ako ng trainer ko kung nakit hindi ako mamartsa at sumagot ako ng: "I don't know. I just don't feel like attending the ceremony. Maybe I would if my aunts will attend but they will not so I won't be attending. No one will come anyway."

Tinanong niya uli ako, "How about your mother?"


"She doesn't even tell me to attend the ceremony. I'm not sure if she remembers that I'll be graduating this April. Maybe she forgets because I'm already working."

Balik uli ng tanong si trainer, "What if she DOES want you to attend but just don't like to tell you because....blah blah?"

Nagkibit balikat na lang ako.

         Halos dalawang linggo na ang nakalipas. Tapos na ang Grad ball na hindi ko rin inatendan. At ngayon eto, nalulungkot ako.

         Okay lang naman sa akin na hindi magmartsa pero hindi ko man lang naisip na mapapasaya ko ang Mama ko kung ginawa ko yun. (@$%^&$#, umiiyak ako sa computer shop ngayon. Kadiri.) Hilingin niya man o hindi, dapat ginawa ko yun. Siya man ang nagpaaral sa akin o hindi, dapat nagpakita pa rin ako sa kanya ng nakatoga. On time man ako o inugatan na sa unibersidad, dapat isinama ko siya unibesidad sa araw na masasabi kong hindi ako sumuko. Dapat pinaramdam ko sa kanya na "Ma, sabi ko sa 'yo, gagraduate ako ng UP. Hindi man on time pero eto, tinapos ko." Pinagkait ko sa Mama ko ang kaligayahang makita na tapos na ang kanyang panganay. Haaaay. 

          Wala na. Grad ceremony na sa Sabado. Magtatrabaho na lang ako. Buti na lang kamo e hindi siya nagtatanong kung bakit hindi ako mamartsa. O hindi pa siya nagtatanong. Hayaan mo Ma, sa susunod e aattend na ako kung sakaling kukuha ako ng Master's degree. :)

No comments:

Post a Comment