Thursday, March 31, 2011

Major Turn On

       Naalala ko nung nasa Batangas Port ako at naghihintay ng barko. May Manong na kumausap sa akin. Interbyu interbyu siya. Kung saan ako nakatira, anong course, chuchu. Kung may boyfriend na daw ba ako. Sabi niya malapit na rin daw akong mag-asawa. 
        Ewan ko. Sino siya para sabihin yun? Tapos ang tono niya pa ay parang hindi ko raw makukuha yung mga gusto ko bilang yun ang pinag-uusapan namin. Sabi ko “Hindi po, at least 27 po ako mag-aasawa.” At with conviction niya sinabi na “Hindi ako naniniwala sa ‘yo” Naiirita ako nun. Tapos ako naman e pilit na ngumingiti lang.
       “Kapag dumating na ang lalaking mamahalin mo e lahat ng pangarap mo e mawawala.” Hindi na ako sumagot. Kung anu-ano na ang inisip ko. Totoo ba yun? Ako kasi ayoko ng ganun. Gusto ko, pagdating nung taong mamahalin ko at mamahalin ako e mamahalin niya ako, ang mga taong mahal ko kasama ng mga pangarap ko. Ayoko naman ng kami lang dalawa. Hindi wagas para sa akin yun. Dahil unang una, hindi kami magpapanagpo kung hindi dahil sa iba.
         Naalala ko rin, tanong ng kapatid ko “Ate, paano kung hindi gusto sa akin ng mapapang-asawa mo?” Hindi ako nahirapang sumagot ng “E di hindi siya ang mapapang-asawa ko”
        Major Turn On: Yung may respeto sa kung anong meron na ako sa buhay ko bago pa tayo magkita. Lalo na kung hindi na ito maalis sa buhay ko.
        May mga taong ang galing magsalita pagdating sa pag-ibig at buhay. Huwag ganito, huwag ganyan, dapat kasi ganito, kasi ganito yan e… Yung totoo, naranasan niyo na ba lahat dito sa mundong ibabaw? Lahat ba ng maaaring katangian ng isang tao ay nasa inyo na? May mga taong, umiiyak na lang pag may problema, may mga tao namang lalaban hanggang kamatayan, so alin kayo diyan?
         Ayos lang namang magbigay ng opinyon pero ilahad sa pamamaraang naaayon. Hindi yung parang ikaw ang Diyos. Bawat isa, may kanyang opinyon sa buhay at pag-ibig. Bawat isa, may kanyang pamamaraan at paniniwala. Kaya huwag mong diktahan ang tao sa kung anong tingin mo ay tama. Alamin ang tamang paraan. Yung paraang andun pa rin ang respeto.
         If you want to be a preacher, make sure you know the Bible from front to back.

Suplada

         Suplada. Mahirap mareach. Maarte.
           Mga bagay na sanay na akong marinig mula sa iba. Mga bagay na manggagaling sa mga taong hindi man lang nag-eeffort makilala ka maliban sa mga kaibigang inaasar ka.
          Totoo nga naman, suplada, mahirap mareach, maarte. Hanggang doon na lang ba ang gusto mong malaman? O baka naman ayaw mo lang mapatunayan sa sarili mong mali ka? Kapag ganan ang naririnig ko sa iba e hinahayaan ko lang. Sige lang. Wala akong panahong magpaliwanag at magpakilala ng sarili sa mga taong isang tingin pa lang sa ‘yo ay nahusgahan ka na. Ichichika pa sa iba na ganito, ganoon ka. Nakakairita lang na ayaw na bukod sa nahusgahan ka na e hindi pa nakuntento at may share with friends pang nalalaman. Para bang ibinebenta ang pagkatao mo gayong hindi ka naman personally kilala.
         On the other hand, nakakatuwa ang mga taong kahit na suplada at maarte ang dating mo ay naniniwalang baka sakaling mali ang first impressions nila. Hindi ba’t minsan may mga tao talagang malayo ang personalities sa itsura? At meron rin namang malayo ang personalities sa character? Nakakatuwa lang yung mga taong handang makipagmeet halfway sa yo para makilala ang isa’t isa.
          Not that I was born this way but first, you don’t even know my real name.
         I’ve made a lot of unwise and impulsive decisions in my life. Now, would I take them back if ever I’ll be given a chance? Maybe yes. Maybe no. If yes, I would take back those decisions that lead to nowhere but when I come to think of those, how would I know that they’ll come out as nothing if I didn’t give them a shot? Sometimes, regrets won’t be such if you did not take the chance to commit mistakes.
            If no, those mistakes will serve as my pointers to be wiser and more careful when making a decision. There are ups and downs of everything. Fortunately or unfortunately, that’s one great excuse on being less regretful.

