Thursday, March 31, 2011

Pill of Happiness

          It’s funny how it all started with me - how I was amazed by your stare and smile or simply, by you. It was unexpectedly a loving feeling to be with a friend. We eat together, laugh, joke around, etc. We do things together happily. But happiness can sometimes be poisonous and I was a victim of it. I was poisoned by the “cloud nine feeling”, by excitement. I got addicted by this pill of happiness. I can not find a cure. Side effects grew in the name of hope. I needed to go to the rehab but you kept giving me that same pills. You wanted to see me high, always.. I told you I was overdosed by your tablets. You told me that you didn’t know the side effects. You felt sorry and being afraid to be sued, you walked away. And now, I am here inside the rehab, hoping to get some cure for the pain and wounds that the pill of happiness had caused me.

Lately...

       Wala akong kwenta. Hindi gumagana ang utak ko. Wala akong emosyong mapaghugutan ng mga isusulat ko. Ni hindi ko makita ang mga salitang dapat ay inilalabas ko. Walang thoughts, walang makatha. Ganito na ba ako kabato lately?
         Wala akong kwento. Walang pangyayari sa akin na sana ay mailalahad ko. Ni walang saya o maging lungkot nga e, wala. Ang stagnant ng buhay ko lately. Wala akong maikwento kasi hindi na interesting ang buhay ko. Walang nangyayari. Ganito na ba ako kawalang kwenta ngayon?
        Gusto ko uling mainspire sa bawat saya, lungkot o takot na nararamdaman ko. Gusto ko uling magkaroon ng inspirasyon. Gusto kong magkaroon ng buhay na maisusulat sa kwento, tula, haiku, one-liners o maidodrawing ko. Kahit ano. Ang hirap kapag stagnant ka. Umaagos ang buhay pero ako, naiiwan. Ang hirap lang.
Dear Ma,
          I don’t know what’s going on. Why aren’t you talking to me? What happened? I need you now. Tita Flor isn’t communicating with me, too, for the reasons I fcuking don’t know. I miss her. I miss you! Talk to me. 
           Ma, I know it’s your birthday tomorrow and in my 21 years in this world, I never did something extraordinary to make you feel loved especially on your birthday. I did text you“I Love You” 3 times. Yes, in 21 years, 3 times. :| I am sorry.
           I know that you saw me as your failure before and that changed. But now, I feel like I am. I am such a failure. I didn’t commit a lot of mistakes. In fact, I did litlle things and that’s why I think I am such a big failure. I don’t do things. I am afraid to commit mistakes. And just when I see myself as such, you look at me as the most beautiful person. How ironic.
          I don’t say “I love you” because..because..I don’t know. I feel more than those words could expound. I accepted you for who you are though you don’t feel the same way before. In my 21 years, I live with with the hope that I will have a “mother” in you someday and I did.
           I feel uneasy at the moment. I think I am a loser for not being there beside you on your birthday. But I tell you this, I may fail in many things. I may lose in many battles. And here, I will never fail to love you. I will never lose faith in you.
          I love you.
Your daughter,
Hazel 

Just a Thought

          Just because a dream of yours did not happen does not mean that the others won’t happen, too. Just because your day did not start well does not mean it will end bad. Just because a relationship did not work does not mean that all the others will not work, too. Just because you are hurt today does not mean that everyday of your life you’ll be crying. Don’t ruin your whole life just because of that one thing you thought was your life.

Noon..

          Alas tres ng umaga, matapos ang confe call, hindi pa ako inaantok, nagbukas ng laptop at nag-online uli. Walang magawa. Binisita ang multiply site, naningin ng mga photos. Ang simple lang ng mga bagay-bagay. Ang simple ng mga tao. Ibang iba sa ngayon.
           Lumilipas nga talaga ang panahon at hindi naman tayo maaaring magpaiwan. May bagong usong damit, sapatos, palabas sa telebisyon, social networking site, isang iglap may bago - isang iglap, nagbabago.
          Maluha-luha akong naningin ng mga larawan. Walang make-up, nakatsinelas, jeans o shorts lang. Ganun lang din naman halos ngayon pero bakit ang aura ng mukha ko ay parang napakapayak lang? Ang simple simple pero kita mong masaya sa mga simpleng ngiti lang din. May  problema na noon pero ni hindi mo makita sa mukha. Ibang-iba ang dating.
          Sa pag-usad ng panahon, nabago ang lahat. Noon, kapag may camera, ngiti lang. Ngayon, bongga ang pose. Maarte na ba ako ngayon? Tumaas na ba ang lipad ko? Kinalimutan ko na ba ang dating ako? Maraming katanungan ang nag-uunahang maghanap ng kasagutan sa aking isipan. Hindi ko alam ang sagot. Kung oo, hindi ko napansin. Kung hindi, bakit parang hindi ko rin napansin?
          Kung hindi kaya ako nagbago e ano kayang mangyayari? Hindi naman pwede yun e. Hindi pwedeng kung ano ako ngayon e ganoon pa rin ako bukas. Simple lang, kada oras, nadadagdagan ang edad ko. Kada minuto, kailangan kong gumalaw. Kada segundo kailangan kong mag-adjust. Kung hindi ako magbabago, wala akong patutunguhan, hindi ako uusad. Pero bakit hindi na lang kasi maging simple ang lahat? Bakit hindi maitigil ang oras kung kailan ka masaya? 
          Habang tinititigan ko ang mga larawan ng nakaraan, napapangiti ako habang namumuo ang mga luha. Nakakamiss lang. Nakakatuwang malaman na minsan sa buhay ko, naging masaya ako. Na minsan sa buhay ko, napaligaya ako ng maliliit na bagay. 
          Tumatanda na nga siguro ako. Naghahangad na ng mga malalaking bagay. Kahit noon pa naman, matayog na ang mga pangarap ko dahil naniniwala akong libre ang mangarap at talo ka kapag hindi mo kinuha ang pagkakataong yun. Ang kaibahan siguro ngayon, kailangan ko nang kumilos para isakatuparan ang mga pangarap kong ‘yon. Panahon na para bayaran ang pangarap na ninakaw, kailangan nang bayaran para maging sa iyo na.
         Noon, isa lang akong batang nangangarap. Ngayon, isa na akong taong kailangang pangatawanan ang mga pangarap. Siguro kaya masayang balikan ang ‘noon’ ay dahil alam mong nalampasan mo na yun. Mahirap tanggapin ang ngayon dahil hindi mo pa alam kung makakaalis ka o tuluyang makukulong sa kasalukuyan. Pero bukas, makalawa, ang ngayon ay magiging parte lamang din ng noon. 
          Oo nga’t ang ngayon ay magiging parte lamang din ng ‘noon’ hindi kalaunan pero hindi ibig sabihin ay hihintayin ko na lamang ang bukas. Kailangan kong kumilos. Kailangan kong maging masaya.
         Kailangan kong mabuhay sa ngayon. Hindi dahil magiging parte ito ng masaya kong nakaraan kundi magiging bahagi ito ng makabuluhan kong nakaraan at ng masaya kong kinabukasan.
          Iba na lang din siguro ang simple noon at simple ngayon. Ito pa rin ako. Hindi man ang dati ako, pero ako pa rin ito. Kailangan kong maggrow kasabay ng panahon. Kung hindi ako sasagwan sa agos ng panahon, baka malunod ako nang wala sa oras.
         Patuloy akong sasagwan sa alon ng buhay.
image