Buhay - Tadhana

            Nakakatuwang sa panahon ngayon ay marami pa ring naniniwala sa tadhana. Nakakaamaze isiping naniniwala sila na ang mga bagay sa buhay nila ay para talaga sa kanila - itinadhana. Nakakapangiti kung paano nila pahalagahan ang mga yun dahil para sa kanila, iyon ang ibinigay ni tadhana.
             Hindi ako panatiko ni Tadhana. Pero hindi naman ibig sabihin na hindi ako naniniwala. Naniniwala ako pero sa ibang paraan. Naniniwala akong lahat ng bagay dito sa mundo ay dahil kay tadhana pero yung para sa ‘yo?? Hindi. Paano mo ba kasi masasabing iyon na ang itinadhana sa ‘yo? Paano mo malalaman na ang isang tao o/at bagay nilikha para lang sa ‘yo at hindi para sa iba? Halimbawa, nakapag-asawa ka, masasabi mo bang siya talaga ang itinadhana sa ‘yo at hindi sa iba? Paano yung mga mahihirap, itinadhana ba sila para maging mahirap? Ganoon din sa mayayaman? Paano yung mga tumatandang mag-isa? Yung iniiwan? Itinadhana rin ba yun? Paano natin masasabi?
          Naniniwala akong ang tayo ang gumuguhit sa sarili nating mga palad. Hindi tayo pwedeng umupo na lamang at hintayin si tadhanang ibigay ang dapat ay sa atin. Paano kung dumating na pala ang itinadhana sa ‘yo? Paano kung dumaan na sa harapan mo? Pero dahil hindi ka naghanap at hindi ka lumingon, nakasalisihan mo lang. Ang bagay at tao na meron tayo at maging kung sino tayo, ay parte ng mga desisyong pinili at ginawa natin.
           Minsan, kapag hindi mo na alam kung anong nangyayari, at kapag kalimiting ang kinalabasan ay hindi natin nagustuhan, ang pasintabi natin ay tadhana. Si Tadhana ang may kasalanan. Sa palagay ko, nagbibigay lang naman si Tadhana ng iba’t ibang kalsada  para sa atin at nasa sa atin na iyon kung didiretso ba tayo o liliko.
          What could be a better excuse to choose a path than to insist it’s our destiny?

Hopes and Dreams

          When my ears come to listen to sad love songs, my heart sings melancholic lyrics. When I let my eyes come to see romantic movies, my mind thinks if they’ll ever happen to me. Hopes and dreams are being refreshed. I know I am not too young not to know that in time, it’ll happen and not too old to be hopelessly romantic. But my heart keeps walking everyday, taking an unknown journey. It passes through different roads. Roads that give pain and a few gives happiness but just for a moment. Each and every day, I long for some hugs and kisses. I want someone to be right here beside me. I want that one who will comfort me not because I need to be loved but that person who will love me because he does. Maybe I am getting my hopes too high but I just really want those hopes and dreams to come into reality. And when my dreams finally come to life, then will I know that they are not too high at all.