Thursday, March 17, 2011

Dear Inay,

          
          Tanda mo ba ang larawan na ito? Ikaapat ng Nobyembre yan, taong 2008. Sa ospital, sa Mary Mediatrix Medical Center. Yan ang unang pagkakataon na hindi mo ako kilala. Una at kaisa-isang pagkakataon na hindi mo ako marecognize. Nakakaiyak na marinig mula sa ‘yo ang iba’t ibang pangalan noong tinatanong kita noong gabing yan kung sino ako at pinapaalam sa ‘yo na hindi mo kailangang matakot dahil andun lang ako sa tabi mo.
           Bago ka matulog dahil sa sakit, sa dami ng ininom na gamot at turok, sabi mo, “Ikaw si Hazel, ang paborito kong apo, ang aking anak.” Wala kong kasing saya noon. Tumulo na lamang ang luha ko. Magkahalong lungkot at saya. Malungkot dahil alam kong nahihirapan ka. Masaya dahil…kailangan ko pa bang ipaliwanag? Sa sinabi mong ‘yun, sinong hindi tatalon ang puso sa saya?
           Hindi ka agad natulog noong gabing yan, at hindi mo rin ako pinatulog. Sobrang balisa ako noon. Kung anu-anong pangalan ang sinasambit mo. Kilala ko silang lahat. Sabi mo, hinihintay ka nila. Kilala ko silang lahat. Sabi mo, gusto ka nilang makasama. Kilala ko silang lahat. Wala na silang lahat dito, nasa kabilang mundo na.
           Sabi mo pa noon ay kukuhanin mo ang jacket mula sa Kuya mo dahil nilalamig ka. Sabi ko, ako na ang magbibigay sa ‘yo dahil tayong dalawa lang naman noon at isa pa, ikaw na lang sa inyong magkakapatid ang buhay. Sabi mo sa akin, hindi ko na kailangang mag-abala pa. Nanlambot ang buo kong katawan. Naramdaman kong mas gusto mo na silang makasama kesa sa amin pero hindi ako sumuko. Hindi kita iniwan at niyakap kita hanggang sa makatulog ka.
          Kinabukasan, andaming tao sa kwarto, andiyan ang internist, cardiologist, surgeon, ewan, basta lima o anim na doktor ang andun kasama ng mga nars. Umiiyak ka at sinasabing hhuwag kang igapos at saktan. Andaming makina. Andaming karayon. Hindi kita matingnan, ayokong makakita ng luha. Alam mong mahina ako.
         Nang sinabi ng isang doktor na kailangan ka nang dalhin sa ICU, isa lang ang sinabi ko, “DALHIN NIYO NA! NGAYON NA!” sabay lingon sa ‘yo at nang makita kung paano nagbabago ang kulay ng buo mong katawan, tumakbo ako palabas ng kwarto. Patawad kung iniwan kita, hindi ko kayang umiyak sa harapan mo noong panahong iyon.
         Dinala ka sa ICU. Tumawag si Tita sa akin. Pinagalitan ako. Bakit pa raw kita pinadala sa ICU gayong dalawang linggo na lamang naman ang itatagal mo. At yun ay kapag ginawa ng mga doktor ang lahat. Pinagalitan ako nang sobra sobra. Wala akong maisagot. Pagkababa ng telepono, nagtext na lamang ako: “Sorry kung pinadala ko pa siya sa ICU. Kung kayo kasi ang narito sa Pilipinas at nakikita ang kalagayan niya at kung mahal niyo siya, kahit isang oras lang na karugtong nag buhay niya ay gagawin niyo. Sorry, I just can’t execute your decisions. I just can’t let her go.” Tanda ko yan. Nasa Diary ko pa yang mga yan. Akala ko noon, pagagalitan pa rin ako pero eto ang reply nina Tita: “Sorry if we scolded you. Hindi lang din namin alam ang gagawin. Ang hirap nang malayo. Salamat Hazel. Pakatatag tayong lahat.”