Ako

           Maaga akong nabilad sa mga bagay na hindi dapat pinag-iisipan muna ng isang bata. Musmos ako. Dapat ay naglalaro, humihingi ng piso para pambili ng kendi, nanonood ng cartoons, at kung anu-ano pa pero hindi e. Kasabay ng kamusmusan ko ang maagang pagugunam-gunam sa mga bagay. Alam kong hindi ako anak ng aking Inay. Sabi nila, ampon ako. Bata ako, anong gagawin ko? E di umiyak. Pero bakit may binibisita kami ng Inay? Si Ate Helen. Si Ate na anak ng Inay. Kamukha ko, at sa tuwing makikita niya ako e bakit ang higpit ng mga yakap?
           Naglaro ang maraming bagay sa aking isipan kasabay ng paglalaro ko holen at lastiko kasama ng mga kabataang lalaki sa nayon.Hindi nga ako anak ng Inay. Pero hindi rin naman daw ako ampon. E sino ang aking Ina? Hindi ko alam kung kailan, saan at paano nangyari pero nalaman ko na lang na ang aking kkapatid na si Ate Helen ang aking ina. Basta nalaman ko na lang, naramdaman. Hanggang sa isang araw, sa pagbalik niya, nakiusap siya tawagin siyang “Mama”. Ayoko. Hindi ako sanay. Kung hindi pa ako sinuhulan ng mamahaling sapatos noong anim na taong gulang ako ay hindi ko siya tatawagin sa paraang gusto niya.
           Ako nga ang anak niya pero hindi ko siya tinuring na ina? Bakit pa? Sapat na si Inay. Nasaan ba ako? Anak? Apo? Kapatid? Ampon? Namuhay akong nagmamahal sa mga taong dapat kong mahalin base sa kung paano kami magmahalan at hindi sa kung ano man ang aming relasyon. Nasanay akong pahalagahan ang mga taong nagbibigay sa akin ng halaga at hindi sa kung sino at sinasabing “dapat” pahalagahan. Wala akong pinagsisihan. tama lang siguro ang ginawa ko.
          Si Mama, masaya na siguro siyang tinawag ko siyang “Mama”. Hanggang doon na lang din siguro ang gusto niya noon dahil nagkaroon na rin naman siya ng bagong pamilya at hindi kalaunan ay iniwan na rin akong mag-isa. Mag-isa kung kailan gusto ko nang maging anak niya. Tunay nga sigurong mabait ang Diyos. Dalawa ang Ina ko. Nang iniwan ako ni Mama, nakita ko ang Inay sa kwarto, umiiyak. Tinanong ko kung bakit. Hindi niya raw kaya kung iiwan ko siya. Noon ko nalamang tama ang desisyon kong hindi ipinagpilitan ang sarili ko sa tunay kong ina dahil may isang nagmamahal na inang masasaktan. Isang ina na sa kabila ng katandaan ay ginagawa pa rin ang lahat maibigay lang LAHAT ng gusto ko.
         Ako, namuhay nang kontento sa piling ng minamahal at hindi na naghangad pa ng mga tao sa palagid niya. Ni hindi ko noon hinahanap ang aking ama. Hayskul na ako nang ako ay magtanong tungkol sa kanya. Ayos lang. Bata pa rin siguro ako para madagdagan pa ng timbang ang mundong pinapasan.
        Nang mawala si Inay, parang nawala na rin si Ako. Ni hindi iniisip umuwi sa bahay at sa apartment na lamang tumitigil. Natutulog, gigising, iiyak, tutulog, gigising at iiyak nang iiyak. Mahigit isang taong ganoon ang aking buhay.
          Puno man ng galit ang puso, dumating rin ang araw ng pagpapatawad at oo, pangangailangan. Pangangailangan ng kalinga kaya sinubukang bumalik kay Mama. Tinanggap naman ako. Nakahanap na naman ng tahimik na kanlungan si Ako.
          Pero hindi naman maaaring habambuhay manatili sa kanlungan ng pagkalinga. Kailangang lumabas at harapin ang mundo. Paano ba mamuhay mag-isa? Paano ba maging matapang? Matapang si ako noong bata siya at nakakaya niyang dalahin lahat ng problemang binibigay sa kanya. Ngayon, ano na bang sukatan ng katapangan? Saan ba nakakabili ng katapangan? Musmos pa lang ako ay matapang na ako. Musmos pa lang ako ay lumalaban na ako. Pero hindi na ako musmos. Nasaan na si Ako?