          Pero hindi ka na rin nila nilagyan ng kung anu-anong tubo dahil mahihirapan ka lang. Pinatawag ang lahat ng mga anak at apo para maghintay sa bahay at iuuwi ka na at magsasama-sama tayo sa hhuling pagkakataon. Ayoko pa. AYOKO! AYOKO! Inihanda na ang ambulansya para maiuwi ka nang may wisyo pa at para marinig mo ang mga gusto naming sabihin.
         Hindi ko na alam ang gagawin ko noon. Tumakbo ako sa Chapel at kinausap ang Panginoon. “Ayoko pa po. Ayoko pa. Pleeeeeeeease. Papa God, ayoko pa. Hindi ko kaya.” Paulit-ulit na ganan lamang ang sinasabi ko habang umiiyak. Makalipas ang ilang minuto, kinausap ko ng matino si Papa God. “Papa God, ayoko pa po talaga. Alam mo yan. Pero ayoko na rin siyang mahirapan. Ayoko pa talaga. Pero kung ano ang gusto niya at gusto Mo, tatanggapin ko.”
         “MISS TOLENTINO!!!!” Tinawag ako ng Doktor, kailangan raw ako sa ICU. Medyo mabagal pa ang pagsusuot ko ng lab gown noon dahil sa panginginig nang sinabi ng isang nars “Ma’am, pakibilisan lang po natin, wala na po si Lola”. Hindi na ako nagsuot ng labgown. Tumakbo na ako sa ‘yo. Niyakap kita at tinulak ako ng doktor dahil kinukuryente ka pa noon. Binato ko ang doktor. “Bakit mo sinasaktan ang Inay ko?” Hanggang sa wala na. Wala ka na. Pero ako, kinakausap ka pa rin. Tinatanong ka kung bakit ngayon na? Pinapagalitan ka dahil sabi mo sasamahan mo ako sa graduation ko! BAKIT? BAKIT? Alam mong ikaw lang ang buhay ko. Tayo na lang dalawa tapos iiwan mo ako.
         Ilan taon akong umaasang magbabalik ka. Ilang taon na umaasang sa pag-uwi ko sa Lipa tuwing weekend ay may yayakap sa akin. Ilang taong hinahanap ang boses na nagsasabing “Kumain ka muna bago ka umalis” sa tuwing pupunta ako sa Elbi nang Lunes ng madaling araw.
         Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maisip kung paano ako nabuhay nang wala ka. Hanggang ngayon ay umaasa pa rin ako na magkatabi tayo dito sa higaan at yayakapin mo ako kahit nakadextrose ka. Hanggang ngayon, hinahanap hanap pa rin kita. Ikaw ang Ina ko. Hindi mo ako pinabayaan. Hindi mo man lang ba mahintay na maibalik ko sa ‘yo lahat ng pagmamahal na binigay mo sa akin?
         Sabi mo, bago ka dalahin sa ospital na gagawan mo ang lahat pero kung hindi mo na kaya, ayos lang dahil alam mong kaya ko na at nakapagpalaki ka ng isang maganda at mabuting tao. Nagkakamali ka. Pakiramdam ko ang pangit ko dahil hindi ikaw ang nakakakita nun. Pakiramdam ko ang sama ko dahil hindi ikaw ang nagsasabing mabuti ako.
         Miss na miss na kita. Sana narito ka. Pagalitan mo ako. Sige na please. Sermonan mo ako, parang awa mo na.
          Yang larawan na yan, larawan ng huling araw na nagkausap tayo. Yang larawan na yan, may sakit ka man at wala akong tulog, walang sinumang tao ang makakaalam kung gaano karaming pagmamahal ang namamagitan sa atin. Tunay na pagmamahal.
          Patawarin mo ako kung nawala ako sa landas nang iwan mo ako. Napakahirap mamuhay nang wala ka. Patawad.
         Mahal na mahal na mahal na mahal na mahal kita.
Ang iyong Nini,
Hazel 

Thursday, February 24, 2011

          Life is never kind. We feel pain and anxiety. We face challenges. We are bound to make decisions. We get hurt, we hurt others. When we’re walking, we want to stop and take a rest. When we get stuck, we get angry and want to move on. Some choose to escape. Some choose to deal with life. Some choose to end it. We choose where we want to go.